Chapter 2: Kidnapped!

227 3 0
                                    

"Under the lights tonight

You turned around, and you stole my heart

With just one look, when I saw your face

I fell in love

It took a minute girl to steal my heart tonight"









Chapter 2: Kidnapped!







Natameme ako.





This must be some kind of a joke. Baka nasa Wow Mali lang ako at ito talaga yung pakulo sa party na to. And ilang babae Ba yung naka-blue na dress dito?





Pero sa akin talaga sya nakatingin. At naglalakad na siya papalapit sa akin. Pati si Althea halatang balisa dahil namutla sya. Mukhang di nya alam ang gagawin nya. Napasubo sya sa sarili nyang laro. She's looking at me with pleading eyes like she wants to say "Please say yes Yani. Ayokong mapahiya..."





Gusto ko nang lumubog sa kahihiyan. Sana kainin na ako ng lupa.





Hindi ko na alam ang gagawin ko.





Si Hanna din natahimik. First time. Di pa yata nag-process sa kanya yung nangyayari.





"What the hell. Why her? I can't believe it. I mean look at her." Biglang nagbulungan yung mga ibang babae. Hindi ganun kahina para marinig ko. Lumapit Kay Migo yung isang guy in a silver suit na parang half foreigner dahil gold yung eyes nya at light brown yung hair nya. Hinawakan nya ito sa balikat.





"Migo, what are you up to now? Stop fooling around. If mom heard about this--"





"Kuya Drake, this is none of your business. And I don't care." At inalis nya yung kamay ng kuya nya.





ANAK NG! Eh ang hangin naman pala nitong lalaking to. Kuya nya yun? Parang di sila magkamukha... At ang bastos nya ha. Ginaganun nya kuya nya?!





Tumayo ako at lakas loob na lumapit sa kanya. "Hoy ikaw! Baliw ka ba ha?! Anong akala mo sa akin? Gamit? Nag-aral ka ba ng English. Anything diba. THING. Hindi Tao. Please lang ha, Kung Wala kang magawa sa buhay mo --"





Hindi ko Na natapos yung sasabihin ko. Bigla nyang hinawakan yung batok ko...





And he kissed me.





He kissed me in front of everyone.





It was a long kiss. A sweet one. And for a moment pakiramdam ko kami na lang dalawa ang nandun.





I heard some people gasp. I almost returned the kiss. Earth to Yani! Earth to Yani! Naalala ko na di ko kilala tong taong to. Nabigla ako at tinulak sya.





Tumawa lang sya. Baliw nga yata to. O Baka naka-drugs. O manyakis lang talaga. I can't believe him. Lumapit sya sa akin at bumulong sa tenga ko. "I'm Migo Alcantara. Nice to meet you. And you are?"





ANG KAPAL NG MUKHA NIYA.





Wala akong nasabi. Yumuko na lang ako. Naiiyak na ako sa kahihiyan. Buti na lang at Dali-daling lumapit sa akin si Althea.





"Yani, are you alright? Migo, I can give you other things. Wag lang to. Please."





"Tss. Wala ka palang isang salita e. Sabi mo kanina kahit ano."





"Pero kasi..."





Hindi din nakasagot si Althea. Tama naman kasi si Migo. Sabi nya kahit ano. Ayokong mapahiya si Althea. Birthday nya to. 18th birthday. Masisira ko lang? Sobrang eksena na yung ginawa ng lalaking to at dinamay pa ako. Ayaw na ayaw ko pa man din ng atensyon. At para matapos na to...





"Pumapayag na ako." Mahinang sabi ko. Nanginginig na yung boses ko. "Pero may conditions."





"It's settled then." Sabi ni Migo tapos tumalikod na sya na parang Wala lang yung nangyari. Hindi Ba nya narinig Na may conditions?





"Bingi ka ba ha?! Di ka yata marunong maglinis ng tenga. Sabi ko may conditions!"





Tumawa na naman sya. Nakakapikon na to ah. Galit na ako tapos sya mukhang nag-eenjoy pa. "Excited ka? May bukas pa para pag usapan yan. Uuwi na ako. Pagod na ako e. Sama ka?"





