3.0-What's wrong?

8 1 0
                                    


"Oh panyo." Dahil dun napatingin ako sa nag abot ng panyo.

"A-andrei." Banggit ko sa pangalan nya. Then inabot ko yung panyo.

"Bakit umiiyak ka? What's wrong?" Umupo sya sa tabi ko.

Umiiyak pala ko. Di ko napansin.

"Naalala ko lang Si Annica. And yung about sa nang yari sa school. Siguro alam mo na yun."

"Ahh. Yah. What about it? Yung Kay Annica alam ko na. Pero yung nang yari kanina... Alam ko di mo iiyakan yun."

"No. Not exactly that. Si dad kasi..."

*flashback*

"Andrea!"

"Dad...?" Shtttt! Eto na!!!!

"Ano tong nabalitaan ko Kay Mrs. Harrison? Nakipag away ka daw!? And you're suspended!"

"Dad! Si Williams ang nag umpisa!" Explain ko Kay dad.

"I don't care kung sino nag umpisa! Sigurado ako kung nabubuhay pa ang kakambal mo hindi ganyan ang gagawin nya!"

"Pero wala na sya dad! Bajit ba lagi na lang sya! Ako yung nandito dad!"

"Ikaw nga ang nandito! Pero puro sakit sa ulo ang binibigay mo! Kung si Annica lang sana ang nandito I'm sure napakasaya ng buhay ko. At siguro magkasama pa kami ng mom mo!"

"Ganun ba ang gusto mo dad? Ang ako na lang ang namatay?"

"Bahala ka Andrea! Marami pa kong aasikasuhin. May problem a pa ang kumpanya."

"Whatever dad! Wala ka namang inisip kundi yang pera at kumpanya mo!!"

*plaaaaack*

*end of flashback*

"Tahan na. Andrea." Sabi nya habang yakap ako.

"Andrei. Bakit ganun? Kahit si mom mas gusto si Annica. I mean hindi sa nagagalit ako kay Annica. Pero bakit sya na lang lagi? Wala na nga sya dito pero sya ang hinahanap. Bakit parang hindi naman ako mahal ng parents ko. O kahit na sino."

Oo, maikli lang ang usapan namin. Pero lahat ng sinabi ni Dad ang sakit. Lahat yun nakakapanlumo. Nakakadurog ng puso.

"Andrea. Hindi yan totoo. Marami nagmamahal sayo. You just don't see it yet."

Siguro tama nga sya. Maybe kailangan ko lang buksan ang mga Mata ko para makita ko yung mga nag mamahal sakin.

Pero bakit sya? Bakit sya lumayo sakin? Lalo na nung panahon na kailangan ko ng kaibigang masasandalan?

"Andrei...?"

"Hmm?"

"Bakit iniwan mo ko noon? Bakit nilayuan mo ko matapos maghiwalay ng parents ko?

"Andrea. Mahabang storya. Pero kung bukas pa ang pinto mo para sakin. Andito na ulit ako."

"Andrei? Hindi kita maintindihan." Bigla ako napatigil sa pag iyak.

"Andrea. Nagsisisi ako na iniwan kita sa mga panahon na kailangan mo ko andrea. Natakot ako na baka mahulog ang loob ko sayo."

"Andrei? A-ano ba sinasabi mo?"

"Andrea. Matagal na kitang gusto. Pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Andrea. Pwede ba kitang ligawan?"

"Cavelli! Hindi magandabg biro yan!" Napasigaw ako dahil na din sa gulat.

"Tss. I'm not joking. Gusto kita."

"O-okay. Ahhm uwi na ko."

One word. Speechless.

Speechless ang ateng nyo!!!

"Pumapayag ka?" O_O ^_^

"O-oo? Ewan! Uwi na ko!!!" Then naglakad na ko...

"O-oy teka! Hatid na kita!!"

•••••

Dumating kami sa harap ng bahay ng hindi naguusap.

Isang total silence. Pero hindi mo masasabing isang awkward silence yun.

"Ehem. Ah. Andrea. Pwede ba kitang tawaging Andre ulit?"

"Sige." ^_^

"Ahh. Thank you nga pala."

Thank you?? Pinagsasabi nito?

"Saan? Eh ako nga dapat mag thank you kasi kino comfort mo ko kanina."

"Ahhh basta!! Hehe!"

Ayy. Kaloka si koya...

Di ko namalayang lumapit sya sakin.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko then...

Hinalikan nya ko sa noo... Sabay takboooo..... >_<

"Bye Andre!!! Bukas ako mag susundo sayo ahhh?!"






A/N: OK! Okaaaaaayyyy!Sakit sa ulo!!! Anyways. Vote and comment naman po. I'll appreciate it. Thankyyyy! Mwahhhh!

Because Of You (Paused)Where stories live. Discover now