CHAPTER XIV - Starlight

2.2K 35 0
                                    

--------------------------------------------------------

Flashback

Gray POV

Hanggang ngayon utusan ko pa rin si Red.

Oo tama kayo ng rinig Red ang tawag ko sa kanya hindi na nerd o kaya slave pero sa isip ko lang naman.

Ewan ko rin ba sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ginagawa ko pa rin syang slave kahit na alam kung hindi na dapat. Hindi sa woman hater ako kaya di ako nagkakalovelife kagaya nga ng sabi ko dati iniwan kami ng mommy ko kaya siguro takot akong magmahal.

Si Red lang ang pangalawang babae na naging malapit sakin at syempre si Indigo ang una kasi pinsan ko naman sya. Siguro sanay na ako sa presence ni Red kasi hindi na ako naiirita sa kanya pero pagmagkaharap kami di ko mapigilang asarin sya.

Oo nerd sya pero ang puso naman nya ay napakaganda. Maraming bagay akong natutunan sa kanya sa loob ng dalawang buwan kaya siguro ayaw ko na syang pakawalan.

Sinama ko sya sa school namin kasi nga may play kami at ako ang ibinoto ng mga kaklase ko para maging lead role. Wala naman akong nagawa kahit na ayaw ko.

Inutusan ko syang buhatin ang mga gamit ko pero dahil mahina sya di nya mabuhat ng maayos ako nalang ang nagdala. As usual pinagtitinginan na naman ako ng mga babae sanay na ako pero ng may marinig akong panlalait kay Red di ko napigilang wag syang pansinin.

Kita sa mukha nya ang pagkainis kaya sinabi ko nalang na wag nyang pansinin yung mga yun.

Sa ayaw at sa gusto ko nagpraktis pa din ako kahit na halatang hatalatang wala ako sa mood. Maganda man yung kasama kung lead role na babae kasi di man lang ako na-attract sa kanya.

Tapos nalaman pa namin na may kissing scene palang itong play na ito syempre tumutol ako pero wala pa din akong nagawa. Tiningnan ko si Red dun sa upuan nya andun nakataob kaya nilapitan ko.

Napakainosente nya talaga.

Maganda kahit may salamin.

Kahit magulo ang buhok bagay pa rin sa kanya.

Teka lang bakit ba ganun ang iniisip ko. Napatingin naman ako sa mata nya ngayon ko lang napansin na medyo bluish yun hanggang sa ipikit nya ito.

Hindi ko napigilan lang sarili ko kaya napatawa ako.

"Bwahahaha" tawa ko ang cute nya kasi

"Bakit ka pumikit? Akala mo hahalikan kita asa. may langgam kasi dyan sa may buhok mo kaya inalis ko" pang-aasar ko.

"A-Asa ka din napuwing lang ako kaya ako napapikit" Nakakatwa talaga sya.

"Sus! If I know disappointed ka lang crush mo na ako no?" malay mo crush nga ako.

"W-Wag ka ngang feeling bumalik ka na dun magsisimula na ata kayo" pag-iiba nya ng topic.

"Deny pa! Hintayin mo ako ha! wag kang aalis dyan!" pagpapa-alala ko

"O-Oo n-na!" pautal-utal nyang sabi at di naman sya makatingin sakin ewan ko ba kung bakit ?

Bumalik nalang ulit ako sa stage para magpraktis kasi tapos na yung break. Ang cheesy nga nung mga lines ang babaduy pero kahit ayoko kung sabihin napilitan nalang ako hanggang sa pagyakapin kami nitong babaeng partner ko at sabi pa magkiss kami. Akmang hahalikan na ako nung babae ng bigla ko syang itulak.

"Bakit?" maarteng sabi niya.

"Oo nga Papa Gray malapit na e" sabat pa nung bakla.

"Tss. Bakit kasi may ganun pa ayoko na maghanap nalang kayo ng iba" sabi ko saka pumunta sa backstage para kunin yung gamit ko

Loving Him Was Red. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon