Chapter 42: Cold Treatment

16.7K 521 18
                                    


PLEIGE'S POV

Sandali akong lumabas bago kami umalis dito sa Palawan. May usapan kasi kami ni Carl na magkikita daw kami bago umalis.

Pagkadating ko dun sa may shore ay wala pa si Carl kaya napagpasyahan kong maglakad lakad nalang muna habang iniintay siya.

"Andyan ka lang pala" nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Oh Carl andyan ka na pala" sabi ko sa kaniya " Ano ba kasi yung pag uusapan natin?" tanong ko sa kanya

"Hali ka sumama ka sa akin" sabi niya sa akin sabay hila papunta sa isang bench dito

"Okay ano na yung sasabihin mo" tanong ko sa kanya

"Pleige diba tinanong kita dati kung pwede akong magkaron ng second chance sayo ?" pagsisimula ni Carl. Oo nga binigyan ko sya ng second chance dati

"Pleige alam mo naman siguro na mahal pa rin kita hanggang ngayon" sabi niya sa akin pero wala na itong epekto sa akin hindi tulad ng dati nabilis ang tibok ng puso ko pag naririnig ko iyon sa kanya.

"C-Carl--" Iimik sana ako pero sumabat siya

"Ako muna ang iimik Pleige " sabi niya " These past few months napapansin ko na medyo nagkakalapit na rin kayo ni Andrei. Napapansin ko din yung mga ngiti mo kasama siya. Pero Pleige hindi pa naman ako huli diba?" tanong niya sa akin. 

Hindi ako nakaimik. Ang nasa isip ko lang kasi ngayon ay si Drei. Aisshh IN LOVE na nga talaga sa ako sa kanya. May tao akong kausap ngayon pero ang isip ko lumilipad kasama sya.

"Pleige, aaminin ko hanggang ngayon mahal na mahal pa din kita. Ito lang naman ang itatanong ko sayo. Pleige pwede ba kitang maging girlfriend ? " nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko  sa kanya. 

Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanya na hindi ko na siya, mahal na si Andrei na ang mahal ko. Ayaw kong masaktan siya kasi syempre tinuturing ko na siyang Best friend ngayon

"Carl mahal na mahal pa din kita...... " sabi ko natigilan ako nang konti hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nakita kong ngumiti siya.

"Pero Carl, bilang isang bestfriend nalang yun. I'm sorry Carl hi-hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako. Pero may iba na akong gusto ngayon" sabi ko habang nagsisimula nang pumakalawa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Si Andrei ba ?" tanong niya hindi ako nakasagot

"Pleige sagutin mo ako si Andrei ba ?!" sabi ni Carl

"Oo Carl oo sya na nga Sorry !" sabi ko napaupo ako dun sa bench at lalong napahagulhol

"Sinasabi ko na nga ba. Hindi ko lang pinansin kasi akala ko may pag asa pa ako sayo kasi akala ko hindi pa din ako huli. Pero mali pala ang nasa isip ko huli na pala ako. Napaltan na pala niya ang posisyon ko sa puso mo" sabi ni Carl sa akin

"Carl, Sorry" mahina kong sabi

"Pero, Salamat na din dahil naging parte ako ng buhay mo Pleige. Tanggap ko na Pleige na sya ang pinili mo. Pero Pleige wag kang magpapakitang naiyak sa akin dahil dun sa lalakeng yun. Dahil babawiin talaga kita. Magkamatayan na" sabi niya tumigil naman ako kakaiyak

"H-hindi ka galit ?" tanong ko sa kanya

"Bat ako magagalit ? Hindi mo kasalanan na magmahal ng iba. At tsaka kasalanan ko din naman kung bakit hindi na ako ang mahal mo ngayon eh. Dali ka nga dito muka kang uhugin dyan" sabi niya tsaka hinila ako at niyakap.. Naramdaman ko na medyo nahikbi si Carl kaya tinap ko yung shoulder nya.

Story of The Nerd  Gangster PrincessWhere stories live. Discover now