MGFFH -2: An Agreement with the King of the Underworld.

10.4K 386 32
                                    

MGFFH –2: An Agreement with the King of the Underworld.

//Cifer Capulet’s Point of View//

She’s still sitting on her bed, “Naku! Tigil-tigilan mo nga ako! Di pa rin ako maniniwala sa’yo! Umalis ka na rito kung hindi eh ipapahuli kita sa  mga pulis!” Pagbabanta niya.

Shit talaga. Sabi ko na eh, pinakamahirap sa lahat eh ang pagpapakilala! Bwisit na babae ‘to. Nakakita na ng apoy na nanggagaling sa kamay ko pero ‘di pa rin naniwalang devil ako?! Tell me, ano pa bang kailangan kong gawin sa babaeng ito?!

Sumigaw na siya, “Daddy may ma--” I covered her mouth with my right hand. “Mmmmm! Mmmm!” Good! Di na masyadong maingay!

Maniwala ka na lang kasi sa akin! What do you want me to do? Burn your house? I can do that in one second, honey.” I said.

Inalis ko ‘yung kamay ko sa bunganga niya. Eww! Laway! “Okay, okay! I believe you now!” 

Good!” Then I lay on her bed.

Pero bakit ka nagpakita sa akin? You know, hindi naman talaga nagpapakita sa mga human beings ang mga guardian nila pero... you...

Oh yes, I know you’ll ask that crap. Alam mo kase, hindi na ako nakukuntento sa pabulong-bulong lang.” I said calmly and I gave her my sweetest smile.

Nanlaki ‘yung mga mata niya, “IKAW?! Ikaw ‘yung bumubulong sa akin na gumawa ng masama?! Simula nung... high school ako?!” Di makapaniwala niyang tanong.

Since kindergarten, my dear.” Then I smirked. 

So, totoo ka nga? Okay. Grabe, totoo pala talaga kayo? Eh bakit ka nga nagpakita sa akin?!” Kulit nito. I guess, kailangan kong sabihin ang full details.

Oo na sige na. Sasabihin ko na.” 

/Flashback/

Nakaupo lang ako sa isang couch dito sa underworld [hell]. Masayang nanunood ng TV na ang palabas ay ang mga taong gumagawa ng ‘di kaaya-ayang mga Gawain. Kasalanan kumbaga  nang bigla na lang akong tabihan ni Bossing [Satanas]. 

Oh boss! Tignan mo ‘tong mga ‘to oh. Ang hahayup! Pakingshet!” Sabi ko. May katabi rin pala akong mga chickababes. Mga masasarap at sexy :D

My Guardian is Fresh From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon