17. Kinikilig ako

151 6 0
                                    

17. Kinikilig ako

PSALM'S POV

I don't want to hear you crying and I would do anything so that you won't get hurt anymore. So that you won't attempt yourself to cry again. Please, stop crying Psalm. Stop crying.

Paulit ulit kong binasa yung message sakin ni Darren kagabi pero hindi ko parin malaman kung bakit ganoon yung naisip nyang itext sakin.

Haay! Kaloka naman mag-isip!!!

Kinuha ko nalang yung twalya ko at yung kapaplantsa ko lang na university uniform at panloob ko at pumunta na sa banyo.

Tinignan ko yung orasan sa dingding. 7: 59 AM.

Narinig ko pang kumalam yung sikmura ko dahil sa gutom.

Bakit kasi nakatulugan ko ang pag-iyak kahapon at nakalimutan kong kumain nang panghapunan?

It feels weird because I seldom forget to eat my meal. Hindi pa yata nangyayari sakin yun?

Binilisan ko nalang ang pagligo at pagayos sa sarili ko.

8: 45 AM nung natapos kong ayusin yung sarili ko and off to go. Buti nalang hindi ako nagme-make-up at kontento na ko sa polbong pinapahid sa mukha ko pagkatapos kong maligo kundi baka aabutin ako nang syamsyam dito.

Bumaba na ko sa boarding at lumabas nang tahimik kahit na naririnig ko na namang nagbubulungan yung mga tao sa baba.

Wala na ba silang maisip gawin kundi pagtsismisan ang buhay ko? Pinagkibit balikat ko nalang yun kahit na rinig na rinig ko yung mga sinasabi nilang isa't kalahati daw akong majondi! Haliparot, kaladkarin at Makati!

Oo, sanay na ko sa araw araw na nakakarinig nang ganoon at nagiging almusal ko na at hapunan ang mga bulungbulungan pero hindi parin maiwasang masaktan tong puso ko.

Parang kailan lang nung kaibigan ko lahat nang tao dito pero ngayon? Halos lahat kaaway ko na pati mga daga dito. Haay!

How I wish I can bring back the past so that I can change the situation wherein Darren accidentally kissed me and avoid the fact that Mylene was hurt and mad because of that.

Ngumiti ako sa naisip ko. Hindi naman kasi mangyayari yung bagay na yung, dahil there is no time machine and not everyone deserves to be given a second chances.

I sighed. I've lost everything. I've lost every person that is important to me. I've lost my friends, my best friend, my boy friend and especially I've lost my heart.

Iisa na lang ang taong hindi nawala sakin.

Napailing nalang ako kasi naglakbay na naman tong utak ko sa kabilang planeta. Tinignan ko ulit yung oras, 9: 10 AM.

*Kruggg*

I still have twenty minutes left. Pwede ko pang pakainin tong alaga ko sa tyan.

Huminto ako sa tapat nila aling Leah. Buti nalang masarap ang luto nila dito at hinding hindi ako magsasawa sa mga pagkain nila.

Kasalukuyan kong tinuturo yung gusto kong ulam nang may biglang umakbay sakin.

"Ano ka ba naman Insensitive Chinito, kung may sakit lang ako sa puso matagal na kong nailibing dahil sa panggugulat mo!" I hissed at him then I suddensly remember his text last night.

Bakit kaya ayaw na nya kong nakikitang umiiyak?

Hindi kaya... I shook my head. Pakiramdam ko umakyat lahat nang dugo ko sa mukha ko dahil sa inisip ko.

Wag assuming, Psalm! Kaya ka palaging nasasaktan eh! Palagi ka kasing umaasa!

"Hindi ko intensyong gulatin ka nuh? Kanina pa kita tinatawag pero sobrang lalim nang iniisip mo habang naglalakad ka. Saka bakit ka namumula?" tinuro din ni Darren sa nagseserve yung gusto nyang kainin.

Mas lalo yata akong namula dahil sa mahabang lintanya nya. Naku! Wish ko lang talaga noh? Wish ko lang talaga...

"I'm not blushing huh? Blush-on yan..." tanggi ko habang ang lakas lakas nang tibok nang puso ko kasi aware na aware parin ako sa pagkakaakbay nya sakin.

Naglakad sya kung saan kami umupo kahapon kaya sumunod na din ako. Saka lang nya ko binitawan nang naghila sya nang upuan. "upo kana, kunin ko lang inorder natin." Untag nya bago tumalikod.

Bakit ba ko namumula? At bakit ba ang lakas lakas nang tibok nang puso ko habang nakaakbay sya sakin kanina?

Di kaya? Mahal ko...

No, hindi pwede ang iniisip ko! hindi talaga pwede!!

Nakatulala ako habang tinatanggi ko sa sarili ko yung naisip ko kanina!

Nagulat pa ko kasi biglang pumitik sa noo ko. "Ang sakit noon ah? Bakit ba ang hilig mong mamitik nang noo ha?" sita ko kay Darren kasi sya namimitik nang noo.

He smirked and started to eat his food. "Naglalakbay na naman kasi yang utak mo sa planetang Uranus. Kain ka na... malelate ka na oh?" sabay tulak sa pinggan ko palapit sakin.

Tinignan ko ulit ung relo ko. naku, 9:20 na. binilisan ko nalang ang pagkain at tumahimik na.

Pero... "Tigilan mo nga yang katititig mo sakin. Hindi ako makaconcentrate sa pagkain eh!" sita ko sakanya kasi titig na titig sya sakin habang hindi ginagalaw yung pagkain sa harap nya.

"Kumain ka na lang dyan, malelate ka na talaga!" pag-iiba nya nang usapan kaya kumain nalang ako.

Tapos biglang nagring yung first bell untag na five minutes left bago magsisimula ang next class kaya nagmamadali akong uminom nang tubig at tumayo na para magbayad.

"Ako na magbabayad, Psalm. Pasok kana!" biglang may nagsalita sa tabi ko pero hindi na ko nakipagtalo.

Naglakad nalang ako papasok nang gate at tinap yung ID ko sa monitoring device.

Naku naman! Trigonometry pa naman yung 1st subject ko at sobrang terror nang prof.

Lakad takbo nalang ako papuntang 2nd floor at saktong nasa harap na ko nang classroom, nagring na yung second bell. Haay, salamat naman!

Muntik na ko doon ah!

Busy akong nakikinig sa prof ko nang may biglang nagpop na imahe sa utak ko.

Naku! Aminin ko na nga sa sarili kong kinikilig ako sa insensitive na chinito na yun! pagbigyan na nga ang puso kong kinikilig.

Unanswered Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon