88

8 0 0
                                    

*DEPINISYON 101*
Saglit

Nakakapagod din ang ganitong takbo,
Nakakapagod din ang pagsuyong ito,
Nakakapagod din ang pagaasam ko,
Nakakapagod din ang distansya mo.

Teka

Medyo nakakabisa na,
Medyo nasasanay na,
Medyo nakikilala na,
Medyo bumibigat na.

Hintay

Nanlalagas na ang oras pati pagasa,
Nasisira na ang bawat pangarap na ninanasa,
Nabubura na bawat letra na binabasa,
Nagsisikip ang asam na pagsinta.

Pero

Sa bawat kumpas ng nota,
Sa bawat hakbang ng aking mga paa,
Sa bawat bigkas ng mga salita,
Sa'yo ang daloy at papunta.

Sana naman. Oo sana.
Di nalang to isang katha,
Hindi isang pangako, ni sumpa,
Sana totoo na nga.

Na may tayo na ginawa ng may likha.

Hugot LinesWhere stories live. Discover now