Two

17 1 0
                                    


Pagkauwi ko ng bahay, naghalf bath muna ako saka bumaba at tumulong kay Mama sa kusina. Pinaghiwa niya ako ng patatas para sa dinner namin mamaya. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga kaganapan ko sa school kanina at sa carinderia namin.
Pagkatapos, umakyat ako para gawin 'yung mga homework ko.

"Yen, nagkita na raw kayo ni Marius kanina? So ano? Kumusta yung surprise na reunion niyong dalawa?" tinext ako ni Elise.

"Paano mo nalaman?"
"Hello? May pakpak ang balita may tainga ang lupa. So paano nga?"
"Kumustahan lang." maikli kong reply.
"Yun lang talaga?"
"Yan nga lang."
"Weh? Mamatay?"

Kahit kailan talaga 'tong si Elise. Wala talagang kawala ang mga bagay na hindi ko masabi-sabi sa kanya. Mapilit saka masyadong mahadera.

"O sige na, hiningi lang niya 'yung number ko. 'Yun at 'yun lang period no erase."
"Hmm, talaga lang ha? As in 'yun lang?"
"Ewan ko sa'yo, napakamalisyosa mo talaga saka assumera. Te, friends lang kami ni Marius saka nagbabago ang mga tao, malay natin 'yung Marius na kababata natin noon ay iba na sa Marius na nakilala natin ngayon."
"Sabagay may point ka te."
"See? O sige na at tatapusin ko pa 'tong homework ko. Ikaw nagawa mo na sa'yo?"
"Hindi pa, maybe later."
"Later na papunta sa wala. Sige na text you later. Babay te, love love."
"Sige, see you tomorrow. Love love"

Ano ba ang nakain ni Elise at pinupush niya ako kay Marius?
Oo crush ko si Marius, pero noon yun. Bata pa lang kami magkasama na kami ni Marius, siya ang naging kuya ko nang umalis ang kuya Troy ko papuntang Amerika para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Tita ko ang nagpapaaral sa kanya doon, ayaw sana ni Mama pero naisip niya ang kinabukasan ng kuya kaya pumayag na rin siya. Sa pamilya namin, dalawa lang kaming magkapatid kaya close na close ako sa kuya ko.

Napakaloner ko naman kasi noon kaya nahirapan akong makahanap ng kaibigan nang umalis ang kuya. Si mama naman palaging busy sa carinderia kaya wala kami masyadong bonding, pero kahit ganoon, mahal na mahal ko ang mama ko.

Si Marius ang kauna-unahang kaibigan ko, siya pa ang unang nag "Hi" sa'kin. Dahil sa kanya, naranasan ko ang mga bagay na hindi ko pa nasusubukan. Lagi rin niya sinasabi sa'kin na 'wag daw ako magpakaloner at sumimangot forever dahil mas maganda raw ako 'pag nakangiti.

Sa loob ng tatlong taon, naranasan ko maging normal tulad ng iba, nagkaroon rin ako ng maraming kaibigan, nagboost ang confidence ko at higit sa lahat, nagkagusto ako sa kanya. Hindi nakukompleto ang araw ko 'pag hindi siya dumaan dito sa vahay at ayain akong maglaro. Nakakabisado ko na nga rin 'yung mga gagawin namin sa isang araw na magkasama.

Nasanay ako sa ganoon, Nakontento ako sa ganoon. Akala ko maayos na ang lahat pero hindi pa pala. Noong araw bago ang birthday ko, sinabi niya sa akin na may ibibigay siya sa akin na regalo para sa birthday ko. At since atat na atat na akong malaman kung ano ang ibibigay niya sa akin. Naalala ko tuloy 'yung mukha niyang magkahalong inis at saya noong kinukulit ko siya na ibigay na ang regalo at 'wag na hintayin pa ang bukas pero ang sabi niya bukas na kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Atat na atat na akong sumapit ang birthday ko.

At sa espesyal na araw ko, maaga akong gumising at pupunta sana sa bahay nila, pinigilan ako ni mama at sinabing wala na sila doon dahil lumipat na pala sila ng bahay noong isang gabi bago ang birthday ko. Hindi niya nagawang magpaalam sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Doon ko unang naramdaman ang sakit. Mas masakit pa noong umalis ang kuya ko.

Binigay sa 'kin ni Mama ang isang box, galing daw kay Marius, ito sana ang regalong ini-expect ko na siya mismo ang magbibigay. Isang scrapbook ang nasa kahon, naroon yung mga pictures namin at mga bagay na konektado at mahalaga sa amin. Nasaktan talaga ako noon. Ang tagal kong nakamove on na wala na si Yong. Hanggang sa natapos ko ang elementary at narealize na wala na talaga siya.

Pero kanina, nakita ko si Yong. Gusto ko siyang yakapin at sabihing miss na miss ko na siya pero hindi ko ginawa. Naisip ko na baka nagbago na si Yong. Nagbabago ang tao sa paglipas ng panahon, naisip ko na baka iba na yung Yong na bestfriend ko noon sa Marius na nakausap at kinukumusta ako ngayon.

Naaalala niya pa kaya yung mga pinagsamahan namin? Kasi ako tandang-tanda ko pa, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga araw na naramdamdam ko na espesyal ako, mga araw na nagbigay sa akin ng kakaibang saya.

Sana kaya kong ibalik ang nakaraan at bumalik sa panahong masaya kaming naglalaro ni Yong sa bakuran ng bahay nila.

Tinawag ako ni mama para maghapunan. Naikwento sa akin ni mama na dadaan daw si Tita Rosa, mama ni Marius para daw makipagchikahan sa kanya.

#SquadGoals din sila mula noon hanggang ngayon kahit 'di sila nagkita simula noong umalis sila sa lugar namin.

Pagkaakyat ko, nagbihis na ako ng pantulog nang may nagtext. Tinignan ko ito at nagulat ako na si Marius pala ang nagtext.

"Hi, gising ka pa?"
"Oo, patulog na rin bakit?" reply ko sa kanya, gusto ko magtagal ang naumpisahang usapan, kinakabahan ako pero di ko alam kung bakit.

"Ahh, sunduin kita dyan bukas ayos lang ba?"
"Oo naman, kung 'di ako nakakaabala. :)" nilagyan ko pa ng smiley para 'di maging awkward ang atmosphere.

"Sige, hintayin mo 'ko bukas ah, sabay tayong pumasok. Sige tulog ka na, good night. :)"
"Sige, good night."

Naghintay ako pa ako sa text niya, baka sakaling may sasabihin pa siya pero mukhang wala na. Inilapag ko ang phone ko sa may lamp shade at umayos na para matulog.

"Yong, miss na miss kita." bulong ko sabay pikit ng mga mata.

Maling Akala (Another HOPIA Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon