Just The Way You Areby: Camille BelmonteChapter 17

1.2K 33 1
                                    

  Chad and Carla danced sweetly at the dance floor. Masuyong niyakap ng binata ang dalaga habang ito naman ay gumanti din ng yakap at inihilig ang ulo sa balikat niya.

"I can't believe this is really happening. Nananaginip lang yata ako."nangingiti­ng sabi ni Chad sa dalaga.

"Gusto mong umbagin kita para malaman mong hindi 'to panaginip?"nata­tawang banta nito sa kanya.

"Whoa!"agad na sabi niya. "Oo na. Sige na. Hindi ito isang panaginip. Im really awake and dancing to the woman i love."

Namula ng husto ang pisngi nito sa sinabi niya. "Hindi rin naman ako makapaniwala sa mga nangyari. Napakabilis ng mga pangyayari."

Masuyong itinaas ni Chad ang mukha nito upang magtama ang kanilang mga paningin. "Yeah. But i want you to know that even things happened so fast, my feelings for you are real. At mas lalo kong pagpupursigehin­ na ipaglaban ka kay Papa. Now that i have, hinding-hindi ko na hahayaang mawala ka pa sakin. Noong umalis ka sa cafe gusto kitang habulin at sabihin sa'yong huwag ka na lang umalis pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong may usapan tayo. But i really can't get over you. You keep running into my mind. Kaya nga tuwing hapon, kapag uwian mo na, inaabangan kita sa may entrance ng hotel kung saan ka nagta-trabaho. In my car i would watch you as you go home. Araw-araw, may mga magagandang pagbabago sa pananamit at pagkilos mo. And i'm happy to see how beautiful you are. And you know what? I really can't help myself from falling for you."litanya ng binata na masuyong hinahaplos ang mukha ng dalaga.

Tila naman hinaplos ang puso ng dalaga sa mga ipinagtapat niya at niyakap siya ng mahigpit. "Ako din. Hinahanap hanap kita. Nasanay na ako sa presensya mo. Yung tipong seryoso ka at pormal at laging naka-angil sa'kin."napabun­gisngis pa ito ng maalala iyong panahon na masungit sa kanya ang binata. "Nakakamiss din pala ang mga iyon."

Natawa naman ang binata sa sinabi nito sa kanya. "I'm sorry for being rude to you before. Ayoko lang talaga ng niloloko ako. I know, nagbingi-bingih­an ako sa mga paliwanag mo and I'm really sorry for that."

"Okey lang yon. Wala na sa'kin iyon. Nakaraan na iyon na dapat na nating ibaon sa limot. Ang mahalaga ngayon ay ang kasalukuyan natin."nakangit­ing sabi ni Carla saka niyakap si Chad.

"Right. At ikaw ang kasalukuyan ko at ang aking future. Isama na dyan ang future wife."

Napatingin naman agad ang dalaga sa kanya upang tingnan kung seryoso ba siya sa sinabi nya. At nakita nga niya sa mga mata nito ang kaseryosohan. "F-Future wife ka dyan? Ang bilis naman. Nagmamadali ka yata."

Natawa naman siya. "Nagmamadali nga ako. Ang ganda kaya ng girlfriend ko. Baka mamaya may umagaw pa sa'yo,sa'kin,ma­hirap na."

"Ikaw talaga. Masyado pang mabilis para pag usapan natin ang ganyang bagay. Pinag-iisipan munang mabuti ang ganyang mga bagay."

"I know."sabi niya saka masuyong hinaplos-haplos­ ang buhok nito. "But I am sure to myself na ikaw ang babaeng gusto kong makasama habangbuhay. I know you are that person that is meant for me. Kung may mga bagay man tayong dapat pagtuunan ng pansin this coming week, yun ay ang tungkol sa mga wedding details natin."

"Wedding details?!"nanla­laki ang matang sabi ng dalaga.

"Yap."casual pa ring sabi ng binata. "I want us to get married soon. I don't want to lose this chance that we have. I want you to be my wife."

"Richard..."tan­ging nausal na lamang ni Carla. Hindi na niya kinontra ito dahil gayundin naman ang nararamdaman niya at nakikita niya ang excitement sa mata nito. Hindi na rin siya pumalag pa ng muli ay maglapat ang mga labi nila.

*****

The rest of the evening was filled with joy and laughter lalo pa't kasama ni Carla si Chad. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan at pagmamahal. It was a unforgettable night for her.

She was about to go to the restroom to retouch her make-up ng harangan siya ni Emily.

"Look what we've got here."nang uuyam ang ngiting sabi nito. "Hindi ko alam na marunong din palang makipag-party ang mga cheap na gaya mo? Let me guess, nirentahan mo lang yang suot mo ngayon ano?"saka ito humagalpak ng tawa.

Napailing-iling­ na lamang siya. Wala siyang panahong patulan ito lalo pa't mukha na itong lasing. Kaya minabuti na lamang niyang lagpasan ito.

Pero hindi pa siya nakakalayo ay marahas nitong hinawakan ang braso niya at hinila siya. "Hey! I'm still talking to you bitch so don't you turn your back on me!"

"Ano bang problema mo?"naiinis niyang sabi rito.

Pagak na natawa ito. "You know what my problem is? Ikaw! Ikaw ang dahilan kaya hindi natuloy ang kasal sana namin ni Chad. Kami ang dapat magsama ayon sa kagustuhan ng mga magulang namin! I want to have Chad. Pero ng dahil sa'yo nasira ang lahat ng iyon! "

Napabuga siya ng hangin at pinagsiklop ang mga braso. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Una sa lahat, hindi ko hawak ang puso at isip ni Chad kaya siya lamang ang makakapagdesisy­on para sa sarili niya. Kung tinalikuran man niya ang kasal ninyo at kung di ka man niya magawang magustuhan, siya ang nagdesisyon nun. Sarili nyang pasya un. Pangalawa, subukan mong tingnan ang sarili mo at nang malaman mo kung bakit ayaw nya sayo? Kung ako si Chad, hindi talaga kita pipiliin bilang asawa. You really are a spoiled brat na laging mataas ang tingin sa sarili. Napakamatapobre­ mo at walang paggalang sa kapwa. Mahal mo lang ang sarili mo. Oo mayaman ka nga pero hindi naman kaaya-aya ang ugali mo. Kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ayaw nya sa'yo."

Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinabi niya. "How dare you!!"saka siya nito akmang sasampalin.

Ngunit agad naman niyang naagapan ito at pinigilan gamit ang kanang kamay nya. "Subukan mo lang kung ayaw mong pumangit ang mukha mo."mabagsik na sabi niya.

Tila tinablan naman ito ng takot at marahas na binawi ang kamay. "Di pa tayo tapos."sabi pa nito saka siya mabilis na iniwan.

Siya naman ay napailing-iling­. Hindi na talaga siya titigilan ng babaeng iyon. Minabuti na lamang niyang bumalik sa pwesto nila ni Chad.

"What's wrong?"kunut-no­ong tanong ni Chad ng makabalik siya at umupo sa tabi nito. Hinaplos haplos pa nito ang mukha niya.

Umiling sya. "Wala. Hinarang lang ako ni Emily kanina."

"What?!"gulat nitong sabi. "May ginawa ba siyang masama sa iyo?"

"Wala. Alam mo namang hindi ko hahayaang gawin nya sa'kin iyon."

Napabuntung-hin­inga ito."Kailan ba tayo titigilan ng babaeng iyon?"

Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at pinisil-pisil ito. "Hayaan mo na,magsasawa din sya. Ang mabuti pa, ihatid mo na ako. It's getting late."

Kumibot-kibot naman ang labi nito. "Hindi ba pwedeng doon ka na muna matulog sa condo? Gusto kitang kayakap sa pagtulog."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. "C-Chad!"

"Sige na. Ituloy natin ung plano ko na maging yaya ko. Alagaan mo ako kahit isang araw lang."pilyong sabi niya.

"Richard!"gilal­as na sabi niya saka niya ito gigil na pinagsusuntok sa braso.

Maririnig mo tuloy sa kabilang mesa ang natatawa na nasasaktang pakiusap ni Chad para tumigil sa ginagawa ang dalaga.

ITUTULOY.....  

Just The Way You AreBy Camille Belmonte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon