chapter 65

37.9K 1.1K 59
                                    

Althea P.O.V

Nandito kami ngayon sa bayan ng fire kingdom,Napag pasyahan kasi nilang maglibot libot muna sa labas ng fire kingdom para daw makita ko kong gaano kaganda ang fire kingdom.

'Punta tayong market sigurado akong maraming nagtitinda doon^_^'- cassy

'Kaya nga market diba? Natural maraming nagtitinda nakakita ka na ba ng market na isa lang ang nagtitinda?'- pambabara ni nate kay cassy

'Hahaha nga naman'- pangangatong ni tristan habang si blair at sean naman ay nagpipigil ng tawa

'Kahit kilan talaga peste ka sa buhay ko ungoy ka -_-+'- sambit ni cassy habang masamang nakatingin kay nate

'Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah'- inosenting sambit ni nate

'Pfft Hahaha tama na nga yan. Nandito na tayo'- pagpipigil ni blair sa dalawa

'fruitas*_*' sambit ni nate sabay lapit sa tindahan ng mga prutas. Hindi na talaga nagbago si nate

Habang kami naman ay nagkanya kanya na muna para bumili ng gusto namin

Napagpasyahan kong maglakad lakad muna habang tumitingin sa mga paninda at baka sakaling may magustohan ako.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng maagaw ang pansin ko ng isang matandang nagtitinda ng mga hayop na pweding alagaan kaya naman agad akong lumapit para makita ang mga hayop na itinitinda niya

'Gusto mo bang bumili ija?'- nakangiting tanong sa akin ng matandang lalaki ng makitang tumitingin tingin ako sa mga paninda niya. May mga iba't ibang klaseng hayop ang makikita dito tulad ng ibon, rabbit, aso, pusa, at iba pa

'Tumitingin lang po at baka sakaling may magustohan ako'- walang emosyon kong sambit

'Ah sige ija pili ka lang diyan'- masayang sambit ni lolo

Isa isa kong tinignan ang mga hayop na itinitinda ni lolo ngunit wala akong magustohan kahit isa man lang.

Aalis na sana ako ng may mahagip ang aking mata. Isa siya maliit na tuta na nakalagay sa kulungan, hindi siya masyadong napapansin dahil sa nakalagay ito sa dulo ng tindahan at medyo madilim din sa kinalalagyan nito

'lolo pwede ko po bang bilhin ang tutang yun?'- tanong ko. Wala kasing nakalagay na presyo sakanya kaya baka hindi pinagbibili.

Napukaw ang attensyon ko dahil sa mata nito na tulad ko, kulay purple at ang balahibo nito ay kulay purple din na may kaunting itim.

'Hindi ko ipinagbibili ang tutang yan ija'- sambit ni lolo

'Bakit naman po?' - malungkot kong sambit habang naka tinging sa tuta na ngayon ay naka tingin na rin sa akin

'Masyado kasi siyang mabangis. Ayaw niyang may lumalapit sa kanya'- lolo

'Kong mapapaamo ko po ba siya ay ipagbibili niyo siya sa akin?'- sambit ko. Hindi ko alam kong bakit pero parang ayaw kong iwan ang tuta.

'Sige kong mapapa amo mo siya ay Ibibigay ko siya sa iyo' -nakangiting sambit ni lolo

Tila nabuhayan naman ako ng loob at agad na lumapit sa tuta para paamuhin.

Pagkalapit ko sa tuta ay tinitigan ko lamang ito at tila nagkakaintindihan kami sa pamamagitan ng aming mga mata.

Makalipas ang ilang minuto ay agad itong tumahol at lumapit sa akin habang masayang ginagalaw ang buntot kaya naman kahit walang pahintulot ni lolo ay binuksan ko na ang kulungan niya at agad na kinarga

'Paano mo siya napaamo?'- tila gulat na sambit ni lolo ng makitang kargakarga ko na ang tuta.

'Ewan'- sambit ko. Hindi ko naman kasi talaga alam kong pano ko siya napaamo wala naman akong ibang ginawa kundi ang titigan siya

ALBUS MAGICEA ACADEMY: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon