Chapter 2

59 0 1
                                    

"Hey hey heypi bertdey!" masayang bati ni Sophia sa kanyang sarili.

It was her 16th birthday. Lalo siyang ginanahan sa kanyang kaarawan sapagkat kaarawan din ng kanyang adviser. Ka-close kasi niya ang kanyang adviser, lahat naman sila ng mga kaklase niya dahil napakabait nga  ng guro nila. Minsan lang ako magkaroon ng birthday na kasabay mo pa sa selebrasyon ang isa sa taong malapit sa'yo. ani isip niya.

Painat siyang bumangon sa kama niya at dali-daling tumakbo palabas ng silid. Di niya napansin ang paborito niyang pusa na si Yettie- natutulog pa ito, kaya laking gulat niya na matisod siya dito.

"Aray!" inda niya.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako bulag!

"Kainis naman! Grrr!" tanging nasabi niya. Mabuti nalang at sobrang himbing ng tulog ng pusa niya. Poor Yettie. Nagmana ka ba sa akin? Tulog mantika ka din katulad ko... natatawang usal niya.

Pagbukas niya ng pinto...

"Boo!"

"Ay butiking maharot!" Talagang nagulat siya, halos matanggal ang puso niya sa kaba. Tinignan niya ang salarin. Napasimangot siya nang makita niyang may gawa ng kalokohang iyon ay walang iba kundi ang Kuya MJ niya. At ang lalong ikinasimangot niya ay ang pagtawa nito animo'y isa siyang malaking bagay na pwedeng tawanan nalang. Bakit nandito 'to? May pasok pa sila ah?

"Kuya, ano ka ba huh?! Suntukan nalang oh!" hamon niya dito. Hindi na niya naisatinig ang tanong niya dito. Naalala siguro nito na birthday ko? Napangiti siya sa naisip.

"Ikaw talaga hindi mabiro!" natutuwang sabi ng Kuya MJ niya habang tinitignan siya. "Ilan nahuli mong palaka little sis?"

"Heh!" padabog niyang sagot at bumaba na siya papuntang kusina. Nainis siya kasi hindi iyon ang inaasahang sagot na maririnig niya mula dito.

Nang nasa kusina na siya ay tila may mali. Bakit ganito? sambit ng isip niya. Para kasing ordinaryong araw lang kasi ngayon ang aura sa bahay nila.

"Good morning baby!" bati sa kanya ng Mommy niya. Parang normal lang din dito ang araw na ito. "Sit down and let's eat!"

Sa sobrang lungkot ng nadarama niya ngayon tanging tango lang ang naisagot niya. Tumingin na ba sila sa kalendaryo? Hindi ba nila alam na kaarawan ko ngayon? Hindi sila ganto kapag sumasapit na ang kaarawan ko. Hindi ba talaga nila naalala? Naiiyak na siya.

Pagkatapos nilang kumain ay malungkot pa rin siyang pumunta ng banyo at naligo. Nagbabad siya sa bathtub ng sampung minuto, pinakalma ang lahat ng sistema niya ng rose petals na lumalangoy-langoy pa sa maala-gatas na tubig. Stay calm my dear. Dali-dali naman siyang nag-shower dahil nalimutan niyang may pasok pa pala siya. May inihanda pa naman silang sorpresa para kay Ma'am Ramos- ang adviser nila. Sa school nalang ako magpapakasaya. Tutal naman lahat ng kaklase ko ay nag-effort para sa kaarawan ni Mommy Ramos. Naiiyak siya dahil hindi niya naramdaman ngayon ang sayang hinahanap niya sa bahay nila. Hindi na ba ako mahal nila Mommy?

Nakagayak na siya at handa nang pumasok sa klase ng may maalala siya. Nagmamadali siyang bumalik sa kwarto niya at kinuha ang bracelet na bigay sa kanya ni Sander noong bata pa siya. Naramdaman nalang niya ang ilang butil ng luha niya na ngayo'y malayang dumadaloy sa kanyang pisngi. Agad niyang pinunasan ito. Birthday ko ngayon dapat masaya lang ako.Kaya ko 'to! Si Sophia Ellaine ako eh!

Bumaba na ulit siya at sumakay sa kotse nila para magpahatid papuntang school.

"Alis na po tayo Ma'am?" tanong ni Mang Jack- family driver nila.

Her Green-Eyed Childhood Friend (Pocketbook Version)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang