Will you be my Girlfriend?

163 6 4
                                    

'Will you be my girlfriend?'

Yan ang katagang gusto kong itanong mo mismo sakin...... Siguro, pag nagkataon na matupad yun, parang nasa heaven na ako.... Cloud 9 kumbaga....

Pero parang nawasak ang mundo ko ng nagtapat ka sakin na gusto mo yung isa sa kaklase ko na ka close ko.... Ang sakit nun....

'Ouch lang'

Ang masakit pa, nagpatulong ka pa sakin na ligawan siya.....

Di naman ako makatanggi, malakas ka sakin eh...... Sabi nga nila 'pag in love ka, tanga ka'

Nagpaka martyr ako kahit naman sa loob ko ang sakit at ayaw kong gawin yun....

Days passed....

Still, im helping you sa pag porma sa taong gusto mo kahit ayaw ko talaga......

Hanggang sa dumating ang pinakakinatatakutan kong araw.....

Ang araw na sinagot ka na niya.....

Ako naman...

nakatingin lang sainyo.....

Habang palihim na nasasaktan.....

Dahil alam ko, hindi na pwedeng maging tayo.....

Nag thumbs up ka pa nga sakin eh, dahil successful yung ginawang panliligaw mo sa kanya...

Umuwi akong luhaan at that day.....

Iniwasan na kita after that day.....

Na parang hindi kita kilala....

Mabuti na lang hindi tayo classmates....

Kayang-kaya kitang iwasan......

Pinilit kitang kalimutan.....

Pero hindi ko talaga kaya.....

Ganun na ba talaga kita kamahal?

Siguro nga.......

Hindi naman siguro ganito kahirap kang kalimutan kung hindi kita ganoong kamahal......

Ano bang ginawa mo sakin at ganito kita ka mahal ...

months passed.......

Nabalitaan ko nalang na nag break daw kayo dahil niloko ka ng walang hiyang babaeng yun......

Kung alam ko lang na lolokohin ka lang niya... Di na sana kita tinulungan sa pagporma sakanya....

Isang araw nagkita tayo....

"O Xie, long time no see..."unang puna mo sakin....

"Oh long time no see rin Aaron, kamusta ka na?"

"Ayos nanaman ako.... Na miss kita.... Sobra.... Nawala ka kasi bigla...." Saad niya... At nag kwentuhan pa kami....

Nagpatuloy ang pagkikita namin.....

Sa school..... Sa bahay.... At pag minsan sa labas.....

Naging mas close kami kaysa dati...

Naging comfortable na rin ang pakikisama ko sa kanya.....

Di na 'awkward'

Hanggang isang araw kasama ko ang mga kaibigan ko, naglalakad sa may csmpus ng bigla ka na lang lumuhod sa harapan ko sa harap ng maraming estudyante at may mangilan-ilang teachers at sinabing..........

"Will you be my Girlfriend?"

Woah.... Heaven....... Parang nasa cloud 9....

"baka isipin mong pang rebound lang kita dahil sa kabe break up ko palang dun kay Rain.... Pero Ito ang totoo, I love You Xie... Pagkatapos nung naging girlfriend ko na si Rian.... Nawala ka.... Na miss kita.... Sobra..... Miss na miss na miss kita... Kasi parang umiiwas ka... Pinagmasdan nalang kita mula sa malayo at alam kong gusto na kita at that time kaya ng niloko ako ni Rain.... Hindi ako nakaramdam ng galit o sakit.... Mas nangibabaw pa ang tuwa sakin dahil malaya na ako.... At ng magkita tayo muli...... Ang saya saya ko..... Na makita kang muli.... Dun ko masasabi na mahal na kita.... At lumalim pa yon.... Hanggang sa ito.... Xie, Will you be my Girlfriend?" Sabay bigay ng boquet of roses....

"Yes Aaron, Yes..." Sabay tanggap sa roses at yakap sakanya....

Mahal na mahal parin talaga kita Aaron at hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito......

~END~

Dedicate po kay WhiteLuSehun yung sa paggawa ng cover... Thanks a lot po sa paggawa ng cover ^_^

Will you be my Girlfriend? (ONE SHOT)Where stories live. Discover now