ASKTP [1] - First Kiss.

5.2K 105 13
                                    

Ang utang ay utang.

Yang mga katagang yan ang laging pumapasok sa isip ko tuwing nakikita ko si James. Masama ang ugali ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung paano ko napapayag ang lalaking yan na pahiramin ako nang pera.

Mabait naman ako sa lahat. Pero noong unang pagkikita namin, hindi ko rin ginusto ang ugali nyang pinakita kaya pilyong ugali ko ang ipinakita ko. Pero sa ika nya nila. 'Ang taong gipit sa patalim kumakapit.' Gipit ako! At sa kanya ako napakapit. Kahit alam kong masakit, ginawa ko ang lahat. Kailangan ko ang pera. Kung hindi... Pare-parehas kaming wala nang pamilya ko.

Hindi ako mayaman. Obvious ba? Kaya nga ako nangutang diba.

May sakit ang mama ko, ang papa ko nama'y namayapa na sa alaala ko. Ang kuya ko ay may pamilyang binubuhay. Kami nalang ni Mama ang magkasama. Sinusubukan ko naman eh. Lahat ginagawa ko. 17 years old lang ako, pero nagtatrabaho na ako.

May part time job ako sa isang fastfood chain tuwing 5 nang hapon hanggang closing nang 10pm. Makakauwi ako sa bahay nang 10:30, mag-aaral ako hanggang 12 matapos kong maligo. Matutulog ako at gigising nang 7am. Papasok ako nang 7:30. Ganun ang sistema ko. Laking pasalamat ko sa schedule ko.

Inayos ko ang sarili ko bago tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Naisip ko nanaman ang sinabi ni James noong hindi ako nakapag-abot ng bayad. "One kiss and the debt is paid." Umiling ako para maalis sa utak ko iyon.

Peste!

Ang school namin kakaiba. Mostly, sa mga babae. It's either hindi na virgin o wala nang first kiss. Lelang nila noh, hindi ako sasali sa laro nilang mga ganyan. Isang karalangan ang manguna sa pagkuha nang first kiss at virginity ng babae. Not for me tho. Mga walang kwentang lalaki na inuuna ang baba kesa sa utak. Wala naman talagang nakakatuwa doon, pero kung makapagmalaki sila akala mo isang karalangan.

Magtataka pa ba kayo kung sino ang nangunguna? Edi ang ungas na si James.

Kilala ako sa school bilang NBSB, clearly, nasa akin pa ang first kiss ko. Noong nalaman ni James iyon, suddenly, nagbago ang lahat. Suddenly, gusto nya na ang first kiss ko. Isang karangalan daw kasi iyon at patuloy syang mangunguna.

Buset! Nag-iinit ang ulo ko tuwing naaalala ko iyong sinabi nya. Kinuha ko na lang ang bag ko at lumabas na nang kwarto. Lumabas ako nang bahay bago ako dumiretso sa bahay ni Izzy. Si Izzy kaibigan ko syang matalik. Hindi na sya virgin at wala na ring first kiss syempre. Kung lalagyan ng porsyento ang mga virgin, 20% siguro. Ang mga walang pang first kiss, 15% siguro. Ang natuturang porsyento, iyon ang para sa mga hindi na.

I treasure my virginity and my first kiss. Eto na lang ang tanging maibibigay ko sa taong mahal ko, a greatest girt I can give. Bakit? Well, hindi ako mayaman. My first kiss is for my first and last love. Malalaman mo naman siguro pag sila na talaga. My virginity is for my husband. Iyon ang pinakamagandang regalo sa asawa.

Mahina akong napabuntong hininga nang makita ko ang kaibigan kong si Izzy at Tom. Si Tom ay para buddy namin. Buddyguard sa mga bullies. Haha! Kumaway ako sa kanila noong nilingon nila ako. Tom likes Izzy. Pero tong si Izzy wala atang gusto kay Tom.

"Musta brads?" Sabi ko nang may ngiti sa labi. "Nakasimangot ka nanaman may dear. Ayos na si Mama, you know, meron na akong pambili nang gamot." Umirap lang si Izzy at umiling si Tom.

"Isipin mo iyong bayad. Tss! Yana ng hirap sa iyo eh." Umiling lang din ako noong tumabi ako sa kanila habang nag-aantay ng jeep na masasakyan.

Habang nag-aantay agad kong naisip ang sitwasyon ni Izzy. Papayag ka sya? "Izzy, papayag ka ba kung..." Tumingin sya sa akin ng may kunot ang noo.

A Simple Kiss to Pay. [JaDine]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant