Chapter 25

70.6K 2.1K 364
                                    

Chapter 25

Ilang minuto na ang nakaraan nang dumaan sila pero hindi pa rin ako makabago sa aking kinatatayuan.

Hinawakan ako ni Jill sa braso at hinigit palabas ng room.

"Si Tamiya ka diba? Si Tamiya ka. Don't act pathetic!" Pagpapalakas niya sa aking loob.

Pumasok kami sa aming room. Iniwas ko ang tingin sa upuang katabi ko. Binitawan ako ni Jillian pero hindi ako dumiretso sa aking upuan. Sa halip ay sinundan ko siya at umupo sa kanyang tabi.

Nagulat siya sa ginawa ko. Tumingin ako sa mga matang nakatingin sa amin. Alam kong nagtataka sila dahil wala naman akong ka-close maliban sa mga pinsan ko dito sa school.

"Are you free this weekend, Jill?"

Nagtataka siyang tumango. "Yes."

"Wanna go somewhere? Let's go shopping." Aya ko.

May tumikhim sa aming likuran. Hindi ko ito pinansin kahit kilala ko na kung sino iyon.

"Dela Vega-"

"Diba sabi mo reregaluhan mo 'yung boyfriend mo kasi monthsary niyo?" Malamig kong sabi. "I'll help you. I know that I am not good in choosing stuffs especially for a guy but I can try."

"Talaga?" Ngumisi si Jill. "Well, thanks. Magkita na lang tayo sa mall?" Pagsakay niya.

"Alright." Tumayo ako at nilagpasan si Altamirano.

Ramdam ko ang atensyon sa akin ng mga pinsan ko. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagsunod niya hanggang sa makaupo ako sa aking upuan. He sat beside me.

"Pupunta tayong Ilocos Sur sa weekend." Paalala niya sa akin.

Binuksan ko ang bag. "Sorry, pero hindi ako makakasama." Inilabas ko ang notebook para sa first subject.

"Bakit?"

Napilitan na akong lingunin siya. Seryoso ang kanyang mukha. Nakipaglaban ako ng titigan.

"Baka kasi may lakad ka that time tapos maiwan na naman ako sa ere. O di kaya, baka mainjan na naman ako." Malamig kong tugon sa kanya.

Binuksan ko ang aking notebook at nagkunwaring nagbabasa ng notes. Good thing, hindi na siya nagsalita pa.

Dumating ang teacher at nagstart ang klase. Itinutok ko ang sarili sa pakikinig at pagsagot sa recitation. Kahit nang dumating ang oras ni sir. Wala akong pinalagpas na mga tanong at puro papuri ang natatamo ko sa kanya.

Nang matapos ang klase ay hindi ako nagtaka sa paglapit ni sir sa akin. Nakangiti siya. Hindi ako nagdamot na tumugon sa kanyang ngiti.

"I commend your today's performance, Ms. Dela Vega."

Tumango ako. "Thank you, sir."

May inilabas siya sa kanyang bulsa at nakita ko ang kulay dark blue kong panyo.

"Naiwan mo sa rooftop kahapon."

Kinuha ko ito.

"Nagmamadali ka kasi." Dagdag pa niya.

"Salamat."

Tumango siya at lumabas na. Ipinasok ko ang mga gamit sa loob ng bag dahil wala ang teacher naming si Ms. Dimayugyog.

Ganun na lang ang pagbaling ng pansin ko sa aking tabi nang marinig ang malakas na kalabog dito. Tumaob ang upuan ni Altamirano at padabog na lumabas ng room. Iginala ko ang paningin at ang lahat ay nakatingin din sa upuan niya.

Tumayo ako at dinampot ang bag niyang nasa lapag din. Napatingin ako kay Forrah at nahuling nakatingin sa akin.

Inirapan ko siya at lumabas ng room pagkatapos ayusin ang upuan. Tumakbo ako at hinanap si Altamirano. Dumiretso ako sa parking lot nang mamataan siya doon.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon