Ignited...Excited

4.1K 131 2
                                    

Sunod-sunod ang iling niya. "Siya na lang. Character sketch lang naman ang kailangan mo." Nahihiya niyang sagot.

Edward acted out amused sa pinong pagguhit ng ngiti nito sa labi. "Pagbigyan mo na si Tania, Esperanza. Come on." Akag ng binata.

"No, I'm fine."

"Sige na." pilit ni Edward. Nahihiya at bantulot na tumayo siya ng upuan upang okupahin ang bakanteng silya sa tabi nito. Agad namang pumuwesto si Tania upang kunan sila nito ng picture.

"Para namang diring-diri kayo sa isa't-isa. Closer." Puna ng lukaret niyang kaibigan.

Ito ang ikalawang beses na nagkaroon sila ng physical contact ni Edward at pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hangin sa pagpigil ng kanyang hininga. Ang una ay nang magkadaupang palad sila sa opisina ni Mister Dimagiba.

She heard him drew air into and out his chest.

"Konting lapit pa."

Sukat doon ay inakbay ni Edward ang mga braso sa kanyang balikat and pulled her closer. Sumidhi ang init na bumalatay sa kanyang pisngi sa magkadikit na gilid ng kanilang mga ulo. Nabigla siya sa ginawang iyon ng binata ngunit wala siyang nagawa but to hold her smile.

"Say cheese!"

Paano niya kalilimutan ang magaling at batikang manunulat na si Alanis Cheng? Ito ang kanyang ina na piniling iwan sila ng kanyang ama at kapatid na si Margaret kapalit ng karera nito. Pitong taong gulang siya noon ngunit nakatatak na sa kanyang noo'y murang isip ang ginawang pag-abandona sa kanila nito.

"Hindi pa ba sapat sa'yo ang lahat ng ito, huh?" kompronta ni Conrado sa kanyang asawa na nag-eempake. Ang musmos na magkapatid na Margaret at Edward ay walang tigil sa pag-iyak habang pinapanuod ang nagbabangayang mga magulang.

"This is not the life I wanted, Conrado. Ayaw kong mabulok lang sa apat na sulok ng mansion mo." Matigas na pahayag ni Alanis.

"Anong buhay ang gusto mo? Ang magsulat? What life does it give, huh, Alanis? Kaya na nating mabuhay nang marangya without that bullshit career of yours." Sukat doon ay tinabig ng lalaki ang writing table ng asawa. Nagkalat ang mga libro sa sahig na agad inagapan ng babae. Pinulot nito ang mga iyon saka tumayo.

"Conrado!" tuluyan nang bumagsak ang luha sa mukha ng babae and looked at her husband indignantly, her long thin nose flushed in pink sa pigil na iyak. "Alam mo kung ano talaga ang problema ng pamilyang ito? Ginagawa mo kaming tau-tauhan mo. You make every decision your way habang kami ay parang mga robot na kailangang sundin ang gusto mo. Hindi na ako masaya sa buhay na gusto mo, Conrado." She mumbled between sobs.

Nanigas ang panga ng lalaki. Pigil ang emosyong nagsalita. "Umalis ka kung gusto mo pero mananatili sa akin ang mga bata. At sa oras na tumapak ka sa labas ng mansyong ito ay puputulin ko na ang karapatan mong makita sila."

"No! You can't do that. Ako ang ina nila." Protesta ni Alanis na bumalatay ang shock sa mukha.

"You heard it loud and clear, Alanis. Alam mong hindi mo kayang ipaglaban ang karapatan mo sa mga bata." Lumapit sa asawa si Conrad. He held his gaze. "My children are staying."

"Conrado, please."

"Ngayon, mamili ka. Kami ng mga anak mo o iyang walang kwenta mong ambisyon."

"Conrado. Nagmamakaawa ako. Huwag mong ilayo si Margaret at Edward sa akin."

"Answer me, Alanis. Now!"

Maang na nagpalipat-lipat ang tingin ni Alanis sa asawa at dalawang anak na humihikbi sa sulok. Matapos ay yumuko ito. Ipinagpatuloy ang pag-empake ng mga gamit nito. Sa pagtikom ng mga labi at pagpahid ng luha ng babae, batid niyang pumili na ang asawa. Hindi sila ng mga anak nila.

Lovingly Yours, Mister NuknukanWhere stories live. Discover now