Chapter 23: Restroom

3.4K 141 5
                                    

JULIA.

Simula ng mawala si Aira naging malungkutin na si Jessica. Bihira na lang siyang ngumiti, atsaka pansin namin kapag nginingitian niya kami, pilit pa. Wala man lang kaming magawa para pagaanin ang nararamdaman ni Jessica ngayon. Kasi sa tuwing lumalapit kami sa kanya, pinapalayo niya kami, gusto niya muna daw mapag-isa.

"Y'all may take now your recess" Sabi ng teacher namin.

Pagkasabi naman nun ni Sir, agad naman kaming tumayo.

"Maika saan ka pupunta? Bibili ka ba?"

Tanong ko kay Maika na palabas na ng room.

"Hindi muna ako bibili. Magc-cr lang ako" Sabi nito.

"Wait sama ako. Medyo naiihi na din ako eh"

"Halika!"

At sabay na kaming naglakad ni Maika papuntang Cr.

"Sana okay lang si Aira" Sabi ni Maika habang naglalakad kami papuntang Cr.

"Sana nga mahanap na siya. At sana kapag nahanap na siya okay lang siya" Tugon ko. "Halika na nga pasok na tayo sa Cr" Sabi ni Maika.

Pagkatapos ko umihi, naghugas muna ako saglit ng kamay sa lababo. Si Maika nasa loob pa din ng Cr. Habang naghuhugas ako ng kamay, medyo napatingin din ako sa salamin. Medyo malaki na din pala yung eyebag ko kakapuyat. Tsk!

Habang nakatingin ako sa salamin. Nagulat ako ng may malaglag na pulang papel galing sa kisame. Tumingin ako sa kisame bago ko pinulot yung pulang papel pero wala naman akong nakita dun. Nakakapagtaka naman ata.

Pagkapulot ko, nakita ko yung pulang papel na maliit na parang note na may nakasulat ng "Susunod ka na" mas lalo ko pang kinagulat ng may tumulong dugo sa may papel dahilan para mabitawan ko yun. Halos hindi ko magalaw ang katawan ko sa sobrang kaba at pinipilit na tumingin sa kisame kung anong meron dun.

"Julia okay ka lang?" Sabay tapik sa balikat ko ni Maika.

"Ah-ano okay lang ako. Bakit?" Pautal-utal kong tugon sa kanya.

"Parang namumutla ka kasi eh" Sabi niya habang naghuhugas ng kamay sa lababo. Dahil dun nagkaroon ako ng lakas ng tingnan yung kisame pero wala namang kakaiba dun, ang pinagtataka ko kung saan galing yung dugo. Pagkakita ko nung papel sa sahig agad ko namang pinulot yun at nilukot sabay tapon sa basurahan.

"Halika na nga labas na tayo. Bibili ka ba sa canteen?" Tanong niya.

"Hindi busog pa ako"

"Balik na lang tayo sa room" Sabi ni Maika.

--- -- ----

"Julia okay ka lang?" Tanong ni Alyssa sa akin.

"Okay lang ako beh, bakit?"

"Kanina ka pa kasi tulala diyan eh ni hindi mo na nga kami kinakausap"

"Sorry. Ano madami lang akong iniisip" Pagsisinungaling ko sa kanya kahit ang totoo kanina ko pa iniisip yung nakita ko sa cr kanina.

Hindi ko na din sinabi sa kanila yung nakita ko kanina kasi for sure mag-aalala yang mga yan, mas mabuting ako na lang ang maka-alam. Tutal baka hindi naman totoo yun, baka hindi ako ang susunod.

Pero hindi ko pa din maalis sa isip ko ang posibilidad na pwede ako ang susunod. Kasi sa lahat ba naman ng tao na pumasok sa cr, eh ako lang ang nakakita nung pulang papel. Hayyss ayoko na nga mag-isip masyado.

"Mahal ka nun" Sabi ni Jennie pagdaan niya sa harap ko.

"Hahaha gaig!" Sabi ko.

Maya-maya nakita ko naman sila Marvin at Jessica na pumasok sa room. Siguro galing 'to sa canteen.

PARANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon