Chapter 10: Great Hall

5K 235 1
                                    


Pagkapasok ko sa great hall ay konti nalang ang mga estudyante dito, mabuti nalang at di ako na late. Kapag kasi na late kana ay siguradong wala kanang kakainin, they don't tolerate late students here kaya crucial talaga kapag nalate ka. At mabuti nalang nga at hindi ko nadala ang pagiging late ko dito.

I sigh, at napakagat labi ako ng tuluyan na akong makapasok sa great hall. Ang daming mga tables na naka ayos sa loob at merong mahahabang table sa harapan na nalalagyan ng mga pagkain.

Pumunta na ako sa harap at kumuha ng tray at pagkain ko. Pagkatapos ko ay lumingon ako at nag- umpisang humanap ng pwedi kong upu-an. Nilibot ko ang aking paningin at nagsimula na akong maglakad papunta sa isang mesang malayo sa mga estudyante.

Mabuti nalang at di nila ako napapansin dahil mukhang mga busy sila sa kakadaldalan at kung anu- ano pa.

May na notice lang ako sa kanilang mga uniporme, sa kanilang mga neck- tie merong pin at yung pin nila ay sing laki lamang ng limang peso. Merong white, green, yellow, at red. Mabasa ko nga mamaya yung hand- book, para di ako mangangapa. Wala pa naman akong kakilala dito at wala akong kaibigan and I never wish to have one.

Nag umpisa na akong kumain, at habang kumakain ako ay tinitingnan ko lang sila.

"Cut the crap, thanatos.. pinagbigyan na kita sa request mong ilagay siya doon. Nababaliw ka na ba hah?" napalingon ako sa isang parte ng great hall ng marinig ko ang kalmang boses ni death habang naglalakad at nagbabasa pa din. Napangiwi ako dahil sa nakikita ko, di ba siya natatapilok niyan?

"can't help it death, alam mo kung ano ang nararamdaman ko sa batang iyun at nararamdaman mo din iyun." Rinig ko namang maktol ni thanatos. Oh no,. Baka kung Makita niya ako dito bigla nalang siyang magtatakbo papunta sa akin? At tsaka ako ba ang pinag- uusapan nila?? Wag mag assume, baka hindi ako iyun.

"For once, shut- up thanatos." Sambit naman ni death na siyang nagpa pout kay thanatos. Nagsisinghapan naman ang ilang mga estudyante at nagsi iwasan ng mga tingin sa dalawang dean ng university.

Pabulong- bulong pa ito habang papunta sa upuan na nasa elevated part na nasa harapan ng great hall. Patuloy lang si death sa paglalakad pasunod sa kanya habang binabasa niya pa rin ang isang libro na wala namang title sa cover neto at purong itim lamang ang cover.

Binilisan ko nalang ang pagkain ko at nang may papatayong mga estudyante ay dali- dali din akong tumayo at sumabay sa kanila pero mas nauna lang ako para di ako mapansin ni thanatos.

Sinigurado ko din na hindi ako mapapansin ng mga estudyante at mabuti lang nga at busy sila sa kakadaldalan at kulitan.

Mukhang hindi magiging madali ang buhay ko dito hah. Kung hindi ko lang sana kailangan ang training at mga impormasyon sa pagiging reaper ay di ako papasok sa paaralang ito. Ano ba naman kasi ang plano ni raziel at pinasok ako sa lungga ng mga tigre.

Mukhang kailangan ko talagang mag- ingat para hindi nila malaman na kakaiba ako sa kanila. Mapapasubo na naman ako neto... Kainis!!

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now