Bakit Kasi Ang Itim Ko?! (One Shot)

8.9K 463 156
                                    

Para sa mga katulad kong di biniyayaan ng ka-putian. Wag tayong mawalan ng pag asa. May likas papaya soap pa. Hindi loko lang. Hahaha, na-try ko na yun 'e. Hindi naman effective. =)))

_____________

 Xena's POV

"Ano ba ang gusto mo sa babae?" Tanong ng isa sa mga babaeng nakapaligid sa kanya.  

Napa-iling lang ako sa tanong niya. Ang hirap nga naman sa tao.. Mata ang ginagamit pag nagmamahal. Kailangan ba talagang tingnan muna ang panlabas na anyo bago mo masabing mahal mo talaga siya?

"Gusto ko sa babae yung tipong maganda ang mukha pati na rin ang hubog ng katawan at siyempre MAPUTI." nakangising saad ni Zeke at talagang diniinan niya ang huling salita. Pa-simpleng kinilig ang mga babae na kasama niya. Samantalang ako, nakaramdam ng inis. Hindi dahil ang lalandi nitong kasama ni Zeke.

Kundi dahil alam ko naman kung sino ang pinapatamaan niya. Ako. Ako--- na pinagkaitan ng ka-putian! Inis kong nilisan yung canteen dahil sa panbubwisit ng isa diyan.

"Bakit hindi ka crush ng crush mo?" nababaliw na tanong ni Kenza sa akin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-get over sa pinanood niya sa sinehan.

"Kasi.. maitim ako." sagot ko. Napatungo ako at di maiwasang hindi malungkot. 

BAKIT NGA BA HINDI AKO CRUSH NG CRUSH KO? Kasi tulad ng sinabi niya kanina. Isa sa characteristic na gusto niya sa babae ay maputi. Alam kong dito palang ay talo na ako. Bakit kasi ganito ang tao sa mundo, physical appearance nalang ang basehan nila sa pag-ibig.

Sa panahon ngayon. Hindi na puso ang nagmamahal--- kundi ang mga mata.

"Wag ka ng sad girl. May pag-asa ka pa kay Zeke. Sa birthday mo, ibibili kita ng isang package ng papaya soap." 

"Crush mo ko?" nabigla ako nang may nakisali sa usapan namin. Si Zeke. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanyang-- parang phinotoshopped na mukha. 

"May gusto ka ba sa'kin, Xena?" bumilis ang kabog ng puso ko. Papalapit siya ng papalapit, naamoy ko siya. Grabe, parang drugs-- nakakaadik. Ngayon alam ko na kung bakit madaming nahuhumaling kay Zeke. Iba talaga ang lalaking 'to. Mapapatakbo niya kaagad ang puso mo kahit sa simpleng gestures niya lang.

"Hindi ako magkakagusto sa'yo. Ang sama kaya ng ugali mo." malamig kong sagot sa kanya. Hay nako Xena. Sasabihin mo lang naman na, 'gusto kita'. Two words. Ganun kadali. Sana nga ganun kadali. 

"Mabuti kung ganun. Alam mo namang hindi ikaw ang tipo ko. Ayoko sa maitim." ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita niya. Pinadaan niya ng isang beses ang kamay niya sa buhok at lalong gumulo ito. 

Nilisan na niya ko.

"Tanga mo girl. Bakit di ka umamin?" saad ni Kenza.

Bakit Kasi Ang Itim Ko?! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon