Chapter 26 - Coding Problems

437 16 0
                                        

" Okay na nga ak- " Akala ko nandiyan pa siya, nakaalis na pala. Hindi man lang nag-insist. Joke.

I looked at my watch, 8:20 na. Binilisan ko na ang pagkilos para makaalis na. Sumakay na ako agad ng elevator at bumaba sa lobby. Tumayo ako sa entrance at naghintay ng masasakyan kong taxi.

" Taxi! " Tinawag ko yung isang napadaang taxi sa harapan ko pero nabigo ako. May nakasakay na pala. Pati ba naman sa taxi binibigo ako. Joke.

Laking gulat ko nalang nang may biglang humintong itim na kotse sa harapan ko. Juskolord. Anong ginagawa niya sa harapan ko? Kidnapper ba to? Rapist? Drug dealer? Shocks.

Then the window went down.

" James? " Sa wakas, naaninag ko na ang pagmumuka ng driver. Akala ko kung sino ng masamang loob eh. Psh.

" Hop in. " Utos niya.

" Hindi na nga.. Okay lang ako. " Fuck, ang pakipot ko.

" Why take a cab? Where's your car? " Tanong niya.

" Coding. Hehehe. " Hindi ko alam pero napangiti siya sa sinabi ko. Weird. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

" Bahala ka.. Madilim na madilim na rin naman. Wala ng tao diyan sa likod mo. Mahirap na sumakay. Baka may makasalubong ka pang mga adik.. They will rape you and sell your organs. Or.. Make you a prosti- "

" A-anong sabi mo? " Shit. Rape? Sell my organs? P-prostitute!?

" Bahala ka.. " Akmang isasara na niya ang bintana nang..

" Teka! "

Officially Yours Where stories live. Discover now