Okay lang

20.3K 118 11
                                    

Si crush ay crush lang,
Pero di ko alam kung bakit iba na aking nararamdaman,
Tila kinakabahan pag ika'y nandyan,
At tila di makatingin sayo ng diritsuhan.

Palihim kung ako'y makatingin,
At ako'y umiiwas pag napadapo sa akin ang iyong mga tingin,
Nahihiya kasi ako at nag-aalala,
Na baka makita mo ang mukha kong namumula.

Minsan ay napapa-isip ako,
Kung magugustuhan mo ba ang kagaya ko,
O kaya naman may gusto ka nang ibang tao,
Na mas hihigit pa sa tulad ko.

Okay lang ako,
Ngumingiti pag kaharap mo,
Tumatawa sa mga jokes mo,
Pero umiiyak pag nasa kwarto na ako.

Hindi ko alam kung ano na ba talaga to,
Pag-ibig na ba ito?
Sana hindi,
Kasi ayaw kong masaktan sa huli.

MGA TULA PARA KAY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon