Chapter 9

67 2 0
                                    

Chapter 9

Kaming dalawa lang ni Athena yung naiwan sa loob ng dorm.

Na bobored ako. So nagtanong ako.

"Athena, ganyan ba talaga yan?" tinanong ko sa kanya, curious ako kasi parang pa iba iba yung ugali niya.

"Mabait si Haruhi, kaya pagkatapos ng plano mo pakawalan mo na siya."

o_________O

Alam ni Athena?!

"Oo, wag kang mag-alala I will leave her with no harm done.. pero Athena curious ako, magkwento ka nga sa akin tungkol kay Haruhi.."

Napabuntong hininga siya..

"Si Haruhi, sixteen years old na yan, pero ang utak niyan pang-twelve years old lang.."

"What do you mean? Eh diba honor student yan?!" nagulat ako ng lumabas sa bibig niya yan.

"Let me finish first kasi!" sigaw niya,

"Oo,sige."

"Malayo, yung utak niya sa realidad, currently she is living in the anime world. Mahilig mag-laro ng mga online games, yung tipong pang-lalaki. Sa totoo lang, tamad siyang mag-aral, sa tana ng buhay ko ng magkasama kami dito sa kwarto na 'to kahit kailan, hindi ko pa siya nakitang nagbubuklat ng libro maliban dun.." may tinuro siyang maliit na shelf, mga limang libro lang yung nandun.

"Manga?"

"Oo, yan pa lang ang nakita kng librong binubuklat niya. Introvert si Haruhi, hindi lang siya basta mahiyain, sa tingin niya, kapag may kasama siyang mga tao maliban sa akin, nadra-drain yung energy nya, pero kapag mag-isa lang siya, dun siya mas nagiging enegized. She prefer being alone, than being sorrounded by people."

Hahaha. Introvert! I wanna know more about her..

"Mahilig siya sa matatamis, walang pinapatawad yan, kahit mismong asukal papakin nyan. Mahilig siyang kumain ng kumain."

Pero bakit ang payat niya pa rin? lol!

"Eh, pano pagkatapos niyong umuwi galing sa school?"

"Its either magbabasa ng manga sa laptop ko, manonood ng anime sa tv o di kaya mag-lalaro, gaya ng inabutan mo kanina.."

"You mean walang aral, aral?"

"Ewan ko ba sa utak niyan, siguro nung nagpasabog yung diyos ng mga biyaya, nadamput niya yata lahat.."

"Kahit kailan, hindi mo pa nakikitang mag-aral yan? Eh, pano kung nag-aral pa yan lalo?"

"Imposible. Sabi ko nga sayo introvert yan. Kung hindi lang talaga pag-aaral ang bumubuhay dyan, hindi talaga mag-aaral yan.. grabe din mangatwiran yan, tagos hanggang buto.. nawawalang anak yata yan ni einstein eh."

"Mangatwiran? Pano?"

"Tsss.. kagaya nung sinabihan ko siyang tanga nun, kasi wala lang, titignan ko lang kung ano yung i-rereact niya."

"Alam mo kung anung sagot sa akin?"

"Bakit? Anu ba? At parang bilib na bilib ka?"

"Simple lang, ang sabi niya sa akin, "Athena, hindi ako tanga. Tinatamad lang talaga akong, ipakita sayo kung gaano ako katalino.."

"It means.. talagang tamad lang siyang mag-aral?"

"Oo, alam niya mismo sa sarili niya, na marunong siya, pero ang ginagawa niya, nag-papakatanga siya, di ba ang weird?! Dahil kung ako ang may-ari ng utak niya hindi ko papalagpasin na mag-aral.."

"Tss.. wag kang mag-alala pagsasabihan ko yan."

"At Ethan?" Napalingon ako bigla sa kanya nung tinawag yung pangalan ko.

"Kahit, ganyan yan. Mabait yan..." nag-pahabol pa siya, sa unang tingin pa lang naman, alam ko na mabait siya.. maamo yung mukha at inosente pa.

"Mahilig pala siya sa kahit na anong sweets.. hindi pa nakakainom ng alak yan, hanggang chuckie lang yan." Isa pang paalam niya, halata naman, kasi mukhang isip-bata.

"Pero, Athena, anu bang nangyari sa mga magulang niya?" I'm curious kaya ako nagtatanong ng mga bagay bagay tungkol sa kanya.

"Mukha ka namang may concern sa kanya, ang alam ko lang lumaki siya sa ampunan, nung naging roomate ko siya, lagi niya ako pinapasaya, sa tuwing nakikita ko siya, natutuwa ko, kapatid na bunso ang turing ko dyan.. ang sarap nga ng piling ng maging ate, lalo na kapag ganyan yung kapatid mo.."

"Wag kang mag-alala Athena, napag usapan na namin ni Haruhi ng maayos 'to, as soon as na makuha ko na yung gusto ko papakawalan ko na siya." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun.. bigla na lang lumabas sa bibig ko yun.

"Atheeeeeeena!! Yung ice cream anditoooo na!" may sumigaw na babae galing sa labas.

Si Haruhi dumating na pala, may dalang ice cream, kung ano siya nung naabutan ko, yon siya nung lumabas.

"Anung flavor yang binili mo?"  tanong ni Athena kay Haruhi habang inaayos na yung ice cream.

"Eh, di chocolaateee! Masarap kaya yan!"  parang batang tuwang, na ngayon lang nakakain ng ice cream.

"Aki oh, marami yung nilagay dyan ni Athena, dapat ubusin mo yan!" inalok niya sa akin yung baso na may lamang ice cream, binalik nya yung sukli. tapos siya, bumalik ulit sa trono niya.

Saan pa?

Eh di dun sa tapat ng tv. At mukhang busy na busy talaga.

"Anung oras na ba?" tinanong ko, gusto kong ipasyal pa yung paslit. Atsaka ihahanda ko na rin siya para sa date namin kasama si Rikka.

"Mag-sisix pa lang bakit Ethan?" sabi ni Athena habang tumingin sa relos niya. Ang aga ko palang pumunta dito.

"Hoi. Haru, mag-ayos ka! May pupuntahan tayo!"  sinigawan ko siya, sana hindi ako narinig ng mga tao sa labas ng dorm.

"Ayoko ko nga. Di mo ba nakikita na may ginagawa ako dito?" lumingon siya sa akin, tapos sabay belat, na nakakunot yung noo. Aaminin ko she looks adorable, bagay sa kanya yung maging bata. Pero hindi ko siya type. Cased closed.

"Ililibre kita ng cake mamaya, tapos anu pa bang gusto mong chocolate?" tinitry kong gawin yung sinabi ni Athena kanina.

"San ba tayo pupunta?!" nagulat ako nung bigla niyang tinanong yun, kanina parang wala siyang balak sumama sa akin tapos ngayon.

"Basta! Tumayo ka dyan at mag-ayos na.." utos ko sa kanya, lumingon siya sa akin tapos nakakunot ulit yung noo niya. Her cuteness is over 9000! Tss.. anu ba tong sinasabi ko.

"Ayoko ng basta! Gusto ko yung sigurado!" Bumalik ulit yung lingon nya, sa nilalaro niya.

"Sa chocolate factory tayo, pupunta! Kaya magbihis ka na pwede? Athena ikaw na nga mag-asikaso dyan sa kapatid mo, bihisan mo ng kahit na anong damit. Kung gusto mo, sumama ka na din. Antayin ko na lang kayo sa labas."

Our Let It BeWhere stories live. Discover now