Chapter 4- VATAMPS Cup and the Secret Task

22 0 0
                                    

Pagbalik ko sa dorm, ay agad na naligo at nagbihis ako. Pinagpiyestahan pa nga ako sa dorm. Kaliwa't-kanang Sorry pa nga ang narinig ko mula kina Josh, Luke at Heriana.

Tapos nag-alala pa ang ibang kadorm ko sa akin, kasi daw may attitude problem daw si Wency, which is true, tapos baka daw na tusta ako, ganito lang naman ang sinasagot ko. "Ang lapit ko na sanang maging pagkain sa fiesta!" which is partly true, kasi tinatapunan ako ng apoy ni Brent, pero hindi naman ako nasunog ang mas irony pa, nagliyab pa talaga ako.

Pagkatapos ng pagsysympatiya nila sa akin, nagtanong na rin ako kung asan ang office ni Prof Orcrux. Naintindihan ko na rin naman kaya tumungo na ako.


Matapos ang konting lakad, as-in KONTI lang talaga!!! Nasa top tower lang po kasi yung office niya! Pero matapos ang mala-Mindano hanggang Luzon na paglalakbay, tanging ubod na laki na picture frame ng VCHA ang nasa harapan ko.


Gold ang color ng frame niya, kaya sinubukan ko talagang hilahin pabukas yung frame. Nagbabaka-sakaling bumukas yun, but I failed. Para na nga akong tanga eh!! Napasandal na lang ako sa picture frame sabay pa slide pababa, yung parang dun sa advertisement ng skin care....

Pinaglalaruan lang yata nila ako eh! Dahil nasa baba na naman ako, may napansin akong kakaibang lettering. Kaya binasa ko ito, Mozart Terrarius? Napaisip ako, ano naman kaya yun? Naramdaman kong bumukas ng bigla ang picture frame.

"Ms. Villanueva, you're here, please come in," saad ni Professor Orcrux na nakaupo sa harap nina Koreen, Wency, Brent at Adrian.

Napatingin naman ang elemental power users sa akin. Biglang tumaas ang balahibo ko ng napatingin sa mga mata ko si Brent. Agad naman akong pumasok, at kitang-kita ko ang bawat sulok ng office niya.


"Professor?" tanong ko nang makarating na ako sa harap niya. Pagtingin ko kay Wency, napansin kong nababalutan siya ng maitim na aura. Problema nito?


"Alam niyo namang kulang na kulang ng members ang grupo para sa VATAMPS. And we need to win this cup, so the council has decided to get the best students-"

"But she's just new here! We don't even know kung worthy ba siya! She's just be dead waste," pagsambat ni sino pa ba? Eh di si Wency the Great! Naparoll agad ako ng eyes ko. Tch! Dead waste daw?

"Do not interrupt me when I'm speaking, Ms. Torres! Hindi lang naman si Ms. Villanueva ang papasok sa grupo niyo. Because of some rules, bawal magdala ng healer during the competition so we chose the most intelligent student of VCHA, Ms. Dizon, come," napatingin ako sa pintuan, and to my surprise, si Heriana!


"She'll be your healer. She knows everything about herbs and natural healing, she'll be joining your training. Teach her how to defend herself, she's also the best witch in this school, so she knows some spells that can help all of you," saad nito. "Para may alam kayo sa mga plano nila, you need a mind reader. Alam niya paano mabasa ang mga iniisip nila just by imagining their faces. Athena Valdez." Huwaw! Terraria talaga ang mga kinuha. Pumasok naman si Athena.

"Kapag magkakaproblema kayo in defeating them, Sebastian Luke Evans will help. He has the power to release the 12 zodiac signs, na makakatulong sa inyo in terms of fighting, thinking and deciding. Professor Lumins chose him, because he has the best grades in her class, and I've heard that he's been practicing to predict what's going to happen," nagulat ako sa pwedeng gawin ni Luke, hindi na kasi siya nagdramatic entrance gaya nung iba na hinihintay pa kung kailan tinatawag yung pangalan nila.


"For a much better performance inside the competition, we need to eliminate them all. Professor Dominguez suggested her not because of her grades but her performance last year, at the testing arena na nagcrack ang glass barrier. But she needs to be trained in order that she can control her power. Am I right, Ms. Venus?" napatingin ako sa tinitingnan ni Prof Orcrux. Nandoon pala sa sulok si Venus na nakaheadphones.


Cassandra, The Legendary: The VATAMPS CupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon