7th Chord

95 19 11
                                    

CHAPTER 7


It's Monday again and I don't feel like going up. Sobrang tinatamad pa akong pumasok. Parang hinahatak lang ako ng bed ko kapag pinipilit kong bumangon. Kahit yung mga mata ko ayaw din makisama, ayaw nilang bumukas ng tuluyan.

Kasi naman, andaming pinapagawa ng Prof namin. Malapit na ang presentation namin ng final requirement, at kagabi ko lang tinapos 'yung soft copy ng documents. Kaya ngayon sobrang bangag pa ako.

Narinig kong may kumakatok, pero hindi ako sumagot. Pinilit ko na lang tumayo at naglakad papuntang banyo.

I heard manang called me, akala niya siguro nakalimutan ko nanaman na Monday na. There's this one time, na hanggang tanghali tulog ako, dahil ni hindi man lang ako nakapag-alarm. Akala ni Manang, wala akong pasok. Kaya ayun absent ako sa first 3 subjects. Buti na lang at hindi nakarating kila Mommy.

Pagkatapos kong gumayak binilisan ko na lang kumain bago pa ko ma-late sa school.

"Sila Mommy po?" Tanong ko kay Manang.

Himala, at maaga silang umalis.

"Maagang umalis, may business trip daw." Sagot ni Manang.

Nothing much to say. Kahit naman nandito sia, parang wala lang din. Kakausapin lang nila ako kapag pagagalitan o kapag may itatanong tungkol sa studes ko.

"Sige po Manang mauna na ko." Sabi ko at madaling kinuha ang gamit ko at umalis na ng bahay.

Pagkarating ko sa school agad akong sinalubong ni Krish which made me smile. She really waited for me at the front gate!

"Lauren Yen!!!" She hugged me tight, and I did the same.

"I miss you!" Sabi ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Nakita kong may dala siya isang paper bag, "Oh ano yan?" Tanong ko habang papunta kami sa bulding.

"Para sa'yo 'to. Oh!" Binigay niya yung paper bag na may laman na t-shirt, pasalubongs, atsaka keychains. "Oh ano? Ano nangyare sa'yo nung wala ako?"

"Wala. Loner."

Hinampas niya ako sa balikat. Sadista talaga.

"Sabi ko sa'yo chance mon a 'yun para maghanap ng ibang friends eh!"

"Pinapamigay mo na ba ako?" Makapagsalita to, kala mong ayaw na akong maging kaibigan kaya nirereto ako sa iba.

"Ay nako Lauren, hindi naman sa ganon! O siya sige tara na, male-late pa tayo. Mamaya na tayo magchikahan!" Sabi niya at pumasok na kami sa first class naming.

The classes passed like a blur. 'Di ko namalayan na uwian na. I was just waiting for Kirsh dahil may last class pa siya.

And speaking of Krisha Mae, she popped up in my cellphone.

From: Krisha Mae

Friend! Sorry! May group meeting pa kami sa OC! Wag mo na akong hintayin, baka mapagalitan ka pa. See 'ya tomorrow:*

Nagreply ako sakanya na okay lang, tutal may tutor session pa kami ni Jarvis ngayon. Hinihintay ko lang siyang dumating dito sa Science Park. Dito ang usapan naming nung Friday.

It's already 3:25 pero wala parin siya. 3 o'clock ang usapan namin.

I look around and all I saw is Jane.

So I called her, "Jane!" Kumaway ako sakanya. Hindi naman siya ganon kalayuan kaya nakita niya rin ako kaagad. Although tumingin pa siya sa gilid at likod niya kung siya ba talaga ang tinawag ko.

Love at its toughestWhere stories live. Discover now