Anghel

179 4 1
                                    

I LOVE YOU BABY....

(malambing na tinig galing sa isang babae)­­

(dumilat ang mga mata ko)

“ISANG PANAGINIP....”

(pabulong kong sinabi sa aking sarili, sabay tulo ng luha sa aking mga mata ng hindi ko namamalayan)

panaginip lang. (sabay pahid sa aking mga pisngi na dinaluyan ng ilang patak ng luha)

TAPOS NA NGA PALA ANG LAHAT SA AMIN.

Sinubukan kung tumayo mula sa aking pag kakahiga noong mga araw na yun,para lumabas ng kwarto,maglakad lakad at magpahangin para kahit papanoy makalimutan ang sakit na nararamdaman. (madilim ang kwarto tanging ilaw lang mula sa poste sa labas na tumagos sa bintana ang mayroon lang) ngunit hindi ako makatayo! hinang hina ang katawan ko, napakabigat ng pakiramdam , at ang ulo ko namay tila binabarena sa sakit, pilitin ko man, pero hindi ko magawa, tila ba wala akong lakas, NAKAKAPANLATA. (marahil sa sobrang kalasingan ko kanina) at siguro’y isa pang sanhi nito ay dahil sa aking nararamdaman, pilit ko man itong labanan, para bang gusto ng katawan ko na nakahiga nalang at mag mukmok, isipin siya, ang mga nangyare samin at kung ano ang mga dapat ginawa ko noon ng hindi na kame humantong sa ganitong estado, sa ganitong sitwasyon, sa sitwasyong tila ba nasa impyerno ko at sinisilaban ng san damakmak na demonyo ang puso ko. (sabi nga nasa huli palagi ang pag sisisi, ngunit sa sitwasyon ko hindi ko alam kung sya o ako ang dapat na sisihin.) ewan ko! Hindi ko alam! Magulo! pero kahit naman siguro anung isip ang gawin ko dito o kahit siguro anung gawin ko tyak naman na ayaw na nya. Marahil ay sawa na sya. siguro nga’y masaya na sya ngayon. ”kuntento”. Siguroy sinusubukan na rin nya kong kalimutan, SIGURO!.

Tirik na si haring araw nung akoy magising ang ilaw ng poste sa labas na nag mistulang ilaw ko kagabi na syang tanging saksi sa aking kalungkutan ay napalitan na ng sikat ng araw. (hindi ko namalayang nakatulog na pala ko at tila napasarap ang tulog ko, nakatulog sa pagod kaiiyak, nakatulog kaiisip sa kanya, nakatulog sa sobrang kalungkutan,at nakatulog sa sobrang sakit na nararamdaman) madali kong hinagilap ang cellphone ko, ng mahanap at ng makita ko ito, may basag ang maliit nitong screen. (bigla kong naalala na ibinato ko nga pala ang kawawa kong cellphone kagabi,maliban doon wala na akong iba pang maalala, marahil sa sobrang kalasingan ko at sa sobrang sakit na nararamdaman, sakit na sa tingin koy walang katumbas, sakit na walang kasing sakit) madali kong binuksan ang cellphone ko para tignan kung may message, message galing sa tropa, sa kapamilya o kahit kanino man, pero higit sa lahat ang nais ko sanang malaman kaya ako nagmamadaling buksan ang cellphone ko e kung nagtext na sya, kung naalala pa ba niya ko o kung nag aalala sya sakin, pero sa kasamaang palad, wala!! Walang message, wala man lang syang text o miscall man lang,(samantalang dati, noong Masaya pa kaming nagsasama, pag gising ko santambak na ang text nya ng

“GOODDAY, I MISS YOU BABY, I LOVE YOU”

mga miscall,mga miscall na nangungulit, mga miscall na gumigising sa akin, at mga tawag, mga tawag para ipaalala na hwag kong kalimutang mag agahan, mag ingat sa buong araw, at higit sa lahat ipaalala sakin kung gano nya ako kamahal,na walang makakatumbas sa pagmamahal niya sakin,na walang hahadlang sa pag iibigan namen,na walang makakapag hiwalay sa amen,na ako lang ang mundo at ang buhay nya)

Matagal kong tinitigan ang blangkong monitor ng cellphone ko maliit lang naman ang basag ng screen kaya kita ko pa kung may magtetext sa akin,lumipas ang mga minuto ng walang ngyayare, sa tantya ko ay inabot din ako ng mahigit labing limang minuto na parang nakatingin lang sa kawalan, nag hihintay na baka sakaling magparamdam o maka alala man lang sya. Pero wala!! Wala! Wala! Wala! “NAKAKAPANIBAGO” Kaya ibinaba ko na lang ang cellphone ko sa aking dibdib para kung sakaling magtext sya mabilis kong mababasa at makikita ko ito agad agad.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 20, 2014 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

AnghelOnde histórias criam vida. Descubra agora