Chapter 3- Si Yabang

24 0 0
                                    

Nagpaalam na ako kina Jayrine na hindi ako makakasama sa kanila dahil nakabantay na ang kotse namin sa parking area ng campus.

"Next time na lang, guys."

"Hay! Iintindihin ka na lang namin. Siya, ingat Raigne ha? Bye, gal." Then beso sa akin ang dalawa at dumiretso na sa kotse namin.

Unknown House

In fairness, bongga ang bahay na aking tutuluyan!

I hope na hindi ako patuluyin sa kwarto ng mga yaya like eww! Baka magka-rashes ako!

"Bongga naman this house! Pero mas malaki pa rin ang amin. Hmmp!" Pipindot pa lang ako sa gate nang biglang sumulpot ang bruha.

Bruha nga ba o Yaya?

"Ikaw ba ang temporary yaya?" Tanong ng robot este yaya. Para naman kasing robot itong nasa harapan ko the way na magsalita siya.

Then I nodded.

"Pasok." Sumbat niya.

Hmmp! Supladang bruha. Ngumuso lang ako at at kinunot ang noo. Tss -,-

Para akong tangang ngayon lang nakakita ng bahay. Muntanga akong tumunga-tunganga sa bahay.

May chandelier din! Pero, mas malaki yung amin. Sarreh ;))

Meron ding cultural vase! Pero, mas maganda yung amin and half a million ang presyo.

Merong pool! Sorry pero may dalawang adult pool at kiddie pool yung amin. Tsk!

"Welcome to our house Miss Hyun--"

"Ay chupeklas--- H-Hi po." Then I smiled. Si tito Seth. Kumpare siya ni daddy at pinag-uusapan talaga nila na kami daw ng anak niya ang ikakasal.

And speaking of anak...

Sino ba ang anak ni tito Seth?

"Feel at home hija."

"Tito are you kidding? Paano po ako magfe-feel at home kung yaya ako?" Pabiro ko sabi sabay tawa.

Totoo naman, diba?

"Don't worry, you'll be eating with us. Payag naman ang daddy mo. Kaso nga lang, tutulungan mo ang mga maids sa gawaing bahay." I nodded.

"Karing, bring her things on your room." Ngingiti na sana ako pero biglang sumama ang timpla ng mukha ko.

Sabi na nga baga eh.

"Tito? Pwedeng mag-tour muna?"

"Sure!" Sabi niya.

-----------------------

Feeling tourista lang ampeg! Nagbabasa ako ng paa ko sa pool nila.

"Oh my gosh! I forgot my cellphone." Nang maalala ko iyon, tumayo ako para kunin si baby iPhie.

But wait?

Aargh! Kinuha nga pala ni daddy!

"Ugh, nevermind."

Babalik na sana ako nang biglang may nakabanggaan akong babae.

"AAAAAAAAHH!!" At yun nga, nalunod ako sa katangahan.

Pakshet! Hindi ako marunong mag-floating at parang 7 feet ang lalim ng pool!

I shout for help!

"Yaya, ikaw ang magligtas!!"

"Bebe, hende ako maronong maglangoy!!"

"OMG AKO RIN!!--- KUYA! SAVE HER!!"

Huh? Kuya??

When She Loved Mr. EgocentricOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz