Ang Martir - Isang Monologo

10.3K 34 48
                                    

Oh?! Bakit nakatingin kayong lahat sa akin? Ikaw, ha! Ano ba?! Hinding-hindi niyo ako maiintindihan! Hindi niyo alam kung ano ang tunay na pag-ibig. At, hindi ko rin alam! Hindi ko mawaring magagawa kong umibig ng isang taong ilang ulit na akong sinaktan at niloko.

Ako! Ako. Nagawa ko't patuloy na ginagawa. Alam ko sa aking puso't isipan na ito'y aking gagawin magpakailanman.

Naaalala ko pa noong una kaming nagkakilala mahigit sa isang taon na ang nakalipas. Hindi ko talaga inakalang magiging kami. Isipin mo. Nagkaroon siya ng apatnapu't walong kasintahan. Saksakan siya ng yabang at ang kulit! Sobra.

Seryoso. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at sinagot ko siya matapos niya akong ligawan ng walong araw lamang! Kasalanan ko 'to eh. Tsk. Eh, wala eh. In love eh.

Wala akong pakialam!

Nagmistula pa nga akong akyat-bahay gang noong tumalon ako papasok sa loob ng bahay nila. Nagdala ako ng mango tamarinds noon. Na-miss ko siya eh! Bakit ba?

"Tao po? Tao po?"

Dumaan ang ilang oras... wala palang tao. Iniwan ko ang isang liham malapit sa pinto ng bahay nila't umuwi na lang. Alalahanin niyo. Nagkahiwalay kami noong mga panahong ito dahil sa hindi matawarang pakikipaglandian niya sa mga babae.

Tanga!

Tanga raw ako sabi nila. Masisisi niyo ba ako kung ako'y lubos na nagmamahal lamang? Magagawa ko bang iwan siya? Hindi! Mabubuhay ba ako ng wala siya? Jusko! Iniisip ko pa lang ay parang mamamatay na ako!

Kapatawaran. Iyan ang walang humpay na hinihingi niya sa akin at walang sawa ko namang ibinibigay.

Oo. Mahal ko siya higit pa sa aking buhay. Wala akong laban sa inyo kung babansagan niyo akong martir.

Ang nais ko sana... Ang pinakahahangad ko'y sana... Sana, mahalin niya rin ako. Hindi puro matatamis na salita's mga pangakong napapako. Naniniwala ako. Umaasa akong mamahalin niya rin ako. Diba? Diba?!

Ang Martir - Isang MonologoWhere stories live. Discover now