Chapter 52

2.7K 134 13
                                    


"Umalis na kayong dalawa!" bulalas ng humihikbing binata. "Hindi ko kailangan ang confessions ninyo. Hindi ngayon. Hindi na kahit kelan. Natuto na akong mabuhay na mag-isa. Natanggap ko na sa sarili ko yun. Nakita ninyo? Nakaya kong mabuhay na wala kayo. Noon akala ko na kailangan ko ng pagmamahal, pero pinatikim niyo lang ako, pinatakam, at iniwang gutom."

Labis na sakit ang naramdaman ni Erik dahil sa mga narinig mula kay Errol. Parang ilang suntok sa sikmura ang nadama niya dahil sa mga binanggit nito. Pero hindi niya rin ito masisi. Alam niyang nasaktan nila ito.

Tumawa nang pilit si Errol pero nakikita ni Erik sa mga mata nito ang pait, isang bagay na hindi niya rin inasahan sa sana'y masaya nilang muling pagkikita.

Pinahiran ni Errol ang kanyang basang pisngi gamit ang dulo ng hood na suot nito. "Pero okay na ako. Marami na rin ang mga nangyari sa loob ng ilang buwan na hindi ko kayo nakita. Wag niyo na guluhin ang utak ko at marami akong iniisip ngayon. Wag niyo na akong sundan."

Hindi makapaniwala si Erik na hahantong dito ang paghaharap sana nila ng matalik na kaibigan. Oo, para sa kanya si Errol ay best friend niya pa rin. Pero ang pagtalikod nito ay tumusok sa kanyang dibdib. Hinabol niya ito at hinawakan sa balikat, ngunit pinigilan siya ni Ivan. Hindi na rin siya nilingon ni Errol na nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Hayaan na muna natin siya!"

Tinulak niya ito. "Hindi pwede! Kasalanan mo kasi ito. Kung tumupad ka sa usapan natin hindi siya magkakaganyan." Muling hinabol ni Erik si Errol pero pinigilan siyang muli ni Ivan.

"Wala tayong magagawa. Ayaw niya tayong makausap sa ngayon!" bulalas ni Ivan na tinulak siya sa balikat.

"Kasalanan mo 'to." Tinulak niya rin si Ivan. "Tang ina ka!"

"Pareho lang tayo na sinaktan siya!" Bakas na rin sa mukha ni Ivan ang galit.

"Hindi pareho dahil mas ginago mo siya!" Dama ni Erik ang panginginig ng mga panga dahil sa matinding galit. Anumang segundo ay pwedeng tumama sa kahit na anong parte ng katawan ni Ivan ang nakakuyom niyang kamao.

"Tara na," bulong ni Ivan sabay akbay sa kanya. "Palamig ka muna ng ulo."

Ngunit inalis ni Erik ang pagkakaakbay at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ni Ivan habang inaamba sa mukha nito ang kanang kamao. "Tarantado ka."

"Pare, mainit lang ang ulo mo." Inangat ni Ivan ang mga kamay. "Pareho naman nating gustong sumaya si Errol, pero nagkamali tayo pareho."

Nanggigil man siya ay hindi niya maisuntok ang kamao. Dahil alam niyang may punto si Ivan. Binitiwan niya ito. "Sana sinabi mo noon na di mo siya kayang panindigan." Tinulak niya ito.

Tinulak din siya ni Ivan. "Bakit, ikaw ba pinanindigan mo siya?" kunot-noong tanong niya. "Di ba mas pinili mo rin ang girlfriend mo sa kanya. Kung makapagsalita ka akala mo santo ka."

"Putang ina mo! Alam ko yung naging pagkakamali ko na tinama ko sa pamamagitan ng pagpaparaya ko. Pero ano'ng ginawa mo?" Nanggigil niyang dinuro si Ivan na agad inalis ang kamay niya sa noo nito.

"Pinagsisihan ko na yun!"

"Gago! Walang kwenta yang pagsisisi mo." Nilingon niya ang papalayong si Errol. "Tingnan mo'ng nangyari sa kanya." Aktong hahabulin niya ulit ang kaibigan nang hilahin siyang muli ni Ivan.

"Hayaan na muna natin si Errol na mapag-isa."

Dahil sa bugso ng galit ay nasuntok ni Erik si Ivan sa pisngi. "Bestpren ko yun. Hahabulin ko siya kung gusto ko!"

"Kaibigan ko rin siya kaya --" Isang suntok ang dumapo sa dibdib nito. Marahil dahil sa pagkabigla ay gumanti rin ito ng sapak. "Hindi ko gusto makipagsuntukan pero hinihingi mo eh."

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagWhere stories live. Discover now