Chapter 21

6.1K 106 3
                                    






PRINCESS'S POV

"ANOOOO?" Nagulat ako sa reaksyon nya. Grabe hah!

"Ang OA mo naman, sa bahay lang naman tayo pupunta hindi sa ibang bansa!" Singhal ko.

"Bakit kasi kailangang sa bahay nyo pa? Pwede naman nating tapusin yan sa school."

"Seriously? Nerd ka ba?" Takhang tanong ko.

"Ano naman?" Pagsusungit nya. Confirmed! Nerd nga sya.

"Ang gwapo mo namang nerd." Bulong ko sa sarili ko.

"Ano yon?" Nagulat ako. Napalakas yata yung bulong ko. Sana hindi nya narinig.

"TSS. Wala. Chismoso."

Hindi na kami nag-imikan pa sa buong byahe.

"Mam andito na po tayo." Ani Manong.

Ibinigay ko na ang bayad at bumaba na agad ako. Napansin kong hindi pa din sumusunod sa akin hanggang ngayon si Kriss.

"Ano? Tutunganga ka nalang dyan forever?" Pang-aasar ko.

"Tsss. Walang forever." Literal akong napanganga sa isinagot nya. As in napanganga. Akala ko puro aral lang ginagawa nitong gwapong nerd na ito. Baka broken hearted kaya ganun sya.

"Ano? Nganganga ka nalang dyan hanggang sa maka-uwi ako o papasok na tayo dito sa nanOha-laking mansyon nyo?" Agad akong tinadyakan pabalik sa reyalidad.

"Oo Tara na." Pagta-taray ko. Diri-diretsyo lang ako sa paglalakad at ganun din naman si Kriss.

*tok tok tok*

"Miss Princess, ano pong ginagawa nyo dito?" Takhang takhang tanong ng guard namin.

Napataas ang kilay ko. "Seriously manong? Bahay namin to diba?"

"S-sabi ko n-nga po" Agad nyang ibinukas ang pagkalaki-laki ang gate namin.

"Tara." Yaya ko Kay Kriss. Agad naman syang sumunod at pinagmasdan ang aming mansion.

"Iba na talaga kapag mayaman." Bulong nya ngunit umabot naman sa pandinig ko iyon.

Habang naglalakad kami papasok at nakasalubong ko si Yaya Meding. "Yaya sinong tao sa loob?" Tanong ko.

"Yung mga katulong po." Magalang na sagot nya.

"Wala si mommy?"

"Ay nandyan na po. Kakarating lang nya galing office."

Tumango nalang ako at ipinagpa-tuloy ang paglalakad.

"Mommy I'm home!!!"

"Dali-daling lumabas si mommy mula sa kusina patungo sa kinatatayuan ko.

"Hi baby." Masayang bati ni mommy. "Bat ang aga mo yata?"

"Mommy sorry po, nag-cut ako ng last subject."

"Ano bakit?" Takhang tanong ni mommy.

"Kasi may tatapusin pa po kami ng partner ko na activity. Dapat nga po kanina pa ipapasa iyon pero nakalimutan kong gawin kagabi." Paliwanag ko.

"Si Andy ba ang partner mo?" Tanong ni mommy.

"Tss. Ayoko na syang makasama sa kahit saan. Famewhore girl." Sagot ko sabay irap.

Oh sya sige na. Gumawa ka na sa kwarto mo."

"Sige mmy, tara na Kriss." Pag-lingon ko sa likod ko "Kriss? Teka lang mmy ah?" Lumabas ako para hanapin yung partner kong haragan. "Oy tara na!" Napa-tayo sya ng diretso at sumunod na sa akin.

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now