9

3.8K 109 14
                                    

Chandria's POV:
  
      Hindi ko alam kung ilang oras na kami na nakasakay sa bus at nagbabyahe. Nakatingin lang ako sa bintana at tinitingnan ang mga dinadaan namin. Iniikot ko ang paningin ko at halos lahat ng nandito ay natutulog o nakikinig ng kanta. Ibinalik ko ang tingin ko sa bintana at napabuntong hininga ng bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina sa bahay.

       My dad. I loved him! But masisisi nyo ba ako na hindi magtampo o magtanim ng galit sa kanya. He used to protect us, to make us happy, and to be with us everyday not until that bitch came into the picture. Masakit isipin na pinalitan nya agad ang mommy namin, I know naman na dadating yung oras na yun but I didn't expect na ganun kabilis.

         Nag buntong hininga ako at bahagyang napailing. Kailangan ko silang alisin muna sa isip ko. Sumama ako sa trip na 'to para mag ka peace of mind naman ako kahit sa loob lang ng isang Linggo. Iniikot ko ang paningin ko ng makaramdam ako ng titig mula sa kung saan.

         Hindi nagtagal ay nagtagpo ang mata namin ni Deejay. Bahagya pa akong nagulat, he's looking at me seriously while listening to the music I think? Ako na ang umiwas ng tingin at inilipat ang tingin ko sa pagkain na nasa maleta namin. I am hungry pero wala kaming dalang tinapay man pang puro junk foods. Darn! I shouldn't let Maxy and Francy prepare our food. D*mn it!

          No choice so kinuha ko yung isang Cheetos at bubuksan na sana ng makarinig ako ng kaluskos kaya nilingon ko kung saan ng galing at halos mapaatras ako ng makita ai Deejay na palapit sa pwesto namin. Bahagya akong yumuko at lumunok bago sya tingalain. Nakapamulsa ang mga kamay nya sa suot nyang itim na jacket at may nakasuksok din na headset sa magkabila nyang tenga. Nagulat ako ng bigla sya yumuko kaya nanlaki mata ko habang nakatingin sa mata mata nyang seryoso. Amoy na amoy ko ang pabango nya!

         Napakislot ako ng maramdaman ko ang mainit nyang kamay sa kamay ko at may inilagay doon. Nag palit-palit ang tingin ko sa kanya at sa kamay ko, inalis nya naman ang headset nya.

               "You should eat that first before eating any kind of junk food." Seryoso nyang sabi ng di man lang kumukurap o umiiwas ng tingin.

               "No tha -- " Napatigil ako sa sasabihin ko dahil tiningnan nya na ako ng masama.

              "Don't make me repeat myself here. Stop being so stubborn and eat!" Nakairap nyang sabi at halatang iritado na sya.

              "Ano 'to?! Is this what you're telling to me at the cafeteria last time? O c'mon Deejay. This won't change me. Not even a bit!" Seryoso kong sabi at nakipagtitigan sa kanya.

                "Believe me Chandria." Sinamaan ko sya ng tingin sa tawag nya sakin. "I can change you." Balik nyang sabi bago tumalikod sakin.

        Iniayos nya yung hood nya at bahagya pang lumingon bago isuot muli ang headset nya at tuluyan ng bumalik sa upuan nya.

       Napatitig naman ako sa sandwich na binigay nya. Di naman siguro ako lalasunin ni Deejay diba? Haaaayst! Gutom na talaga ako. :( I start eating the sandwich.

               "Not bad." Tumatango-tango ko pang bulong at muling kumain.

       I finished eating sandwich when my siblings woke up.

                "Haaaay! I'm so sleepy." Hikab ni Ely bago ako lingunin. "You ate?" Tanong nya.

               "Uhh yeah. " Sagot ko at bahagya pang tumango.

                 "What did you ate then? It looks like our foods is still the same." Sabi naman ni Francy na nakatingin sa mga pagkain.

                "Someone gave me sandwich so I prefer eating it instead of junk foods." Explain ko naman sa kanila.

                 "Who's someone huh? You two must be closed because he gave you sandwich. "

                "Why do asked me a lot of questions then? Stop asking and do whatever you want." Seryoso kong sabi at bahagya pang umirap. Ayoko ng matanong sa totoo lang, it irritates me. Once na may sabihin o itanong ka at nasagot ko yun na yun. In short ayoko sa makulit.

                 "Ang sama ng mood mo aa. Chill! Nagtatanong lang kami." Paliwanag naman ni Francy.

                  "So stop asking, you all know that it irritates me. " Sagot ko naman at tumitig sa kanila.

                    "Fine! Hot tempered." Sinamaan ko naman ng tingin si Ely ng sabihin nya yun kaya nag peace sign sya sakin.

        Kumain sila habang ako nakalingon lang sa labas ng bintana. Kilala na nila ako, alam nila na pag di sila tumigil e mag aaway lang kami. Haaaay! Iniikot ko ang paningin ko ng mapadako ang tingin ko sa harapan. Matagal pa kaya kami? Napapikit ako ng biglang kumaldag ang sasakyan then biglang huminto. D*mn!

          Naglingunan kaming magkakapatid at unti-unti na ring umingay asking each other what's happening. Duuuuh! We're all just sitting here so obviously we doesn't know anything. Pathetic!

          Nakita kong tumayo si Mr. Tan ang dean ng school.

                 "Listen everyone!" Sigaw nya kaya bahagyang napatigil ang lahat. "We all didn't expect this pero nasiraan ang ating sasakyan. Hihilingin ko sana na bumaba ang lahat ng matingnan ng maayos." Maraming umangal pero wala din silang magagawa dahil kailangan talaga.

         Bumaba na ang Dean at mga teachers so I stand up and wear my jacket dahil medyo mahangin pero tirik ang araw. What a weather though! Hmmmm.

            Sunod-sunod kaming bumaba at ako ang nasa hulihan. Nagulat ako ng may humawak sa braso ko at may pilit inilagay sa kamay ko. Nilingon ko naman kung sino yun.

                    "Tsss!" Sabi nya bago ako lagpasan. Napahinto naman ako at tinitigan ang kamay ko na may mineral water tsaka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako umiinom.

             Napailing ako at tsaka binuksan yung water bago tuluyan bumaba. Tiningnan naman ako ng may pagtataka ng mha kapatid ko kaya tinaasan ko lang sila ng kilay. Tumabi ako sa kanila at iniikot ang paningin ko. Halos lahat may hawak ng cellphone yung iba may katawagan, yung iba ng iinternet I think habang karamihan nagtetake ng selfie. Tsk! I looked around at napakaganda dito. Hindi ko tuloy maiwasan mag expect sa itsura ng pupuntahan namin.

         Sabay-sabay kaming napalingon sa Dean ng muli itong nagsalita.

                   "Sorry but we need to wait in an hour or two bago mabuo ang bus at makarating sa ating distinasyon."

                     "Whaaaaat?!!" Sabay-sabay na sabi ng lahat habang ang mga kapatid ko naman ay nanlaki ang mga mata kaya napailing ako.

           Ano gagawin namin dito sa lugar na puro tanawin lang sa loob ng isa o dalawang oras?!

                    "Pwede kayong lumibot pero wag lalayo at bumalik kayo sa loob ng isa at kalahating oras. Understand?!" Doon nag saya ang iba kaya kanya-kanya silang tango at alisan. Napailing naman ako bago naupo sa gilid ng isang puno malapit sa bus at pumikit, nakarinig ako ng kaluskos kaya dumilat ako at nakita ang mga kakambal ko.

                    "You can go somewhere if you want." Mahinang sabi ko at muling pumikit.

                    "We'll stay here too tutal mainit naman ee." Sagot naman nila kaya tumango lang ako, habang nakapikit ako ay nakaramdam ako ng titig. Dinilat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang malamig at seryosong tingin ni Deejay.

                   Nang magtagpo ang mata namin ay mas sumeryoso ang mata nya bago ako irapan at mag suot ng headset. Ano problema nun?! Bumuntong hininga ako at humilig kay Ely bago muling pumikit. Haaaay!

. . . . . . . .

Bare with me. Sorry po matagal. Enjooooy! #NoBrain

Rule Breakers ✔Where stories live. Discover now