Chapter 24: Kedith :)

1.1K 32 0
                                    

Kevin's POV

Finally, may POV na me, ang bait ni author, siya ay napaka-pretty~

( A/N: Si Kevin ang nagsabi niyan a? Labas na ako diyan. Hihihi)

I'm one of the campus heartthrobs in Saint Peter University. I had several number of flings. I'm also the team captain of the varsity.

I already attained my status here in SPU pero may isa pa akong hindi makuha.

Natotorpe kasi ako. Kanino ? Sa kanya.

Kung alam lang niya na siya lang talaga ang laman ng puso ko e di sana di ako nagmumukhang sira dito kaka-stalk sa kanya.

Ginawa ko na ang lahat, I even convinced my cousin to act as my girlfriend pero dyahe, walang effect ,mukhang di siya nagseselos.

Kapag kinakausap ko naman siya ,kahit kating-kati na ang dila ko na sabihin na gusto ko siya ay umuurong ito.

Ang pogi mong Torpe Kevin Carlo Araneta.

Oo Torpe na talaga ako. Gwapong Torpe. Naalala ko tuloy yung first meeting namin

*flashback*

1st year HS palang ako noon at wala pa ang sikat na Kevin Araneta noon kung hindi..

Isang nerd.

Oo Nerd ako noon,mahina at duwag. Kadalasang biktima ng mga bullies.

At heto ako ngayon, punung-puno ng harina. Kagagaling ko lang sa pambu-bully nila. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila a? Grabe naman sila.

Nandito ako ngayon sa likod ng campus, umiiyak nanaman. Alam kong mukha akong tanga dito na puno ng harina pero wala akong pakialam .Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko, gusto ko ng lumipat ng school pero kahit naman saan ako lumipat ay ganoon rin ang mangyayari sa akin. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

.....................

*blink*blink*

nananaginip ba ako bakit may isang magandang nilalang ang nasa tabi ko na natutulog ... at nakayakap pa sa akin? Ito na baa ng reward ko sa pambu-bully nila sa akin?

Napatunayan ko nga sa sarili ko na totoo pala ang LOVE AT FIRST SIGHT.Ngayon ko lang siya nakita ah ? At nakapang-cheerleading uniform siya. Ang ganda niya.

"m-miss yung k-k-kamay m-mo "

shet nababading ako, konti nalang magki-kiss na kami.

"hmmm..." sabi niya, mukhang ang sarap ng tulog niya. Kinalabit ko siya para magising at yun dumilat na siya

"AAAAAHHHHHHHH!!!!" parehas kaming napatayo sa sigaw niya.

"WAG KANG LALAPIT !! MULTO KA" sabay atras niya saakin. Oo nga pala puno parin ako ng harina. Tch.

"eh? m-miss sorry pero d-di ako multo ... "

" Sure?" paninigurado niya

"o-oo nga"

"eh bakit nauutal ka? Multo ka no? Sabihin mo sa akin! Multo ka eh!"

"kasi a-ano, kinakabahan ako pero di ako multo " Ang ganda niya kasi, nakakakaba.

"h-huh ?"

"w-wala. sige alis na ako " tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko

" sabi na eh , nahawakan kita. Hindi ka nga multo . Pasensya ka na ha? Nagulat lang ako sayo kanina kaya ganoon ang naging reaksyon ko "

My Childhood Sweetheart FOR REAL? <3 [ EDITING ]Where stories live. Discover now