Kabanata 9

6.2K 260 10
                                    

Sorry kung natagalan :( 

-CG

***

Kabanata 9

Ngiti

***

"DIA! ADRASTEIA!"

Biglang napamulat si Dia dahil sa sigaw at pag-alog sa kanya ng kung sinuman. Nilingon niya ang buong paligid at natagpuan ang kanyang sarili sa loob ng klinika ng kanilang eskwelahan.

"Anong nangyari?" takang tanong niya.

Napalingon naman siya sa kanyang kanan at nakita ang nagtatakang mukha ni Dentrix.

"Ako yata ang dapat na magtanong niyan. Bakit ka umiiyak habang natutulog ka? Tapos bigla ka na lang hinimatay kanina," sagot ni Dentrix.

Hindi naman makapaniwala si Dia sa nangyari sa kanya at nilibot ang kanyang mga mata. Natagpuan niya si Razzle na tahimik na nakaupo at nakatitig sa kanya. Titig na titig siya rito at tila ba paulit-ulit sa utak niya ang lahat ng kanyang nakita. Muli siyang tinawag ni Dentrix kaya nakuha nito ang atensyon niya.

"Pinakita niya sa akin. Dinala niya ako sa nakaraan," makahulugang wika ni Dia.

"Huh? Nino?" takang tanong ng binata.

"Ni Razzle, Dent! Pinakita niya sa akin ang nangyari," ani Dia ngunit pagtataka lamang ang gumuhit sa mukha ng binata.

Dahil do'n, kinuwento ni Dia ang lahat ng kanyang nakita at nalaman. Gaya niya, hindi makapaniwala si Dentrix sa mga nangyari.

"Kaya ba nagrerebelde si Roger noon pa?"

Napataas naman ang kilay ni Dia.

"Nagrerebelde si Roger sa mama niya, noon pa. Lagi siyang nagka-cutting at napapaaway pero nung mga bata naman kami, lagi siyang nambubully at 'yon ay no'ng panahong buhay pa siguro si Razzle at nang mawala siguro 'to, do'n na mas lumala si Roger. Alalang-alala ko pa 'yun dahil magkaklase na kami noon pa," kwento ng binata.

"Ano pang alam mo kay Roger? Sa pamilya niya?"

"Ang alam ko lang, nambabae ang tatay ni Roger at iniwan sila nito at makalipas ang ilang taon, nag-asawa ulit 'yung nanay niya ngunit kalaunan ay namatay din."

Napaisip si Dia at unti-unting inalala ang mga nangyari ngunit napapapikit na lang siya sa sakit habang nagpapaulit-ulit sa utak niya kung paanong binawian ng buhay ang batang ngayo'y nasa harapan niya't inosenteng nakatingin sa kanya.

***

"Nandiyan ka na pala, anak. Kumain ka na ba?" ani Rowena sa kanyang anak na kadarating pa lamang.

"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam?" bastos na sagot ng binata.

"Roger!" sigaw ng ina nito ngunit hindi siya nito pinansin. Hinabol ni Rowena ang anak at marahas itong hinawakan sa balikat upang iharap sa kanya.

"Bakit? Nagkaroon ka lang ng pakialam sa akin kasi wala na 'yung asawa mo saka anak mo kaya napapansin mo na ako," matabang nitong wika saka pumiglas sa pagkakahawak ng ina at dumiretso paakyat sa kwarto nito.

Bigla namang napaupo si Rowena at tahimik na umiyak. Kung alam lamang ng kanyang anak, mahal na mahal siya nito. Labis lamang itong nilamon ng sakit nang ipagpalit sila ng tatay nito sa ibang babae at idagdag pang nagselos ito nang mag-asawa siya ulit noon at nagkaanak pa. Pakiramdam nito'y pinalitan na siya nito ngunit ang totoo, hindi. Patas lamang ang pagmamahal na binigay niya sa kanila ngunit nilamon lang talaga ng selos si Roger at takot na baka mabalewala na lamang siya gaya ng ginawa sa kanya ng kanyang ama noong siya'y paslit pa lamang.

AdrasteiaWhere stories live. Discover now