Ang init init na ng dugo ko. Gusto ko nang sumabog.





Yani, kumalma ka. Kumalma ka.





Please Lord. Sana may bumagsak na piano sa ulo ng lalaking to para mabawasan naman kahit kauntin yung hangin sa ulo nya. O kaya sana masagasaan po sya ng LRT mamaya para di ko na kailangan gawin to. Pleaseeeeee.





(Shunga. As if naman mapapadpad yun sa LRT. Mayaman yun. Baka may helicopter pa yun. --Hanna)

(Libag ka ba? --Yani)

(Bakit? --Hanna)

(Kasi singit ka na naman eh--Yani)

(CHE! --Hanna)





"Asa ka pa." Inirapan ko sya.





Gusto ko Na syang patayin. Kung Hindi lang sana malamang pumatay. At Kung di lang ako makukulong Pero okay lang siguro yun diba? Papatay ka NG masamang Tao para mabawasan Na yung kasamaan dito SA mundo at para magkaroon NG kapayapaan. (hahahaha. Ano daw? Baliw)





"Bye Yani. Wag mo ko masyadong mamimiss ha." At lumabas Na sya.





*******

Mga ilang minuto ang nakalipas, pinahatid na kami ni Althea sa driver nila. Nagi-guilty siguro sya dahil sa nangyari. Paulit-ulit nyang sinasabi na pag nagka-problema tawagan ko lang daw siya.







Hindi ako nakatulog nang maayos ng gabing yun. Tuwing pipikit ako, nakikita ko yung Mukha nya. At pati sa panaginip ko nauulit yung pangyayari, lalo na yung halik.







Ugh. Migo Alcantara. Tantanan mo ko.







Simula na Ba to ng magulo kong Buhay? Wag naman sana...



********



Isang linggo na ang nakalipas pero walang tigil pa rin ang talak nitong best friend ko. Parang ang saya saya pa nya sa nangyari sa party.







"IKAW NA TALAGA! IKAW NA! Akalain mong hinalikan ka ng gwapong si Migo Alcantara? Sis, sa MASTERS OF BUSINESS UNIVERSITY yun nag-aaral! You know what that means, right? She' super damn rich!!! And good-looking too. Anak ng may-ari ng casino and hotels here in the Philippines pati na rin sa ibang bansa like Singapore, Thailand etc. Balita ko rin nakabili sila ng isang island sa Korea. OMFGG!!!!!!!! YOU'RE SO LUCKY GIRL! I'm so proud of you!"







"At nag-research ka pa talaga?" Walang gana kong sagot ka sa kanya. Pero kinabahan ako sa sinabi nya. Kung ganun kayaman si Migo. Kahit magtago pa ako kahit saang lupalop ng mundo, makikita nya ako. Kahit siguro sa impyerno pa kaya nyang bayaran si Lucifer. Ughhhh. Chills in my spine. Katakot. Though, tahimik naman ang buhay ko ng 1 week...






Tuluy-tuloy lang siya. Hindi na ako nagsasalita kasi naiinis na ako. Walang preno e. Idagdag pa na ipinagkalat niya sa ibang blockmates namin ang nangyari. Really. Kung di ko lang to bestfriend baka kanina ko pa to tinulak mula sa fourth floor ng Main Building para matahimik na siya. Nagtitimpi lang talaga ako. Pwede rin na ako na lang ang tumalon para maisalba ko naman ang kahit kaunting kahihiyan at dignidad sa sarili ko.







Pero ouch yun. Baka di ako mamatay agad, magkalas-kalas pa yung buto ko. Gagastos pa kami ng pang ospital. Mahal pa naman magpa-ospital dito sa university na to kahit may discount ang estudyante.







Habang kumakain kami sa canteen ng mac and cheese at nangongopya ng data sheet at Pre-lab assignment para sa next subject na PharChem3 (ang tamad, di gumagawa, thanks Jano sa walang sawang pagpapakopya!) biglang humangin ng malakas, napuwing tuloy ako. Sinabayan pa ng malakas na tunog, ang sakit sa tainga...parang...parang...pero imposible...







HELICOPTER?! Nakapasok sa University ang isang helicopter?!





Ano to? Sinakop na ba ng China ang Maynila? Nilusob na ba kami? Lord, joke lang po nung sinabi kong gusto ko nang magpakamatay kanina. Wag naman pong ganun. Haha. Gumagawa na po ba kayo ng paraan? Di naman po kayo mabiro. Never ko na pong iisipin yun promise.







Pagdilat ko ng mata ko... Mas malala pa sa mga armadong Chinese at missile guns ang nakita ko...







Si Migo Alcantara nakasabit sa hagdanang lubid ng helicopter. May hawak hawak na megaphone.







At nagsalita siya.





"SOUND CHECK. SOUND CHECK. YANI CAITLYN DE LARA, HINDI MO BA ALAM NA KASALANAN ANG MANGOPYA NG HOMEWORK? DAPAT SA BAHAY YAN GINAGAWA. ALAM MO BANG PWEDE KANG MA-SUSPEND DAHIL DYAN? TSK TSK."







High quality siguro yung megaphone dahil rinig na rinig to ng lahat ng Tao sa Main building. Nakita kong nagsilabasan na ang ibang professors at estudyante para tingnan Kung anong nangyayari. At Kung di ako nagkakamali malinaw nilang narinig ang sinabi ng abnormal Na lalaking to.







Lumingon ako Kay Hanna. Nakanganga siya.







WAAAAAAAAH! Walang hiya talaga tong lalaking to. Inannounce nya sa buong campus na nangongopya ako!







Inaawat na ng mga security guards si Migo. "Sir! Bawal po yan dito! Pag di po kayo tumigil, tatawag na kami ng mga pulis."









Tumawa siya. Kakaiba talaga to. Kinain na yata ng zombies ang brain nya. "WAG KAYONG MAG-ALALA. ALAM TO NG MGA PULIS AT HUMINGI AKO NG PERMIT SA HEAD NG UNIVERSITY NA TO." Sabay may binato syang papel. Siguro yun yung letter na may pirma ng sec. Gen, rector etc.







Bumaba sya sa lubid at lumakad papunta sa akin. Naka suot lang siya nga plain white v-neck shirt, denim jeans at sperry na sapatos. Pero ang gwapo pa rin niya...









"Wag mo akong masyadong titigan. Baka malusaw ako. Sabi ko na nga ba mamimiss mo ko."









Mayabang nga lang. Antipatikong baliw na manyakis.









"ANG KAPAL MO--AHHHHH!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Napasigaw ako dahil binuhat nya ako. Yung parang bagong kasal. Palda pa man din tong uniform ko.







"ANO BANG GINAGAWA MO?! Ibaba mo ko! Ibaba mo ko sabi!"







Di nya ako pinansin. Hinigpitan nya lalo yung pagkakayakap nya sa akin. Ambango bango nya... Pero tss. Ayoko pa rin sa kanya. Ayoko talaga. Over his dead hot sexy body! Ay, MY pala. Haha.







Tumingin siya Kay Hanna at ngumiti. "Pakisabi na lang sa prof niyo sa next subject na hiniram ko muna si Yani. Wala naman na kayong klase after nito diba? Salamat."







"WHAT?! MAJOR YUN! AYOKO NGANG UMABSENT!!" Nagkakasag ako. Sayang yung plus points sa perfect attendance.







Si Hanna ayun nakanganga lang habang tumatango. Hahayaan nya yung best friend nya sa di mapagkakatiwalaang taong to!? Kung Tao nga Ba talaga to...







At habang buhat buhat nya ako, sumabit na siya sa rope ng helicopter. Di man lang sya nahihirapan o nabibigatan. Wala lang. Parang walang effort.









Nagsisisigaw pa rin ako at nagwawala pero wala Na akong nagawa ng umandar na ang helicopter paalis sa campus.









Nahihilo ako. Takot ako sa heights.







Huli kong narinig ay boses ni Hanna. At nakita ko syang kumakaway.







"YANIIIIII! INGAT KAAAAA! PASALUBONG KO HAAAAAAA!"







Tingnan mo nga naman. What a friend.







And everything went black.

My Captive HeartWhere stories live. Discover now