Kabanata 7

194 9 0
                                    

Humakbang na siya palapit sa akin. Nakita kong sa bawat hakbang niya ay may dugo ang mga bakas ng paa niya sa sahig.

"Wag kang lalapit sa akin."

Tuloy tuloy lang siya sa paglakad habang pabilis naman ng pabilis ang pagtalbog ng bola niya.

"Kuya laro tayo...." umaalingaw-ngaw sa pandinig ko ang boses niya. Paulit-ulit niya itong binabanggit sa akin.

"Tumigil ka na!!!!" sabi ko habang nakatakip ang mga palad ko sa magkabilang tenga ko.

Hahawakan na sana ako ng bata ng biglang siyang sumabog na parang tubig ng dugo.

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakatakip ng palad ko sa tenga ko.

Huminga ako ng malalim.

"Panaginip lang 'to panigurado!" Sinampal ko ang sarili ko ng maraming beses. Hanggang sa mapatunayan kong totoo ang lahat.

Bumalik ako sa kusina nakita kong nasunog na ang niluluto kong ulam kaya pinatay ko ang apoy. Lumapit ako sa lababo para maghilamos ng mukha.

"James guni-guni lang lahat ng nakita mo." Pagkukumbinsi ko sa aking sarili.

Pinilit kong kalimutan at pakalmahin ang sarili ko sa mga nangyari dahil kung magpapadala ako sa takot mas lalo akong guguluhin nito.

Kumain na ako ng hapunan pagkatapos ay pumunta ako saglit sa kwarto para kuhanin ang binili kong aklat sa book store. Gusto kong libangin ang sarili ko at maialis lahat ng mga tanong na unti-unting gumugulo sa isipan ko.

Sinimulan ko ng magbasa ng libro nagulat ako sa nakita ko sa bawat pahina nito na....

Tumingin ka sa harapan mo....

Tumingin ka sa harapan mo....

Tumingin ka sa harapan mo....

Tumingin ka sa harapan mo....

Hanggang sa huling pahina yun lang ang nakalagay. Paulit ulit. Inihagis ko ang libro sa sahig. Laking gulat ko na lang ng nakita kong napuno ng dugo ang librong ito. May napansin akong nakatayo kung saan ko naihagis ang libro.

Napatingala ako dito at nakita ko ang isang babae. Ang babae sa panaginip ko. Nakayuko lang siya habang dahan dahang tumutulo ang dugo na nanggaling sa mga sugat niya sa sahig. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa nakaharang niyang buhok.

Narinig ko ang mahinang paghikbi niya pagkatapos ay dahan dahan niyang iniaangat ang kanyang ulo sa akin.

"Tulungan mo kami...."

Mula sa likuran ng babae ay may lumabas sa kanan niya na isang batang lalaki na kanina ko lang nakita pagkatapos ay sa kaliwa naman ay ang batang babae na may hawak ng manika.

Ang batang lalaki na naglalaro kanina ng bola ay unti unting nilabasan ng dugo mula sa kanyang mata.

Ang batang babae naman ay nilabasan ng dugo sa kanyang bibig pagkatapos ay....

Sabay sabay silang nagsabi ng....

"Tulungan mo kami...."

Nagsimula silang humakbang papalapit sa akin na para nila akong inaabot.

"W-wag kayong lumapit sa akin!" Sabi ko sabay takip sa mukha ko gamit ang mga braso ko.

Nang makalapit sila sa akin ay hinawakan nila ako sa ulo ko.

Room 202 (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora