Chapter 19

1.9K 48 4
                                    

Author's note; OMG !
Si Jed ba talaga ang pumapatay?!

****

Army's POV

Pumikit ako.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang katapusan ko.

Hanggang sa....

Naramdaman ko ang isang bagay na tumama sa noo ko.
Hindi gaanong masakit. Ganun ba ang tama ng bala? O hindi lang ako gaanong nasaktan dahil sa bilis ng pagtama nito?

"Tss.."

Dumilat ako at hinawakan ang noo ko. May... Laruan na bala?

Yung bala na may parang gomang madikit sa dulo? Kung ganoon...

"Laruang...baril?" Sabi ko.

Hinawakan niya ang laruan na nakadikit sa noo ko at biglang tinanggal. At dahil sa madikit yun ay masakit nung natanggal.

"Aray!" Habang hinihimas ang noo ko.

"Tss. Nung hindi mo pa alam na laruan lang to nakahanda kang tamaan ng bala. Tapos ngayon, aaray-aray ka?"

"Eh kasi... T-teka Pardz.. Kung ganoon.. Hindi talaga ikaw ang killer?"

"Kung ako ang killer, kanina ka pa nakabulagta ngayon."

"Pero bakit mo ko dinala dito at tinutukan ng... Baril? Para pagtripan, ganoon?!"

"Hindi."

"Eh pero--aw!"
Pinitik niya kasi ako sa noo.

"Masyado ka kasing mapagtiwala. Tignan mo, dahil sa sobrang tiwala mo sakin napasama kita dito. Paano na lang kung ako talaga ang killer? E di namatay ka? Hindi ka man lang nagdalawang isip na sumama sa'kin."

"Eh kasi... Alam ko namang hindi mo ko sasaktan eh.."

"Sira ka talaga. Paano pala kung totoong baril yung dala ko at pinatay kita?"

Tumitig ako sa kanya at ngumiti.

"Okay lang Jed... Kung sa mga kamay mo ako mamamatay... Ok lang... Kasi... Kasi nga... M..ma- MAy tiwala ako sayo. Kasi kaibigan kita."

Pagkatapos ng mga sinabi kong iyon ay bigla niya akong niyakap.

Mahigpit.

"Sira.... Sira ka talaga."

Pabulong niyang sabi.

****

Naglalakad-lakad kami ngayon ni Pardz sa tabi ng lawa.

Kahit madaling araw na eh kiber nalang.

Ay ano ba yan. Nahahawa na ako kay Andrea.

"Pardz, akala ko talaga ikaw yung killer eh. Infairness, pinakaba mo 'ko dun ah."

"Ang sarap mo talagang pagtripan. Uto-uto ka kasi."

"Grabe ka! So pinagtripan mo nga ako?!"

"Parang ganoon na nga. Hahaha."

"Pero pardz... Kahit anong mangyari friends parin tayo huh? Huh? Walang magbabago don."

"Yeah. Unless, gusto mong hindi na kita maging kaibigan?"

Napatanga ako.
Bakit parang feeling ko...

May double meaning yun?

O sadyang feelingera lang talaga ako?

Tapos etong kasama ko.. Titig na titig pa sakin.

"Ah...syempre hindi."

Hindi na maging kaibigan? Eh ano na lang?

"Tara. Bumalik na tayo."

Bigla niyang sabi at nagpatiuna nang maglakad.




********
Arvind's POV

Ba't kaya lumabas yung dalawang yun?

Nakita ko kasi si Jed at Army na nag-usap sa may kusina. Sayang di ko narinig pinag-uusapan nila. Tapos nung lumabas sila ay sinundan ko sila.

Nagpahuli ako ng konti. Mahirap na baka makita nila ako kaya dahan-dahan akong  naglakad pasunod.

Kaso nung nasa labas na kami ay nakarinig ako ng kaluskos sa may bandang garahe.

Mapuntahan nga.

Pagkarating ko doon ay nakita ko 'SIYA'. Parang kinakalikot niya ang pinto nung storage room na matagal nang nakalocked.

"Anong ginagawa mo diyan?"

Mukhang nagulat ko siya dahil marahas siyang napalingon sakin.

Lumingon muna siya sa seradura ng pinto at saka lumingon uli sakin.

Ang gulo naman nito.

"May problema ba?"
Tanong ko uli.

"Ah... May narinig kasi akong kaluskos dito. So I checked it out. But... It seems na hindi talaga siya mabuksan. Can you help me?"

Nilapitan ko ang pintuan at inikot ang seradura.

Bumukas ang pintuan...

Nakakapagtaka.
Sabi niya hindi niya mabuksan?

"Pumasok ka. Diyan ko mismo narinig yung kaluskos."

Sinunod ko siya at pumasok.

Isa akong malaking uto-uto! Isang malaking pagkakamali ang pagsunod ko sa kanya.

Hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pintuan.

Putcha !

Pagharap ko ay may sumalubong na malakas na hampas ng kahoy sa ulo ko.

Takte talaga!
Nadali niya ako!

Bumagsak ako sa lupa. At bago magdilim ang lahat ay nakita ko 'SILA'.
Oo. Sila. Dahil dalawa sila.
At parehas pang may ngisi na sobrang sarap sapakin!

Kung di lang talaga ako nanghihina...

Pinagmasdan ko pa ang mga ngiti nilang nakakakilabot...

Hanggang sa magdilim na ang lahat....

THE REUNION'S SECRETWhere stories live. Discover now