Chapter 42

3.3K 38 4
                                    

A/N: This is chapter 42. Dahil walang pasok nitong Monday. Nakagawa ako nang update. Pagpasensyahan ninyo na po ito kung di ganun kaganda. Nagrereview po kase ako para sa exam namin. Pero sana po, magustuhan ninyo.

Enjoy Reading!

--

ASHLEY’s POV

Naka-akyat na si Lia sa taas. Baka napagod talaga iyon, anu ba kaseng ginawa nilang da----

Nagulat ako kase may biglang nag-ring. Nung tinignan ko ung cellphone ko, si Angelo pala.

“Hello?” panimula ko

[Insan, tanong ko lang ah. Talaga bang may suot na bullet proof yang si Lia?] tanong nito

Nag-taka naman ako kase sinusuot niya lang iyon pag alam niyang may pupuntahan kami/sila na natitiyak niyang mapapahamak sila.

“ahm, oo?” sagot ko

[ah, geh. Baba ku muna ah. May aasikasuhin pa kase ako eh.] at binaba niya agad ung cellphone

Nakakapag-taka ung dalawang un ah. Si lia, parang biglang nawalan nang ewan! Tapos ito din si angelo, nagmamadali kala mo hinahabol. Anu ba nangyari doon?

Dahil sa wala nang katulong si Lia, sa bahay niya. Kaya ito, nag-linis muna ako nang bahay niya bago ako matulog. Past 10 na rin. Itatapon ko nalang ung mga basura sa labas.

Namimiss ko na si sasha. Na kanila mama kase siya eh. Medyo allergic kase si Lia sa aso, pero di naman over noh.

Natapon ko na sa labas ung basura, kaya lang nagulat ako kase may van na tumigil sa harapan ko.

“ahm, pwede po bang magtanong?” sabi nung manong

“anu po iyon?” sagot ko

“saan po ba dito iyong mini park?” tanong nito

“dere-deretso lang kayo. Makikita ninyo iyon, may arko doon kaya matutukoy ninyo agad iyon.” Sabi ko at sabay pasok nang bahay

Weird? Pupunta sila nang mini park sa ganitong oras? Imposible naman na may party na maganap dyn sa ganitong oras.

Hay, hayaan na nga lang natin ung mga kumag na iyon.

--

12 o’clock

Nagising ako, para uminom nang tubig. Nauhaw kase ako bigla. Infairness, antok na antok pa rin ako.

Nasa may hagdanan na ako nung may narinig akung kaluskos.

Agad akong nagtaka. Baka si Lia lang un. magaslaw kase un eh,

Kaya dumiretso na ako sa may kusina, para kumuha nang tubig.

Pabalik na ako sa itaas nang may kumaluskos na naman. This time, napababa na talaga ako. imposibleng si Lia un eh.

Kaya hinanap ko.

Nasa may salas na ako.

Pero wala pa rin akong nakita. Sinu ba iyon, baka naman multo lang.

Kaya babalik na sana ako sa taas.

Pagtalikod ko!

Bigla nalang may humampas sa likuran ko.

At lumagapak ako sa sahig at medyo nahihilo na ako

“Hi, miss.”

Un ung driver nung va-

Then all went black!

DIVORCE? [Finished] [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon