Chapter 30

272K 1.8K 146
                                    

 ~Chapter 30

"Problems make every relationship grow stronger." 

**

Bryan's POV

Nakabalik na kami sa Manila. Hindi pa naman bakasyon para mag-saya ng todo eh. 

Tsaka ganun'ganun lang din yung mga ginawa namin. Swimming, pasyal, foodtrip. At siyempre! Hindi mawawala ang duty. Oo, hapit kami. Kasi minamadali niyo na kaming makabuo. :3 

At dahil nakabalik na kami galing bakasyon, siyempre, kailangan 'ko naman magpakita kina Ervin. Balita 'ko kasi, sila ang ginugulo ni Aira nung hindi niya na 'ko ma-contact.

Wag kayong mag-alala, malalaman niyo din sa hinaharap kung ano ba talagang meron kay Aira. WAG ATAT.

Pag-pasok 'ko sa Bar, as usual.. Nakatingin agad yung mga babae. Sabik na sabik na naman sa dapat nilang kasabikan. Psh.

Hindi pa man ako nakakaupo, nag-salita na agad si Ervin. "Oh pare, kamusta bakasyon?" 

"Bakasyon ba talaga? Oh baka naman sina Ate Bea lang ang nag-bakasyon tapos nag-honeymoon na naman kayo ni Erika! Naknamp*t*! Nakakarami ka na pre ah!" kantyaw naman ni Joshua. 

Napangisi naman ako at sinagot sila. "Natural! Matik na yun pre! Hanggang buhanginan! Hahahaha!" at nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi 'ko. Totoo naman yun e. Dabes!

Sinalinan ni Mike yung isang baso. "Oh, shot na pre. Aba." 

"Konti lang ha. Susunduin 'ko pa si Erika." sabi 'ko ng pa-goodboy. ;)

"Naks! Devoted boypren! Tangna mo! Hahahaha!" asar naman ni Ervin. Letse talaga 'tong mga 'to eh. 

"Kamusta naman kayo pre? Wala bang sumasagabal?" sa wakas! Nag-seryosong tanong na din si Joshua.

Ininom 'ko muna yung nasa baso 'ko. "Meron. Pero siyempre, di nila kami matitinag." kagaya nga ng sabi ni Chito Miranda. XD

Tumango-tango sila. "Pre, realtalk. Seryoso na. Kilala mo naman si Aira, lahat gagawin niyan makuha lang yung gusto niya. Alam mo yan. Paano pag gumawa yan ng isang hakbang para guluhin kayo? Nakahanda ka ba?" napaisip ako sa tanong ni Ervin. Alam 'ko naman sa sarili 'ko na hindi pa talaga kami handa kung sakaling subukin kami ng mga problema. 

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon