TUKSO: Chapter 11

5.1K 10 0
                                    


"Oh? Hindi ka ba papasok sa trabaho Lia?" gulat na tanong ni Stacey kay Lia ng madatnan nya itong prenteng nakaupo sa sala at may binabasang magazin.
Alas siyete na ng umaga at madalas yun ang oras na pumapasok sa trabaho si Lia.
Ibinaba naman ni Lia ang hawak binabasa nya at tiningnan ang nagtatanong na si Stacey.
"Yep, nag file ako ng leave sa opisina, nag request kasi si mahal na mag leave muna ako." sagot niya.
"WHAT??!!"
Nagtataka naman niya itong tiningnan.
"What's wrong Stacey?"
Tila naman ito natauhan at malamlam ang matang tumingin sa kanya.
"Uhh.. sorry nagulat lang ako, hehe. Mabuti nga at nag leave ka, para naman magkausap tayo ng matagal-tagal diba?" pilit ang ngiting wika nito.
"Ah, Stacey.. balak sana naming mag bakasyon ni Zak sa resort ng kaibigan ko, okay lang ba if dito ka muna?"
"H-hindi ba ako pweding s-sumama?"
"Hmm. kakausapin ko muna si Zak hah?"


"MAHAL hindi ba talaga natin pweding isama si Stacey?" narinig ni Stacey na tanong ni Lia sa kay Zak, pansamantala siyang  nakatambay sa labas ng kuwarto ng mag-asawa upang makinig sa mga pinag-usapan ng mga ito.

"Mahal, kaya tayo pupunta doôn ay para sa marelax tayo, tayong dalawa lang." sagot naman ni Zak kaya hindi nya mapigilang kuyumin ang mga palad nya dahil sa inis para sa lalake.
"P-pero mahal--uhmp.." agad siyang naalarma ng maputol ang sasabihin sana ni Lia, agad siyang sumilip sa siwang ng bahagyang nakabukas na pinto.
Muntik na niyang masugod ang dalawa ng makita nya'ng magkalapat na ang mga labi nito.
Gustong-gusto na niyang hilahin ang buhok ni Lia pero nag pigil sya kahit gustong-gusto na niyang magpapadyak sa galit.
Dahan-dahan niyang isinarado ang pinto ng kwarto ng mag-asawa at pumanaog sa hagdan.
Nang makarating sa sala ay pumanhik ulit siya sa hagdan gamit ang mabibigat na hakbang na may halong pagmamadali.
"Oh my God! Lia! Zak!" mabilis nyang kinatok ang pintuan ng mga ito.
Lihim siyang napangiti ng makarinig siya ng nagmamadaling yabag.
"Stacey... anong nangyari sayo?" nag-alalang tanong ni Lia sa   kanya, kahit gusto niyang pagsasampalin ang babae sa mukha ay tiniis niyang yakapin ito, pinanatili niya ang mukha niyang takot na takot ang mukha nya dahil nakatunghay lang sa kanila si Zak.

"I s-saw my step d-dad.. mukhang h-Hinahanap nya na ako." kunwari'y umiiyak na sumbong niya dito.
"Asan? Asan sya Stacey?" gustong-gusto nya ng humalakhak ng makitang naniwala sa kanya si Lia.
"S-sa labas, nagpapahangin kasi ako k-kanina.. agad akong pumasok sa l-loob ng makita ko sya.. L-lia baka b-bumalik sya.." kandautal na wika ko.
"Sigurado ka bang step dad mo ang nakita mo?" andun sa boses ni Zak ang pagdududa.
Mas ginalingan nya pa ang pag-arte para makumbinsi ito.
"O-oo.. n-natatakot ako.. b-baka balikan nya ako.."humagolhol pa ako para mukhang kapani-paniwala.
"Mahal.. hindi natin pweding iwanan si Stacey dito." sabi ni Lia sa asawa.
Napabuntong-hinga naman si Zak.
"Yeah. Mas mabuti sigurong isama nalang natin siya bukas sa resort." sagot naman ni Zak sa asawa.
Lihim namang napangisi si Stacey sa narinig.


TO BE CONTINUE.

DANAHERA♥  

TUKSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon