Chapter 22 : Start of His Good Deeds

1.9K 25 1
                                    

Chapter 22

Start of His Good Deeds

Ilang weeks na rin ang nakalipas simula nung may nangyari sa kanila ni Lorraine. Kahit paano ay tinutupad naman ni Vincent ang pangako niya kay Lorraine na magbabago na siya kaya naman hindi na siya lumalabas pa sa condo niya para naman hindi na siya ma tempt pa. Kapag friday  at saturday naman pumupunta si Lorraine sa condo niya para dalhan ito ng pagkain, makipag kwentuhan at makipag kulitan tungkol sa nangyayari sa kanya sa school Tinuturuan rin siya ni  Lorraine ng mga lessons sa school kaya kahit hindi na siya pumapasok ay may natutunan pa rin siya.

Andito ngayon sa condo niya si Lorraine at nag-aaral sa isang subject na nahihirapan siya habang  nakatunganga lang si Vincent kakapanuod ng TV.  Hanggang sa hindi na niya nakayanan ang boredom at lumapit na siya kay Lorraine para  tulungan ito sa assignment nito. Pagkatapos ng ilang minutes ay nakuha na rin ni Lorraine ang kanina pa niyang pino problemang assignment. Pumunta naman sa kusina si Vincent para uminom ng juice, nauhaw kasi ito kaka explain ng solution sa kanya.

"Alam mo Vincent, pumasok ka na kasi sa school, mas marami kang magagawa at matututunan dun. Tapos, likas ka naman palang matalino eh."

"Tss. Sinabi mo na diba?!? Matalino ako kaya hindi ko na kailangan mag-aral. Nag-aaral lang naman ako para makahanap ng biktima noon eh, pero ngayong hadlang ka sa mga plano ko, wala ng saysay pa sa akin ang mag-aral." Napailing na lang si Lorraine sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang talas ng dila niyang makapagsalita.

"Kaya nagmumukmok ka rito?!? Kung tulungan mo kaya ang daddy mo na magpatakbo ng kumpanya ninyo para may maitulong ka rin ano?!?"

"Ayoko. Bahala siyang magdusa at maghirap sa pangalang inaalagaan niya." Napailing na lang si Lorraine sa sinabi niya, oo nga at kahit papaano ay may nagbago na kay Vincent, pero ang layo-layo pa rin nito. Wala na siyang nabibiktima ngayon, palagi na lang siya sa condo at gumagawa ng kung anu-ano para malibang ang sarili, hindi na rin siya masyadong umiinom, pero hindi pa rin siya mapigilan ni Lorraine minsan dahil nagiging seryoso na ito.

At alam ni Lorraine kung kailan hindi na niya kayang kontrolin pa si Vincent.

Bigla-bigla, may nahulog na isang note sa notebook ni Lorraine.

Lorraine,

Huwag mo sanang kalimutan ang pagdalaw mo rito ngayong Friday, miss na miss ka na nila.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Lorraine at nakalimutan niya ang mahalagang event na ito. Sabado na ngayon at nakalimutan niyang dumalaw noon. Nagui guilty siya sa pagkalimot nun pero agad  ring nawala iyon ng may maisip siyang isang magandang idea.

TING!

Agad siyang pumunta kay Vincent at biglang tinap ang likod niya. Nagulat naman siya sa ginawa niya kaya naibuga nito ang iniinom na tubig.

"Fuck. Ano bang ginagawa mo?!?"

"Tss. Ayan ka na naman eh. Stop cussing."

"Kung bakit kasi nangbibigla ka eh."

"Eh kasi - -- gusto kong magpasama sayo!"

"Saan naman?!? Tss, one of your God deeds na naman!??"

"Ang sama naman nito! Ay basta, isa ito sa mga paraan para mapabago kita. Tsaka, nabo bored ka na rito sa bahay diba?!?"

"Tss. Saan naman tayo pupunta?!?" Ngumiti naman si Lorraine sa sinabi niya.

"Ako ang bahala."

The Jerk Meets Ms. Conservative - - Completed.Where stories live. Discover now