Sixth Chapter

24 4 5
                                    

VII.

Nakayuko akong naglalakad ngayon dito sa hallway papunta sa classroom namin. Wala na akong pakialam kung late ako or what, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kaganapan kagabi jusko po!

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng pinto ng classroom namin kaya naman agad na akong pumasok, inangat ko ang tingin ko at tumambad sakin ang mga kaklase kong...busy sa cellphones? Anmeron?

"Grabe ang swerte nung @itsmehstorm ba yon?"

"Oo nga e. Ang tibay ng sources niya ha? Kaya idol ko siya e!"

"Kung sino man ang may-ari nung username na yon, buti pa siya, napansin ng idol naten! Huhuhu!"

"Maxi!"

"A-ah?" napalingon ako kay Kimberly na nasa tabi ko na pala.

"Nanood ka ba ng guesting kagabi ng Thundereal?"

"Ah...oo naman syempre." sabi ko ay dahan-dahang naglakad patungo sa pwesto ko. Umupo ako at agad na tumungo sa desk.

"Oh bakit ka ganyan?"

Hindi ko na lang siya inimik at nanatiling tahimik. Pakiusap, I want to sleep! Hindi ako nakatulog ng maibi kagabi dahil sa ginawa ng Thundereal. Oo masaya ako, sobra! Pero sabi nga nila, lahat ng sobra ay masama kaya heto ako ngayon at bangag! Megosh.

"Nakakainis yung @itsmehstorm 'no? Ang swerte niya, nagbigay pa sa kanya ng message ang Thundereal at live pa ha? LIVE YON." dinig kong sabi niya kasabay ng marahas na pagbuntong-hininga.

Oo, ang swerte ko. Gusto ko ngang ipagsigawan sa buong mundo yon e. Gusto kong isigaw na, hey it's @itsmehstorm! ako ang dahilan ng pagiging updated niyo sa Thundereal, at ako ang maswerteng fangirl na pinag-uusapan niyo!

Kaso hindi, ayoko. Ikapapahamak ko lang yon.

"Tignan mo 'to dali!"

No choice ako kundi ang iangat ang ulo ko dahil hindi ako titigilan ni Kimberly hangga't hindi ko tinitignan ang gusto niyang ipakita.

My eyes grew wide open nang mabasa ko ang article.

'@itsmehstorm, a famous source updates of viral boy group, Thundereal, has become the top trend gaining 438K hashtag tweets. The said username, already gaining the ninth to the highest number of followers, exceeding to 7.09M. Not just that, but all the members of the Thundereal, has exchanged follows?! Now it IS a biggest and hottest issue.'

"GUYS HAVE YOU READ THE ARTICLE?!"

"Omg! Yes! Kaka-follow ko lang sa kanya kagabi!"

"Me too! I never thought na isa siya sa may pinakamaraming followers ngayon."

"At finallow pa siya ng buong members ng Thundereal!"

Now, I can't utter any word.

W-what the hell is happening?

Please, tell me I'm dreaming.

"Uy, Maxi saan ka pupunta?" dinig kong tanong sakin ni Kimberly dahil sa biglaang pagtayo ko. "Washroom!" sigaw ko nang makalabas na ako sa room namin.

Damn.

Lakad-takbo na ang ginawa ko para lang makapunta sa washroom. I need to find a peaceful area. Hindi pwedeng sa garden dahil for sure, may mga students na rin doon.

Nang agad akong makapasok sa washroom ay napasandal ako sa pader, trying to inhale deeply and think straightly.

Bangag ako kaninang pagpasok ko pero dahil sa mga nalaman ko? Fudge. Nagising ako!

A Fangirl's PleaWhere stories live. Discover now