Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

CHAPTER 1: HINDI AKO BAKLA!

656K 11.2K 1.5K
                                    

"Hey, miss!"

"Miss, teka!"

"Miss beautiful, teka lang!"

Nilingon ko ang lalaking tumawag sa 'kin. Nagtataka siya no'ng tiningnan ko siya. Tinaasan ko siya ng kilay. Mataray akong tao. Ginulo niya ang isang napakagandang diyosa na katulad ko.

"Is there something wrong?"

Kumunot bigla ang kanyang noo.

"Miss ka ba? Beautiful ka ba? Feeling 'tong baklang 'to."

Nagpintig bigla ang aking pandinig sa sinabi niya.

"Excuse me, babae ako!"

Tiningnan kami ng mga tao pero wala akong pakialam. This stupid guy had to learn his lesson. He had some nerve.

"So feeling mo, babae ka?"

"So ikaw, feeling mo, lalaki ka?"

Lumapit ako sa kanya at sinipa ang kanyang little birdie.

"Wh-what the f—!" Namilipit siya sa sakit. "Pagbabayaran mo 'tong bakla ka!"

"Oh, really? As if I'm scared of you."

"Don't mess with me again, understand?!"

I walked out like I had just won the crown. Dapat ay nagpasalamat siya dahil hindi ako naka-stiletto at hindi ko 'yon binakat sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang mukha akong bakla. Maybe it was because I had short hair. Wala namang masama sa pagiging bakla, pero bakit hindi ba nila makita na babae ako?

Pumasok ako sa restaurant to meet my best friend. Do'n ako nagpalit ng damit panlalaki. Inipit ko ang dibdib ko.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nagmukha na talaga akong lalaki. Kahit tawagin na nila akong guy, or gay it's fine.

Hinintay ko ang dearest best friend ko na si Charlie. Kahit kailan talaga, palagi siyang late.

Tumunog ang phone ko. Tumawag si Charlie.

"Where the hell are you?!" I shouted.

"Best, sorry! Hindi ako makapupunta. Pinatawag ako sa guidance office."

"What?! Paano na ako?!"

Sa sobrang lakas ng boses ko, napatingin na sa 'kin ang mga tao. Tiningnan ko lang sila nang masama. I wanted them to mind their own business. "You need to pick me up, Charlie, or I will kill you."

"Sorry na! Don't worry. Pinapunta ko na riyan ang ka-dorm natin, si Kyle. Naka-blue shirt siya, tapos may nakasulat na 'xoxo' sa harap. Basta, makikilala mo siya agad."

"Nakakainis ka naman! Mapagkakatiwalaan ba siya, ha? Baka mabuking niya ako?"

"Hindi ka niya mahahalata. Basta ayusin mo ang itsura at boses mo. Saka 'yang pagiging maldita mo? Alisin mo 'yan. 'Ge na, I need to go."

Binaba niya agad ang phone. Lintek talaga ang lalaking 'yon. Magpasalamat siya na best friend ko siya.

I waited for Kyle for what felt like ten decades while playing a game on my phone.

"Excuse, ikaw si Miko? Ako si Kyle."

Kinabahan ako bigla. This was it.

Okay, Millicent, umarte ka nang parang lalaki. "Ako nga, pare, nice to—"

Our eyes met. My heart stopped beating.

I wanted to die.

"Ikaw?" he shouted.

Lady in Disguise (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon