Prologue

49 0 0
                                    

Dati, tinatanong ko lang sa mga pinsan ko kung ano yung feeling na ikakasal na yung ate or kuya nila. Ngayon, nararamdaman ko na.

Ang lungkot at Tuwa.

"Let us all welcome our newly wed! Mr. Kenneth Tristan Gordoza and Mrs. Karou Chasty Hyun-Gordoza!"

Ang sarap mag-iiyak! Mami-miss ko talaga si ate!

"Aww! Ang sweet nila noh, Raigne." Sabi ni Jayrine. Napatingin lang ako. Buti pa itong isa. May mga lovelife na. Minsan nga, naiisip ko na nakakasawang maging single at masayang maging single. Ah, ewan! 50:50 eh. Sa buhay talaga, hindi natin maiiwasan na magkaroon ng 50:50 sa bawat karanasan at desisyon. That's life.

"Parang kayo lang ni JP. Sige, ayos lang." Lumayo ako nang konti at tumabi kay Keann na ngayo'y ka-text ang ka-MU niya. Grabe sila oh! Halos wala na akong lulugaran! lol

" Sige. OKAY LANG TALAGA. Atleast, masayang maging single." Humalukipkip ako at pinanood na lang ang mag-asawang nagtatawanan.

UGH! Ang hirap maging single!

"Wala talagang Forever." Bulong ko.

"Ito naman! Ang bitter, 'teh?" Banat ni Keann. Napangiti lang ako.

"Totoo naman eh. Tingnan mo. Magka-MU pa lang kayo. Tapos, ito namang si Jayrine, ang tanda ng boyfriend. Tapos feeling pa nila na JaDine sila. Meron pang pa-hubby at wifey na nalalaman. Jusko! Pwede namang nickname na lang eh!"

"Balang araw, magiging kagaya ka rin ng ate mo." Sabin i Jayrine sabay tingin kina ate na ngayo'y naghahalikan.

"Hindi ka tatandang single. Tandaan. Mahirap maging single. Sino na lang ang mag-aalaga sa'yo? Wala kang anak. Wala kang mga apo. At wala kang asawa na mag-aalaga sa'yo." Sabi ni Keann.

"Just wait for the right time. God knows where the right time is and God will gave you the perfect man in your life." Sabi ni Jayrine.

Naks naman! Ang sweet ng mga kaibigan ko!

"Friendships tayo. Kaya kapag nalulumbay ang isa,dadamayan."

"OMG! Sali tayo doon!!" Sigaw ni Jayrine sa amin. Nakakagulat naman itong batang ito!

Hinigit niya kaming dalawa papunta sa gitna. Ah, ito ba yung ihahagis nung bride yung bouquet at ihahagis naman nung groom yung something na parang pampuyod galling sa hita ng Bride?

Nang inihagis na, maraming nag-agawan pero nagulat na lang sila bigla at tumingin sa akin.

And guess what?

Nasa kamay ko yung bouquet. Napatingin sa akin si Ate na nakangiti pati rin si Kenneth.

I smiled to them.

"Yes naman! Baka dito mo na Makita ang forever mo!"

"Hashtag: Road to Forever!" Sabay nilang sinabi.

Mga huta talaga ang mga ito! Pagti-tripan pa ako?

"CHEH! Kayo'y maupo na. Teka nga lang. Sinong nakakuha nung pampuyod?"

Pinagitnaan ako ng mga babae at ganun din ang mga lalaki. I don't know what's the name of the guy but...

DAMN!

Mukhang may lahi!

"Shit!"

"Seriously? Ang swerte naman ng kapatid nung bride!"

"Jacob Mathew Johanssen.... For REAL!?"

"Ang pinakagwapong nilalang?"

Ano ba naman itong mga bubuyog na ito!

Pero in fairness, nakakuha rin ako ng info. HAHAHAHAHA!

"Swerte mo, Bie!" Tili ni Jayrine. Isa pa ito!

"Yes naman! Jacob Mathew Johanssen. Paano kaya kung..."

Nagkatinginan pa ang dalawa at ngumiti. Nagpalipat-lipat ako ng paningin sa kanilang dalawa.

"Kaylie Raigne Hyun-Johanssen!" Nagtilian ang dalawa este ang mga puta. Ano ba 'yan? Napagtripan na naman ako!

"Okay, maupo na po yung mga hindi kasali." Sabi ni Tito sa mic. Nagkatinginan kami nitong Jacob Mathew daw. Grabe! Ang gwapo naman nitong nilalang na ito!

"Hi Miss." Bati niya. Meyo nanliit ang mga mata ko.

"You must be... Jacob Mathew Johanssen. Right?"

"Yep. Kilala talaga ako." I smiled.

" 'Coz I'm damn handsome."

ANG HANGIN GRABE! Nakaka-turn off ha? Tinaasan ko siya ng kilay at, "Gwapo ka nga. Mahangin ka naman. What's the use? Nakaka-turn off lang."

"Ang sungit naman nito." Bulong niya. Bubulong na nga lang, rinig pa!

"Bakit? May reklamo ka?"

"Wala. Basta, gwapo ako. Yun lang ang alam ko."

Nang biglang nagsalita ang tito namin.

"What they will do is that gagayahin nila ang steps ng Bride at Groom."

"WHAT?!' Angal ko. Tumingin ako kay Jacob na ngayo'y nag-aayos ng buhok at nagpapa-cute sa akin. Inirapan ko lang siya.

At nagsimula nang sumayaw sina ate.

Meron pang iikot ako, meron pang ewan na steps na di ko malaman kung ano ang tawag, meron pang time na titigan.

"Just look into my eyes. Baka baling araw, ikasal rin tayo."

"Hambog." Bulong ko.

"Raigne!" Lumingon ako kay ate na ngayo'y hinalikan nang matagal ni Kuya Kenneth.

FOR REAL!?!?

"We don't have any choice."

"Wait! You mean... GAGAYAHIN NATIN SILA!?" He bite his lips and nod.

Seriously? I will kiss his lips?!

"Tanong muna natin ang mga magulang ng Bride kung pwede ba itong gawin ng nakakabata niyang kapatid! So, mommy and daddy. It's a dare lang naman. Papayagan niyo ba ang anak niyo na halikan ng isang Mathew Johanssen?" Nagkatinginan pa kaming apat bago magsalita si daddy.

"Iyang si Mathew, anak naman 'yan ni kumpare. Kaya, tatanggi pa ba kami?" Sabi ni daddy.

"What?!" Bulong ko. Hinarap ako ni Jacob at bigla akong hinalikan.

When She Loved Mr. EgocentricTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon