1

13.4K 222 34
                                    

Chandria's POV:

      Nakasilip kaming apat sa butas sa likod ng bahay na kami din ang may gawa. Nang makita namin na dumaan na ang guard na nagche-check gabi-gabi ng paligid ay dahan-dahan namin na itinayo ang hagdan na lagi namin itinatago sa kung saan.

      Alam namin na papagalitan kami nila Mama at Papa dahil hataing gabi na tapos may ginawa pa kami kanina. Tss! Kasalanan naman nila yun e. Na-guidance tuloy kami.

      Naunang umakyat si Maxine ( Maxy ) lagi sya ang pinapauna namin para tingnan kung may parating o nakakakita. Pagbaba ni Maxy ay sumunod na kaagad si Elizabeth ( Ely ) pagbaba nya ay sinenyasan nya kaagad kami, pinasunod ko naman si Franchesca ( Francy ) saktong pagbaba nya ay sumunod na ako, ako naman si Chandria ( Chandy ) bago ako tumalon pababa ay tinulak ko muna ang hagdan para walang ebidensya.

       Nagti-tiptoe kami palakad para hindi kami makagawa ng kahit anong ingay. Tahimik na ang buong bahay baka mga tulog na sila. Nakita namin na bahagyang bukas pa ang kusina kung saan kami dadaan.

       Sumilip si Maxy, Ely, Francy then me. Sunod-sunod kami at ng wala kaming makita o marinig na kahit isa ay nagtinginan kami tsaka nag ngisihan.

      Kahit parang tulog na ang lahat ay pinanatili namin na wag gumawa ng ingay. Patay na ang mga ilaw kaya medyo nagmamadali kaming umakyat sa hagdan. Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan at hihinga na sana kami ng maluwag ng biglang bumukas ang lahat ng ilaw sa sala.

      Dahan-dahan kaming humarap sa sala just to see Mama and Papa standing there. Nakacross arms si Mama sa amin at nakataas ang kilay habang si Papa naman ay seryosong nakatingin sa amin.

          "Anong oras na?!" Seryoso at may diin na tanong ni Papa kaya nagkatinginan naman kami bago sabay-sabay na tumingin sa wrist watch namin.

          "Quarter to one?" Parang hindi ko pa siguradong sagot.

         "At sa tingin nyo tamang uwi ng babae yan?!" This time halata na ang galit nya kaya nagdikit-dikit kami. "May kasalanan pa kayo sa akin sinundan nyo agad ng isa pa!"

         "Ano pong kasalanan?" Nagtataka naman na tanong ni Ely dahil lahat kami ay nagtataka.

        "What did you guys do in school this time?!" Natahimik naman kami kaagad dahil alam na namin kung ano yun. "Tumawag ang school para ipaalam ang ginawa nyo. Hindi pa kayo nakuntento at pati guidance binantaan nyo pa! Ngayon kick-out nanaman kayo! Huling all girls school na yun at sa lahat nakick-out kayo! Ano bang problema nyo?!!"

       Napangisi naman kami ng biglang pumasok sa ala-ala ko yung nangyari kanina. Pumasok kasi kami kanina tapos may mga maaarte na hindi tumitingin sa dinadaanan kaya natapunan ang mamahalin kong damit kaya ayun tinulak ko e na-mali yata ng bagsak hindi na nakatayo e lumaban yung mga kasama kaya nagkagulo edi na guidance kami.

      Nang nasa guidance kami alam namin na isusumbong kami kaya binantaan namin yung guidance na mukang natakot kaya nakick out kami.

           "They don't want us to wear what we like to wear." Walang gana kong sagot.

Rule Breakers ✔Where stories live. Discover now