pain...

15.2K 432 28
                                    

Alexa's P.O.V::

"hi baby ko namiss kita ng sobra!!!! "-sigaw ko at niyakap ang favorite kung teddy bear ...

"hoy babae ang ingay mo ah kanina ka pa"- Mich....

"Alexa!!!!!! Kumain ka na "- oo nga pala gabi na ngayon eh kasi kanina lang naman ako nagising natulog lang kasi ako magdamag hehehe....

"nandyan na po"- pagkatapos kung maglinis ng katawan bumaba nako pero bigla nalang akong nahilo at sobrang sakit ng ulo ko....

"hoy ayos ka lang?? "- pagtatanong ni Mich ako naman nasa hagdan pa napaupo kasi ako sa biglang pagsakit ng ulo ko...

"a-ayos lang ako kain na tayo"- sa totoo hindi ako ayos sobrang sakit ng ulo ko kahapon lang to sa school ng magsimula kainis naman oh magkakaroon yata ako ngayon eh... Gets niyo yong ano yong monthly natin mga girls....

Hindi naman yata diba dapat lower abdomen ang sumasakit "hoy Alexa!!! "- hala kanina pa pala ako kinakausap ni tita..

"bakit po??? " ako...

"namumutla ka gaga "- aba maka gaga wagas hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni tita at kumain nalang ng maisubo ko na ang bacon ibang iba ang panlasa ko gusto ko itong isuka....

"hoy... Hoy wag ka sa lamesa sumuka don ka ang baboy mo"- inalalayan ako ni Mich sa bathroom at ng makarating kami agad akong sumuka naisuka ko ang kinain ko kanina...

" ma buntis ata si Alexa!!! "- hoy aba gago tong babae nato virgin pa ko...

"gaga hindi ako buntis sadyang hindi maganda ang pakiramdam ko!! "- napasigaw ako kay Mich aba sabihan ba naman ako na buntis ako...

"sige na umakyat kana mabuti pang magpahinga ka na muna"- ang bait yata ni tita ngayon anong meron?? Di bale na nga umakyat nalang ako ganoon pa rin ang nararamdaman ko hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo ko...

Tumingin ako sa salamin ko ang putla ko nga tama si tita tapos pinapawisan pa ko mukha na nga akong nakakita ng multo sa itsura ko pinunasan ko ang pawis ko at sinuklay ang buhok ko bigla nalang sumakit ang buo kung katawan...

"ahhh!!!!!! Ahhh!!!!!! "- pagsisigaw ko sa sobrang sakit naririnig ko na may tumatakbo sa hagdan malamang sila tita yon pero wala nakong pakialam sobrang sakit ng buo kung katawan para bang nasa isang kwarto ako na para bang puro apoy ang nandoon para bang sinusunog ang buo kong katawan sa sobrang sakit at sobra akong nahihirapang huminga nauubosan na yata ako ng hangin...

Mich's P. O. V::
Ng marinig naming sumisigaw si Alexa tumakbo kaagad kami ni mama kahit kailan problema ang isang yon pero ng madatnan namin si Alexa na nakahiga sa sahig at namimilipit sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman...

"Alexa!!!!!!! Hoy Alexa ibukas mo mga mata mo!!!! "- pagsisigaw ni mama nahihirapang huminga si Alexa halos mapunit na niya ang damit ni mama sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya dito...

"tumawag ka ng ambulansya!! "- agad akong bumaba at tumawag ng ambulansya ano bang nangyayari kay Alexa idadadial ko na sana ang number ng may biglang humawak sa kamay ko...

"K-Kyle?? A-anong ginagawa mo dito??? "- paano siya nakarating dito??? At kasama niya sila James,Kei at Carl at may mga doktor silang kasama???

"kami na bahala Mich dito ka lang"- Kyle

"paano si Alexa?? "- mangiyakngiyak na sabi ko kahit hate ko yon mahal ko pa rin yon no...

"don't worry i bought some professional doctors with us"- James...

Umakyat na sila Kyle kasama ang mga doctor nakita ko na pinapatahan ni Kyle si mama paano nila nalaman na si Alexa ay..

"magiging maayos rin ang lahat wag kang mag alala"- Carl...

Paano na magiging maayos ang lahat??

Please po lord sana ayos lang si Alexa please hindi ko na po siya pahihirapan promise.......

_______________________
Ano nga ba ang nangyari kay Alexa??? Find out soon.....
Nagustuhan niyo ba??? Sana nagustuhan niyo and im sorry kung late ako naka update sadyang busy lang...

Thank u for reading..... 😊😊😊😊

Vampire Blood [ UNDER MAJOR EDITION ]Where stories live. Discover now