C16-SARW-Moonlight Pack

2.4K 85 7
                                    

*Lenesha's POV*

Excited na ako. Hihihihihi. Gumaling na kasi ako pagkatapos ng tatlo pang araw kaya eto ako,hinihintay si Eliza. Kasi nga di'ba ipapasyal nya ako sa Moonlight Pack? Kaya excited na talaga ako.

Nandito nga pala ako sa clinic nila, simula kasi nung makita ko yung mate ko hindi pa nila ako nililipat hanggat hindi pa ako gumagaling so it means ngayon ko na rin makikita yung magiging kwarto ko sa packhouse nila, kahit minsan nga hindi pa ako nakakalabas sa kwarto na'to eh. Hindi nila ako hinahayaan hanggat hindi pa ako gumagaling.

At ngayon makakapaglibot na ako. Wahhhh~~

Bumukas ang pinto at iniluwa si Eliza na nakapang doctor attire pa. Eh? So ibig sabihin maglilibot kami sa buong Moonlight Territory na ganyan ang suot nya? Okay walang pakialamanan sa trip ng iba -___-

Ngumiti ako sa kanya, yung ngiting nagpapakita nang gilagid ko. Joke lang.

"Ready?" Tumago naman ako ng maraming beses. Hindi halatang excited noh? Hihihihi.

Napahagikgik naman sya.

"You sure?" Tango ulit ang ginawa ko.

"Don't want to bother yourself to change clothes?" Tumingin naman ako sa sarili ko at nahiya ako sa nakita ko. Nakapajama lang pala ako na may design na hello kitty. Aisshhh. Nakakahiya! Papaano nga naman ako haharap sa mga pack members na ganito suot ko? Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko at tumingin sa kanya.

"Here take this." Binigay nya sa akin ang isang dress na color blue. Woah! Ang ganda!

Nagpasalamat muna ako bago dumiretso sa C.R para isuot ang blue dress na to.

Pagkatapos kong isuot yung blue dress lumabas na ako sa C.R. Nakita ko naman si Eliza na busy sa paghahanap sa dala nyang paper bag na malaki. Tumikhim ako tapos tumingin sya sa akin. Pagkakita nya sa akin lumapit sya at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"You're so gorgeous, Luna Lenesha. As always." Sabi nya ng nakangiti.

Napagpasyahan na naming lumabas ng clinic at pagkabukas palang nang pinto ay bumungad na kaagad sa akin ang pader na may mga nakaengrave na sosyaling design. Woah. No wonder ang yaman siguro ng pack na'to, ng pack namin.

Dumiretso kami sa dining hall kasi umaga palang kaya breakfast muna. Pagkarating namin ng dining hall ay nakita ko agad ang mga kasapi ng Moonlight Pack. May bata,teenager at mga matatanda na masayang nagkwekwentuhan,nakita ko rin ang iba pang mga kababaihan na naghahanda na nang makakain. Ang saya saya nila,parang walang problema,nakakainggit.

Pumasok na kami at napukaw agad ang kanilang atensyon ng maramdaman nila ang aking presensya. Lumapit kami ni Eliza sa kanila. Ang lahat ng tao ay sinasabihan ang akong Luna.

'Magandang umaga po,Luna Lenesha.'

'Napakaganda nyo po Luna Lenesha!'

'Maligayang Pagdating Luna Lenesha!'

Ayan ang aking mga naririnig sa tuwing dadaan ako sa kanilang harapan,puro pagbati't papuri pero isa lang ang nakapikaw ng atensyon ko sa lahat nang aking naririnig.

'Napakaganda nyo po,Luna Lenesha. Bagay na bagay po kayo ni Alpha Ace,tiyak na lalaking maganda't gwapo ang inyong magiging anak.'

Lumapit ako sa nagsabi ng mga katagang yun at natagpuan ang isang cute na little boy, yeah little boy. Akala ko pa naman isang cute na little girl ang nagsabi nun yun pala cute na little boy.

Namula ako sa sinabi nya. Yiee~~ kasi naman di'ba sabi ng matatanda hindi nagsisinungaling ang bata kaya ibig sabihin totoo yuung sinabi nya. Kaso nga lang ang hard sa akin nag mate ko eh~~ tapos ang cold pa nya :(

She's A Runt WerewolfWhere stories live. Discover now