Chapter 41

24.7K 389 19
                                    

CHAPTER 41: REVENGE

It’s as if the world stops turning the moment his lips touched mine.

Kahit nanatili lang itong nakapatong, ramdam ko pa din ang init mula doon. Napakapit ako sa balikat niya sa takot na baka mahulog ako, nanghihina na kasi ang tuhod ko.

I opened my eyes nang maramdaman ko ang paghiwalay niya sakin.

Pagkakita ko sa kanya.. pagkakita ko sa nakangiti niyang mukha, para akong nabuhusan ng yelo and fear overcome me.

Without a second thought, tumakbo ako palayo sa kanila.. sa kanya. Hindi ko alam. Gulong-gulo ang utak ko, ang puso ko. Oo, masaya ako sa nangyari pero mas nangibabaw sakin ang takot. Na-trauma na nga siguro ako.

Natakot ako na pagkatapos nun.. pagkatapos nung masayang nangyari, biglang may susulpot na mananakit ulit ng puso ko. That when the clock strikes twelve, everything will be back to normal. Natatakot akong mangyari ulit yung panahon na ang saya-saya ko and then I will end up crying. Natatakot ako kaya tinatakasan ko na ito bago pa man mangyari.

Tumakbo ako ng tumakbo papuntang backstage hanggang sa may fire exit kung saan makakapunta ako sa likod ng venue. Nasa tamang katinuan pa naman ako para hindi mageskandalo at hindi dumaan sa front door kung saan alam kong madaming makakakita sakin. Hinang-hina na binaba ko ang sarili ko at umupo sa may gilid ng kalsada. Habang tumatagal ay mas narirealize ko ang ginawa ko. Ang contest.. ang pag-iwan ko sa kanya.. Nakakahiya.

Wala na akong lakas na loob na bumalik dun.

Ibabaon ko na sana ang mukha ko sa pagitan ng kamay ko nang may tumawag sakin.

“SHINIE!”

Nakita ko siyang tumatakbo papunta sakin. Hindi ko mapigilang suriin siya habang papalapit siya sakin. Mukha siyang dyosa sa simpleng pulang cocktail dress na kanyang suot. Dumagdag pa ang galit na ekspresyon ng kanyang mukha kaya nagmukha tuloy siyang modelo.

“Shinie!” singhal niya ng makalapit siya sakin.

Binaon ko na ang mukha ko sa loob ng kamay ko na nakapatong sa tuhod ko. “Oo na.. Oo na, mali na yung ginawa ko.” bulong ko.

Mukhang naintindihan niya naman ang sinabi ko. “MALI TALAGA ANG GINAWA MO! Bakit mo siya iniwan dun?!” sigaw niya pa sakin. Hindi ko na nakayanan ang pagsisigaw-sigaw niya sakin kaya tumayo na ako.

“Sampalin mo na ako, sabunutan or what! Ang laki ng kasalanan ko sayo diba?! Na-nagawa ko yun sa boyfriend mo.” Halata ang panginginig sa boses ko.

Nagkasala ako. Ang sama-sama kong tao.. Ang sama ko dahil nagawa ko yun kay Bea, sa harap niya pa mismo.

“H’WAG MONG SISIHIN ANG SARILI MO DAHIL.. D-dahil si Marco mismo ang gumawa nun.” I heard her voice cracked. Tiningnan ko siya ngunit iniwas niya lang ang mukha niya sakin.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now