01

263 28 18
                                    

General

Maagang nagising at nagprepara si Karylle para sa eskwela. First day of school kasi nila ngayon, at ngayon rin ang unang araw ng huling taon niya bilang isang high school student.

Habang nag-aayos ng sarili ay iniisip niya kung anong posibleng mangyari sa taong ito. May bago kaya silang kaklase? May makikilala kaya siyang bagong kaibigan? May makakaalitan kaya siya sa eskwelahan? Ilan kayang mga parangal ang matatanggap niya sa school year na ito? Titigil na kaya ang mga kaklase niya sa pangongopya sa kanya tuwing may pagsusulit?

Pagkatapos ihanda ang sarili ay bumaba na siya upang mag-almusal. Mag-isa lang siyang kumakain dahil palagi namang wala ang kanyang ina sa bahay. Madalang nga lang silang magkita kahit na nakatira sa iisang bahay dahil maagang umaalis ang kanyang ina upang pumasok sa kompanyang pinapasukan nito, at dis oras na din ng gabi kung dumating.

Pagkatapos mag-almusal ay umalis na siya ng bahay upang pumasok sa eskwelahan.

-

"Sis! Oh my gosh, I missed you!" pambungad bati sa kanya ng kaibigan niyang si Anne.

"ANA KAREL! NAMISS KITA NG SOBRA!" makabasag pinggang namang bati ng kaibigan niyang si Marian.

Nagyakapan naman ang tatlong magkakaibigan. Kung susumahin ay sa tatlumpung kaklase niya ay halos ang dalawang kaibigan lang ang lagi niyang kausap. Likas na mahiyain kasi ang dalaga. Para sa kanya ay sobrang swerte niya na ngang may dalawang taong nagtiyatiyaga sa mga kawirduhan niya. Ang madalas niyang kasangga sa mga trip sa buhay ay ang kaibigan niyang si Marian. Palagi naman niyang takbuhan at pinagsasabihan ng problema ang kaibigan niyang si Anne.

Nagpagpasyahan ng tatlong magtabi-tabi ng upuan sa dulo ng silid. Sa una ay ayaw pang pumayag ni Karylle dahil mas makakapagfocus daw sila kung sa unahan sila. Ngunit umapela naman si Marian na sinabing first day naman daw ng klase kaya okay lang kahit hindi muna sila makinig sa mga guro. Sinang-ayunan naman ito ni Anne at sinabing marami rin daw silang pagkwekwentuhan tungkol sa naganap sa bawat isa noong summer vacation.

Lumipas na ang dalawang asignatura nila ay hindi parin natitinag ang tatlo sa pagkwekwentuhan, lalong-lalo na si Anne at si Marian. Bagamat sumasali sa kwentuhan ay bahagya ring nakikinig si Karylle sa sinasabi ng kanilang mga guro.

"Grabe mars, nanghihinayang nga ako ng sobra kasi hindi ako nakapagpapicture kay Marlou." malungkot na saad ni Marian at paang iiyak na.

"Seryoso ka ba? Maiintindihan ko pa kung kay Justin Bieber eh." ani Anne.

"Pero mars, siya ang Justin Bieber ng buhay ko." depensa ni Marian.

Natawa na lang si Karylle sa dalawang kaibigan. Maya-maya pa'y pumasok na ang guro nila para sa English subject.

"Good morning class, I'm Mr. Yael Yuzon. Just call me Sir Yuzon, and I will be your english teacher for this school year." masiglang bati ng kanilang guro.

Nagsitayuan naman silang lahat upang batiin ang kanilang guro.

"Good morning, Sir Yuzon!"

Nagsipag-upo naman ang lahat pagkatapos bumati.

"So, I know this is too early pero-" Nagsimula ng magsalita ang kanilang guro ng may biglang isang estudyante ang dire-diretsong pumasok na tamad na naglalakad at pupungas-pungas pa.

"Well, good morning to you too, Mr.?" may otoridad na bati ng guro sa nabanggit na estudyante.

"Jose Marie Viceral." tugon ng estudyante.

"Good morning, Mr. Viceral. Why are you late?"

"Traffic sir eh." payak na sagot ng estudyante.

"I'll let this pass, and besides hindi ka naman sobrang late. Take your seat. I think there's a chair available beside Ms.?" tanong ng guro na nakatingin kay Karylle.

"Uhm, Tatlonghari po, sir." nakayuko at nahihiyang tugon ni Karylle."

"Okay, beside Ms. Tatlonghari."

Tumingin naman si ang binata kay Karylle na nakayuko parin. Inilapag naman ng binata ang kanyang bag at umupo na.

"Okay, as I was saying earlier, alam kong masyado pang maaga dahil first day pa lang pero ngayon na magsisimula ang long-term assignment niyo." saad ng guro.

Sari-saring reaksyon ng mga estudyante ang pumuno sa buong silid. May mga nagulat, nainis, natuwa, nairita, naexcite, may tinamad bigla, at may mga walang pake.

"Don't worry, hindi 'to mahirap. This long-term assignment will also serve as your project. So, pinartner-partner ko na kayo and the task is so easy. Susulatan niyo lang yung partner na na-assign sa inyo. Magsusulatan kayo, anything that you want to say or confess, you will write it on your letter. Kahit anong gusto niyong ikwento, you can write it on your letter. I promise I won't read any letter kaya you're safe. But here's the thing, only I will know who your partner is, hindi niyo alam kung sino ang partner niyo." nakangiting saad ng guro.

Ang kaninang mga nakabusangot ang mukha ay biglang napangiti. Halos lahat ay naeexcite ng simulan ang assignment, bukod sa isang estudyanteng nagngangalang, Jose Marie B. Viceral. Tila walang pakialam ang binata at walang planong gawin ang assignment/project na ibinigay ng guro.

"Sana pogi makapartner ko." kinikilig na saad ni Marian.

"Kaloka ka, hindi naman pictures ang ibibigay niyo sa isa't-isa. Letters teh, LETTERS." ani Anne.

Kinakabahan naman si Karylle dahil bagamat sa pamamagitan ng pagsulat lamang siya makikipag-usap ay hindi niya maiwasang mangamba. Mangamba na baka mairita at mawirduhan sa kanya ang hindi kilalang kapareho/kapareha. Pero may namumuong saya at pag-asa dahil baka ito na rin ang pagkakataon niya para makakilala ng bagong kaibigan.

"Every Monday ipapasa niyo sa akin lahat ng letters niyo. Ilalagay niyo yung letter niyo for the week sa kanya-kanyang envelope. A short brown envelope with your full name written on the upper left corner para maidentify ko kung kaninong letter 'yon at kung para kanino. And of course, yung letter lang ang ibibigay ko, hindi kasama yung envelopes niyo para hindi kayo maidentify. Bukod sa brown envelope, ilalagay niyo muna yung letter sa white envelope bago niyo ilagay sa bigger envelope, white envelope lang, walang gagamit ng ibang kulay. I know Tuesday bukas pero bukas niyo ipapasa ang letter niyo for this week. Then by next week, Monday na talaga ang submission. Is that clear?"

"Yes sir!" tugon ng mga estudyante.

"No!" sigaw naman ni Marian kaya napatingin sa kanya ang guro.

"Charot lang, sir." dugtong ni Marian. Natawa naman sa kanya ang guro.

"So that's it for today, I'll see you tomorrow. Keep yourselves anonymous." paalam ni Mr. Yuzon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LettersWhere stories live. Discover now