Chapter 4

150K 1.3K 72
                                    

CHAPTER 4

Pagkatapos ng huling klase ay nagpaalam na ko at humiwalay. I have to start my plan today. Susundan ko sya at aalamin kung anong ginagawa at kung nasaan sya pagkatapos ng kanyang mga klase. Kapag alam ko na ang kanyang mga pinagkakaabalahan at ang mga bagay na interesante para sakanya ay paniguradong makakaisip na ako ng dahilan para malapitan sya at makausap.

I've researched his schedule and we almost have the same schedule except Thursday. Magkaroon man ng diperensya ay pinakamatagal na ang tatlumpung minuto. Kaya ko na iyon tyagain at maghintay hanggang sa matapos ang kanyang klase. Sa mga araw naman na sya ang mauunang matatapos sa mga klase ay magbabaka sakali na lamang ako na sya ay nagbabasketball practice.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko syang kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagtago ako at pinanood ang pag uusap usap nila. Nagtatawanan ang kanyang mga kasama at sya naman ay nakangiti. Hindi ko maiwasang titigan ang kanyang mukha habang nakangiti at parang walang winasak na puso kung titignan mo lang mula sa malayo. Ang gwapo nyang tignan. Pinilig ko ang akong ulo upang mahinto ang kung anumang nakakapangilabot na pumapasok sa isip ko. Dahan dahan akong sumunod sa kanilang paglalakad.

Sumakay sila ay agad akong pumara ng taxi at pinsundan sila. Himinto sila sa 54th Street, isang kilalang restobar. Boys.

Pagpasok ko ay nakaupo na sila at malakas na nagtatawanan. Pumwesto ako malapit sakanila para maayos na marinig ang kanilang pinag uusapan.

"Halos makita ko na ang ugat sa ulo ni Sir!" Tawang tawa ang isa sakanila sa sariling sinabi.

Halos mapatalon ako nang biglang nag ring ang aking cellphone.

Kahit alam kong walang makakapansin sa pagtunog ng cellphone ko sa ingay nila ay pakiramdam ko maririnig nila dahil sa guilt mula sa pakikinig sa kanilang usapan.

Si Maj. "What?" pabulong kong singhal nang sagutin ko ang tawag nya.

Tumawa sya. "Rude! Where are you?" Naririnig ko pang bumubulonng si Liz sa kabilang linya.

"Library. Why?" sa panic ay sinabi ko kung anong unang pumasok sa isip ko. Napapikit ako sa nasagot ko sakanya.

Halos makita ko na ang pagtaas ng kanyang kilay sa aking nakakatangang sagot.

"Pakisabi kung saang library yan Lei at hinding hindi ako pupunta dyan para magbasa at mag aral," masungit nyang sagot. "Let's hang out. Tara chill tayo."

"I'm busy. Next time, Maj." Kahit kausap si Maj ay nanatili ang aking titig kay Kurt. Paminsan minsan ay ngumingiti sya sa biruan ng mga kasama.

Umingay sa kabilang linya. "Why are you so obsessed about Kurt? Come here!" nakakiritang boses ni Liz.

"I'm not obsessed!" Sa pagkakairita ay hindi ko napigilan ang paglakas ng boses.

Matik ang paglingon ko sa kabilang table at halos mag apoy ang aking pisngi sa init dahil sa pagkapahiya. Ilan sakanila ay napatingin sa akin. Isang sulyap at agad nag iwas ng tingin ang walang pakialam na si Kurt.

"I'm hanging up!" singhal ko at agad nang ibinaba.

Nagmamadali akong tumayo at nagpunta sa washroom. Nakakahiya. Tinitigan ko ang mukha kong hanggang ngayon ay namumula pa sa kahihiyan. Ilang minuto pa akong nag stay at ng mahimasmasan ay malalim akong huminga bago tuloy tuloy na lumabas.

Malayo pa lang ay napansin kong wala si Kurt sa kanyang inuupuan. Hinanap ko sya sa buong area at hindi ko sya nakita. Kapag minamalas ka nga naman. Mukhang umuwi na sya habang nagpapalipas ako ng pagkapahiya.

Mr. COLD (the heartbreaker)Where stories live. Discover now