(15) YOU'RE MINE

2.1K 36 1
                                    

(15) YOU'RE MINE

Naabutan ko si Yonna na nakaupo sa gilid ng sasakyan ko. Patuloy parin siya sa pag-iyak.

Agad akong lumapit sa kanya at isinuot sa kanya ang jacket ko.

"Tama na. Huwag ka ng umiyak." Alo ko sa kanya habang tinatapik siya sa likod.

"I h-hate him. M-manloloko siya." Sabi nito sa kawalan.

Hindi ko alam kung paano ko siya papatahanin. Alam kong masakit sa kanya ang lahat ng nakita niya kanina. Hindi niya deserve ang ganito.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Tumugon naman siya ng yakap. Ito ang kailangan niya ngayon. Kailangan niya ng karamay sa pinagdaraanan niya.

Hayop talaga 'yung Drake na 'yon. Ang kapal ng apog niya para lokohin si Yonna. Hindi talaga siya karapat-dapat na maging boyfriend ni Yonna. Tsk.

"Tara na, hatid na kita." Sabi ko. Inalalayan ko sa pagpasok sa kotse si Yonna.

Tahimik lang akong nagda-drive, habang si Yonna ay patuloy sa paghikbi.

Lalong nadudurog ang puso ko kapag nakikita siyang ganyan. Hay.

----

Pagkarating namin sa hotel, agad ko na siyang hinatid sa room nila ng pinsan niya.

Naupo agad siya sa sofa na tila pagod na pagod. Agad akong lumapit.

"Yonna, mauna na 'ko. Magpahinga ka na." Paalam ko sa kanya. Pahakbang na sana ako, pero pinigilan niya ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya. Mugto parin ang mata nito dahil sa pag-iyak.

"Dito ka muna, Ethan." Mahinang sabi nito.

"Ayos lang ba?" Tanong ko. Tumango naman siya.

Naupo ako sa tabi niya. "Huwag mo ng alalahanin 'yon. Karma nalang ang bahala sa kanya." Sabi ko upang gumaan ang loob niya.

"S-sana nga pagsisihan niya 'yung ginawa niya sa'kin. 'Yung mga assumptions ko sa kanya dati, totoo pala." Anito. Muli na naman siyang naiyak.

"Tama na. Hindi talaga siya yung lalaking para sa'yo. Dahil kung mahal ka niya, hindi ka niya lolokohin."

Sabi nga sa isang kanta, "we had the right love at the wrong time". Ganun talaga. 'Yung akala mong taong magpapasaya sa'yo, 'yun din pala ang mang-iiwan sa'yo sa huli. At ang masakit, lolokohin ka pa niya.

Hindi ako naniniwala sa tadhana. Pero, tadhana sigurong magkakilala kami ni Yonna.

Oo na, oa na 'ko! 😪

"Inom tayo," sabi nito at tumayo para magtungo sa kitchen. Pagbalik nito ay may dala na siyang apat na bote ng alak.

"Okey lang ba sa'yo na mag-inom? Baka hindi ka sanay."

"Ayos lang. Pampawala lang ng sama ng loob." Sagot niya at umupo sa tabi ko.

Inabot sa akin ni Yonna ang isang bote. Habang siya ay mabilis na ininom ang hawak niya.

Wow. Gusto niya talagang magpawala ng sama ng loob. 😱

Sinabayan ko na rin siya.

"Alam mo ba, when I was in Cali, Bea and Drake are my bestfriends. Pinagkakatiwalaan sila ni Mama dahil pinoy naman sila. Sila ang lagi kong kasama kapag gusto kong lumabas. Minsan nga, tinatakas pa nila ako para lang makasama ko sila." Kwento nito.

Maaaninag mo sa mukha ni Yonna ang saya habang kinekwento ito. Pero bakas parin ang lungkot.

Kasabay n'un ay tumulo na naman ang luha sa mga mata niya.

She's Mine!Where stories live. Discover now