Kabanata 5

777K 25.1K 15.2K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 5

Gusto ko pa sanang tanungin si Ate Jas kung sino ba si Saint at dapat ko siyang makilala pero hindi ko na natuloy dahil nakasalubong namin iyong prof ko. First day of class pa lang naman pero inalam ko na 'yung mga magiging professor ko. Mabuti na lang at kahit hindi maganda ang simula ng araw ko, mukhang may pag-asa pa rin naman na maging maayos.

Pumunta na ako sa classroom at tahimik na nakinig sa mga sinabi nung professor. Sayang at absent si Kath and Liza kaya wala akong katabi ngayon. Nasa Paris pa kasi si Kath habang si Liza, nasa US kasama ang family niya. 'Di bale, next week naman nandito na sila. Kaya ko naman na mag-isa muna ngayon. Ayoko kasing sumabay masyado kila Kuya dahil panigurado, makikita ko na naman si Parker.

Hay, ano ba 'yan. Ayoko muna talaga isipin si Parker. Ayoko muna malungkot ulit.

Natapos na iyong klase at may break ako. Naisipan ko na sa library na lang pumunta dahil wala rin naman akong choice. Wala akong ganang kumain ngayon at ayokong i-risk na makasalubong si Parker at Cindy, if ever.

Mabuti na lang din at binigay na nung prof sa amin 'yung syllabus. Susubukan ko na lang hanapin iyong mga meron sa library at iyong mga wala, bibilhin ko na lang sa bookstore. Gusto ko kasing mag-advance reading. Kahit palaging sinasabi ni Kuya na GC ako, okay lang. Naisip ko kasi na maraming tao na gustong mag-aral pero hindi nila magawa dahil kulang sila sa pera habang ako, maswerte dahil nakakapag-aral ako. Kaya imbes na sayangin ko 'yung chance, e 'di mag-aaral na lang ako ng mabuti. At isa pa, wala naman akong ginagawa bukod sa pag-aaral at pagpipicture o paint kaya wala rin akong choice.

Papunta na ako sa library kaya dapat talaga akong dumaan sa field. Huminga ako nang malalim at hinawakan ng mabuti iyong bag ko para humugot ng lakas. Hindi ko naman siguro makakasalubong si Parker. Mababa naman siguro iyong statistical probability na—

Oh, no.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko nung makita ko si Parker. Pinagpapawisan pa siya at nakakunot ang noo niya.

"Why weren't you answering my calls?" tanong niya. Kalmado siya pero ramdam ko na naiinis siya sa akin.

Tumungo ako at saka tinignan iyong sapatos ko dahil para akong aatakihin sa puso sa mga titig niya.

"Nasa class ako kanina," mahinang sagot ko. "Ah-ano, pupunta kasi ako sa—"

Pero hindi ako natapos sa sasabihin ko dahil tinanong niya na sa akin iyong tanong na gusto kong iwasan. Dahil ano naman ang sasabihin ko? Na iniwanan ko sila kanina dahil hindi ko na kaya na makita silang masaya ni Cindy? Na kasi ayokong makita niya ako na umiiyak na naman dahil sa kanya?

Kahit ano ang isagot ko, alam ko na magagalit na naman siya sa akin... Para naman kasing ganoon lang kadali burahin 'yung nararamdaman ko.

"You know Saint?" tanong niya sa akin. Sobrang nakatitig siya sa akin kaya pakiramdam ko bigla na lang akong mapapaupo anumang segundo.

At sino ba talaga si Saint?! Kanina pa siya tinatanong sa akin!

Hindi ako agad nakasagod dahil una, hindi ko naman kilala si Saint. Pangalawa, hindi ko pwedeng sabihin an Uber driver ko siya dahil malalaman ni Parker na naghanap pa talaga ako ng sasakyan para maiwasan siya. Ayoko na ipaliwanag iyong sarili ko dahil mauungkat na naman 'yung issue niya sa feelings ko...

Kaya tumango na lang ako.

"How?" tanong niya ulit.

Kumurap-kurap ako habang siya, pakunot nang pakunot ang noo.

"C-church mate." Bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"Church mate?"

Tumango ako. Hindi mahilig magsimba si Parker kaya hindi niya kilala iyong mga nakakasabay ko sa simbahan. Sorry po talaga, Lord! Hindi naman talaga ako mahilig magsinungaling pero pagdating kay Parker, naiiba talaga ako. At saka Saint naman ang pangalan niya... pakiramdam ko naman pareho kaming religious at faithful kay Lord.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now