Ikaw Ba Si HARRY POTTER? (One Shot)

1.2K 75 26
                                    

Thank you so much for the cover MichEuniceEalla 😊 Lots of love ❤

WARNING: Wag basahin kung ayaw ma-disappoint :D A one shot, fan fiction story about HARRY POTTER. This is just a piece of my jejemon days & crazy harry potter days. So bear with it! XD

P.S.
PLUG: Please also try reading her first ever story :) _dramaticat titled, "A Night with Professor X"
Thank you so much! 😊

***
Siya yung babaeng Adik kay Harry Potter.

Nakakainis lang kasi talaga!

At ewan ko kung anong nakita niya dun sa mukhang datuputing hilaw na nilalang na yun at kinababaliwan niya ng sobra sobra ><

Makita niya nga lang sa TV, notebook, magazines, damit o sa kung saan saan pang bagay na nakasalpak yung pagmumukha nung monggoloid na yun eh halos maghysterical na siya!

Ang weird talaga ng mga babae!

Lalo na siya..

***
"Waaaaaaaah! Harry Potter My Loves!!!"

At ayan na naman siya. Tsk! Naku talaga!

Kung hindi ko lang mahal 'tong babaeng 'to, matagal ko na talaga siyang nasapak.

Nakakairita lang kasi. Ang ganda ng panonood ko dito ng TV. Tapos nung diko sinasadyang mailipat sa HBO channel at nataong yung letcheng Harry Potter na yun ang palabas, eh halos ingudngod niya na yung labi niya sa screen ng TV mahalikan lang yung mukhang ipis niyang idol.

"Kadiri ka talaga kahit kailan. Ts! Abnormal."
Sabi ko sakanya ng walang kagana gana.

Lumingon naman siya sakin ng nakabusangot na ang mukha.

Shet lang. Ang gay pero nakyukyutan talaga ako sakanya -.- Lalo na kapag nagpa-pout na siya. Ugh!

Ano ba Prince?! Umayos kanga T___T

"Chehhh! Pwede ba manahimik ka nalang! Baka nakakalimutan mo, nakikipanood ka lang dito sa bahay namin!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, wagas niya akong inisnoban at bumalik na siya dun sa pagpapantansya sa panget niyang crush.

Yeah right. Nandito kasi ako ngayon sa bahay nila.

Ang totoo niyan, bestfriend ko yung kuya nitong timang na babae na 'to, pero mahal na mahal ko :D

Pero hindi niya alam yan.

Hindi niya alam na mahal na mahal ko siya. Hindi niya alam na matagal ko na siyang pinapatansiya. Hindi niya alam na matagal ko na siyang lihim na ninanakawan ng tingin, sa malayo man siya o sa malapitan. Hindi niya alam na sa tuwing nakikita ko siya, naririnig ang boses niya, para akong tangang nababaliw sakanya.

Ewan ko ba! Saksakan ako ng torpe para umamin eh.

Anong ginagawa ko dito sa bahay nila?

Malamang, dinadalaw siya. Pero siyempre, hindi niya din alam yan. Akala niya lang talaga eh dahil sa bestfriend ko yung kuya niya kaya ako madalas na pumupunta dito. Pero ang di nya alam, paraan ko narin 'to para makita lang siya :)

Haaay! Ang daming PERO.

***
Days passed. At sa araw araw na makikita ko si Ayen, makakasalubong at makakasama, walang pagbabago.

Bukambibig niya parin ang pesteng Harry Potter na yan!

One time panga, nagkasagutan pa kami ng dahil lang diyan.

Ikaw Ba Si HARRY POTTER? (One Shot)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant