☺ Chapter 23 ☺

812 20 1
                                    

--- Alexis POV ---

Tapos na ang Chapter 1-4 and now, here we are. Gagawin na ang Chapter 5 kung saan yayakapin dapat ako ni Brent... Shemay, kinikilig ako tuwing naa-alala iyon! Kaya wala nang patumpik-tumpik pa, aayusin ko na ang pag-aacting ko! Tsaka malay niyo, matuklasan pa nila ang miss universe na ako? Edi naging sikat pa ako... WORLDWIDE! ^_^Y

"Hoy, ayusin mo na ang pag-aacting mo huh?! Tingnan mo kung anong oras na!" Saad saakin ni Bryan. Tiningnan ko naman kaagad ang wall clock sa living room at doon ko napagtanto na mag-gagabe na pala.

Nagpakawala naman ako kaagad ng isang malalim na hininga tsaka tumango, sign of a 'Oo'. Paano ba iyan? Malapit na kaming umuwi?! Hindi naman ako pwedeng magpalipas nalang ng gabe dito dahil wala naman akong uniform na dala diba? Tapos... ayoko rin namang matulog doon sa guess room! Remember, the HIV thingy? Err, ayaw kong mahawa nun no!

"Oh, very good! Bilis doon ka na!" Sigaw saakin ni Bryan tsaka tinuro ang shower. 

Oo, tama kayo! Sa shower ang setting namin ngayon! Eh, problema ko ba na may scene pala doon na umuulan? Wala rin naman kasing ulan kaya kailangang gumawa ng paraan!

Si Candince ang nakapag-isip nitong idea na sa shower nalang gawin ang scene since wala naman daw kasing ulan, kaya pinag-sang-ayunan nalamang namin. Pwede rin naman kasi yung idea niya, lalo na kung yung paligid ay may wallpaper ng city, para mas lalong mag mukha realistic! Oh, ako na ang nag-request sakanila nung wallpaper na iyon, syempre matalino ang miss universe na ako eh! ^__^Y. 

Tapos sa scene na iyon ay kailangan ko daw mag-kunwaring tumatakbo pero hindi umaalis sa posisyon kaya gagalaw-galaw nalang ako or pwede rin namang mag-jogging? Hindi naman mahahalata na nag jo-jogging lang ako dahil na rin sa nakatutok lang saakin ang camera!Haist... Sana maging successful ang lahat!

Pag-kapasok na pagkapasok ko sa bathroom ay doon ako sinalubong ng wallpaper city. Oo, binalutan na kasi kanina ni Bryan ang bawat dingding dito sa bathroom, oh diba? Ang sipag talaga ng best friend ko! Samantalang yung CRUSH ko, ay napaka tamad! MAS TAMAD PA SA PINAKA TAMAD! 

Tumapat na ako doon sa tapat ng shower at hinihintay na sabihin ni Wendy ang action. Or should i say ang 'go sign' niya.

"And... ACTION!" Sigaw ni Wendy saka na ako nag-simulang mag acting. Nakita kong inilapit pa saakin lalo ang camera kaya tumakbo na ako ng tumakbo habang hindi umaalis sa kinatatayuan ko.

I don't care if magmukha pa akong tanga dito na tumatakbo pero wala namang nararating. Aba aber, mamaya may mararating na ako dito! Alam niyo kung ano iyon?! Yung yakap ni Brent.... ^____^

"And... CUT!" Sigaw dito ni Wendy na naging dahilan upang patayin na nila ang shower. Haist, buti nalang hindi ako nadulas ano? Aba, kawawa ang mundo kapag nawala ang isang magandang katulad ko! Lalo na ang Philippines dahil mawawalan sila ng isang Miss Universe na makakapagpataob sa lahat ng kagandahan worldwide!

"Parang may inspiration ang loka huh?! Himala walang ulit!" Saad saakin ni Wendy na nasa gilid ko na pala. Ayy, hindi ko napansin na nandito na pala siya? 

Pero teka... anong sabi niya? INSPIRATION? Aba, sino naman? Hindi ba pwedeng excited na akong umuwi? Kanina kasi puro ulit kami, naka-abot pa nga kami ng take 10 dahil sa akin eh :3... Pero ngayon? Ayan walang ka ulit-ulit! Pero, bakit ko nga ba ikaka-ila na may Inspiration ako? Aish, diba wala naman talaga? Diba may hinihintay lang ako? Yung... yakap niya?! Aish, NEVERMIND!

"Ano? Inspiration? Sino naman?!" Sigaw ko sa babaeng kaharap ko na ngayon. 

Sino ba naman kasi ang magiging inspiration ko? Diba, excited lang ako sa yakap niya't pag-uwi ko?! THAT's it! Masyado naman kasi silang OA eh or si Wendy lang ang OA??? :3

MR. ANTIPATIKO (COMPLETED)Where stories live. Discover now